24-My Mage System

1K 146 12
                                    

Payapa at masaya ang lahat sa Thronus hindi alintana ang paparating na dilubyo. Mga taong nagkakaaiyahan sa inuman, nag-eensayo, naghuhunting, gumagawa ng misyon, natutulog, nagtatalik, at nag-aaral.

Lahat sila ay okupado sa kanilang ginagawa at wala man ni isa ang nakapansin sa kanila sa tatlong nilalang na lumulutang sa kalangitan.

Maganda ang panahon at maaliwalas ang sikat ng araw pero kabaligtaran iyon sa mga matang makikita sa tatlong nilalang sa ulap. Mababakas sa malagintong mga mata nila ang bagsik at nakamamatay na tingin pati ang awrang inilalabas nila.

Sa isang kumpas ng kamay ng lalaking may puting buhok ay huminto ang oras at tumigil ang mga galaw ng tao at kapaligiran. Pati ang mga tubig sa dahon na papatak sa lupa ay huminto. At pag-ihip ng hangin sa himpapawid ay hindi pinalampas.

Ang nasa gitna ay isang binatang may matikas na katawan. Siya iyong lalaki na titilian ng mga dalagang babae dahil sa napakalakas ng sex appeal nito. Isang maputing lalaki na may white clean cut hair na usong-uso sa Earth. Sinasayaw sa hangin ang suot nitong puting kapa na mahaba ang manggas hanggang sa kamay at hanggang tuhod ang haba. At sa loob nito ay may kulay dilaw na pang-itaas na damit at pantalon. May mala-anghel na mukha dahil sa napakaamo nitong mga mata pero taliwas pala iyon sa totoo niyang katangian.

Napapalibutan siya ng nakakapangilabot na lilang enerhiya. At nagsisigaw ng maawtoridad na presensya. Siya iyong sinasabi na luluhod ang mga tala dahil sa napaka-regal niyang awra at postura. Sa kaniyang kanang pisngi malapit sa kaniyang mata ay may kumikislap na thunder-tattoo.

Sa kanan niya ay isang lalaking mas matanda ng kaunti sa kaniya. Mas matikas at makisig ang katawan nito na hapit-hapit sa kaniyang pangloob na kasuotan. Mataas ang maitim nitong buhok na naka-ponytail pero hindi ibig sabihin non na para siyang babae tingnan. Bagkus nakakadagdag ito sa bagsik ng awra niya at dagdagan pa na may pahiwa ang kaliwang kilay nito.

Siya iyong taong tatawagin mong adik o gangster dahil sa postura nito. Katulad ng binata sa kaniyang kaliwa ay nakasuot din siya ng puting kapa na sinasayaw ng matinding ihip ng hangin sa himpapawid. May kumikislap na fire tattoo sa kaniyang kanang pisngi malapit sa kaniyang kanang mata. At may malaking peklat na ekis sa kaniyang kaliwang pisngi.

Ang katabi naman ng lalaking may puting buhok ay isang babaeng may mala-porn star na dating dahil sa halos wala na itong saplot sa katawan maliban nalang sa takip sa kaniyang dalawang suso at ng kaniyang pribadong parte ng katawan sa ibaba. Kagaya ng mga puting roba ng mga lalaking kasama niya ay sinasayaw rin nito ang kaniyang nagliliyab ng buhok na hanggang puwetan. Nagniningning din ang fire-tattoo nito sa kaniyang kanang pisngi malapit sa kaniyang kanang mata.

"Oras na para wakasan ang kanilang buhay," walang kaemosyon na saad ng binatang may puting buhok.

Sa isang kisap mata ay naglaho sila na parang bula at kusa ring lumitaw sa labas ng selyadong lugar sa Illicitus. Nakaapak sila ngayon sa tinatawag na forbidden forest o Illicitus. Sinasabing tinawag itong forbidden forest dahil wala ni isang adventurer o vicious beast ang nakabalik matapos pumasok dito.

May nakakapangilabot daw na isang nilalang dito at siya raw ang dahilan kung bakit hindi na nakakabalik ang mga adventurer matapos pumasok dito. Hindi matukoy ng mga mamamayan sa Azure Kingdom kung anong klaseng nilalang ito. Basta't ipinagbabawal lamang ng mahal na hari ang pagpunta sa lugar na 'to.

Makikitang napakakapal ng hamog sa paligid at ito ang humahadlang para makita mo ang kabuuan ng lugar. Maririnig din ang kakaibang boses sa paligid. Mga iyak ng yumaong kaluluwa na pinatay sa loob ng lugar na 'to. Hindi rin bastay-bastang nahahawi ang hamog o kahit gamitan pa ng hangin o mahika.

Pero sa isang kumpas ng kamay ng babaeng nagliliyab na buhok ay kusang nawala ang napakakapal na hamog. Bumungad ang totoong anyo ng Illicitus. Napakapangit tingnan ng kapaligiran. Ni isang kahoy ay hindi mo makikita at wala ring mga damo sa paligid. Tanging mga bato at payak na lugar lamang ang makikita rito.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon