55

1.5K 166 81
                                    

Hindi matigil ang nararamdaman ng mga adventurer sa karatig ng Flora Village dahil sa nangyayari sa kalangitan. Kumukulog at kumikidlat ang kalangitan hindi matukoy ng mga adventurer kung anong nangyayari sa itaas.

Halo-halong emosyon ang kanilang nararamdaman, pagkalito, pagkatakot, pagkamangha, at pagkainteres sa bagay na nangyayari sa kalangitan. Nakaluhod si Lux sa mga ulap habang okupadong nakikipaglaban ang kaniyang mga elemento kay Ozares.

Sumugod ang elementong napapalibutan ng kayraming bultahe ng kuryente. Sinangga ito ni Ozares at biglang nagkaroon ng 20 na kaniyang clone. Ngayon ay tig-isa ang kaniyang clone sa mga elementong umaatake. Kumukulog at kumikidlat sa kanilang lugar dahil sa elementong kidlat. Dagdagan pa ng mga malalakas na pagsabog dulot ng pagbabanggaan ng mga bawat atake.

"Ano bang nangyayari sa Flora Village? Pinaparusahan ba sila ng diyos?" nangagambang saad ng ginang.

"Siguro may nalabag sila sa kagustuhan ng mga diyos sa itaas kaya ngayon ay pinadalhan sila ng delubyo. Kawawang mga Floranians. Sana gabayan kayo ng panginoong Thronus."

"Nakakatakot naman ang kalangitan tila nag-aaway ang mga diyos sa itaas!" nangingilabot na saad ng iaang matandang lalaki.

"Pumasok na kayo sa bawat tirahan niyo! Manalangin tayo na hindi aabot sa lugar natin ang delubyo!" sigaw ng isang matandang babae.

Agad nagsipasukan ang mga karatig na mga adventurer at nanalangin sa kanilang kaligtasan. Maya-maya lang ay huminto na ang pagkulog at kidlat at mga ingay na pagsabog na nangyayari sa kalangitan.

May isang lalaking makikita na nahulog mula sa ulap hanggang sa makita ng mga kawal ang kanilang pinuno.

"Si Chief Commander Ozares!" sigaw ng isang kawala at 'sabay turo sa himpapawid. Agad na may lumipad paitaas at sinalo ang pabulusok ang kanilang pinuno.

Dahan-dahan na inihiga ng kawal ang kanilang pinuno. Natigil ang pagbabato sa haramg ng Flora. Napasinghap ang lahat sa nakitang sinapit ng kanilang pinuno. Bugbog sarado ang katawan nito at may mga parte na wala na sa kaniyang katawan.

Gustong maiyak ng mga kawal pero bigla nilang naaalala ang sinabi ng kanilang pinuno na "Hindi dapat iniiyakan ang mga patay na. Tayo ay mga sundalo at dapat matatag ang ating puso't isipan sa lahat ng mga sitwasyon na ating kinahaharap."

Gusto man nilang magluksa sa kalunos-lunos na sinapit ng kanilang chief commander pero kinakailangan nilang ipagpatuloy ang misyon nila. Ang pagdakip sa kriminal na si Vina.

Niligpit nila ang katawan ng chief commander gamit ang kanilang skill na Dimensional Box. Biglang lumitaw ang pabilogang lagusan at pinasok nila ang katawan ni Chief Commander Ozares.

Ang Dimensional Box ay isang uri ng space magic. Isa itong sisidlan na kayang maglagay ng living things at non living things. May sukat na 3 meters side by side and updown ang cube o box.

Lahat ng mga kawal ay tinuruan ng ganitong skill para maging convenient kahit saan man sila pumunta. Pero hindi ibig sabihin non na kaya na nilang gumamit ng space magic katulad sa mga ginagawang paglabas-masok sa lagusan ni Lux. Limitado lamang ang kanilamg kakayahan doon sa paggawa ng Dimensional Box. Doon din nila pinasok ang kanilang mga kabayo nang inutusan silang ni Ozares na itago ang mga ito.

"Tingnan niyo! Siya iyong batang kalaban ni Chief Commander Ozares!" Sigaw at sabay turo ng isang kawal sa papabagsak na si Lux. Ilang metro na lang ang lapit nito at babagsak na sa lupa.

Nagngitngit sa galit ang mga kawal at ambang susugod na ng magsalita si Kapitan Zoro. "Ako na ang bahala sa kaniya," seryosong saad nito habang nakaimbay ang kamay para pigilan ang mga kawal sa paglusob.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Mage SystemWhere stories live. Discover now