54

622 85 5
                                    

"Isang Sky Rank!"

Agad ding bumalik sa seryosong mukha ang ekspresyon ni Lux. 'Bakit ako matatakot sa matandang 'to? Isa lamang siyang Sky Rank,' kompyansang saad niya sa isipan.

'Masubukan nga ang bilis ng isang 'to.' Gusto rin kasing malaman ni Lux kung ano ang kayang gawin ng isang Sky Rank. Hindi nga niya alam kung anong kayang gawin ng Knight Rank dahil bigla lang siyang nakaakyat sa palapag ng Kings Rank. Salamat nalang sa kaniyang mga clone at agad siyang nakatungtong sa antas na 'to.

Gusto rin na kasi niyang masubukan ang Blessed Tree. Kaya sigurong nagpursigedo ang mga clone niya na pag-aralan ng maigi ang mga aralin na kanilang itinatalakay sa mga estudyante. At dahil ang mga clone niya ang mga guro ay hindi malabong sila rin ay kinakailangan i-demonstrate ang mga mahikang ibabahagi sa loob ng silid.

Noon kasi sa Illicitus ay hindi niya nagawang mag-aral ng ibang mahika. Kung kaalaman sa mahika ay hindi problema sa kaniya pero wala siyang praktikal dito. Alam niya lang ang mga impormasyon pero hindi pa niya nasubukang gawin ito. Mas nakapokus kasi siya sa mga kung anong meron sa kaniya at pinausbong nalang niya.

Sa isang kisap mata ay biglang naglaho si Lux at agad na lumitaw sa harapan ni Ozares kasabay ng pagbitaw ng malakas na pagsipa. Hindi pa man dumadapo sa kalaban ang binti niya ay naramdaman na ni Lux ang malakas na puwersa na tumama sa kaniyang sikmura. Nakita niya ang kamay ng matanda.

Napadaing siya at nakaramdam ng ibayong sakit mula rito. Dahil sa matinding puwersa ay napatilapon siya palayo. "G-Ganoon na ba kalakas ang matandang iyon?" hindi makapaniwalang saad ni Lux. Alam kasi niyang may matinding proteksyon ang ginawa niyang kapa pero nakaramdam pa rin siya ng ibayong sakit mula sa suntok nito.

Talaga namang hindi basta-basta ang lakas ng mga kagaya niyang Sky Rank. Hindi pa man nakakalayo si Lux ay agad na itong sinundan ni Ozares. Sa isang iglap ay bigla itong nawala at agad na lumitaw sa pabubulusok na si Lux.

Agad naalerto si Lux sa presensya nito. Nakaramdam siya ng mabilis na presensya na papabulusok sa kaniyang gawi pero hindi niya alam kung nasaan. Agad niyang ginamit ang Clairvoyance at sa isang kisap mata ay agad bumilis ang mga pandama niya. Naging matalas ang kaniyang mga mata at pandinig. Lumakas din ng 100x ang kaniyang pakiramdam sa paligid.

Parang bumagal ang kapaligiran. Mabagal ang mga atakeng pabubulusok sa hamog. Nakita niya sa tagiliran niya si Ozares na nakaambang susuntok. Lumukso sa tuwa ang kaniyang damdamin at hindi makapaniwala sa nakikita. Napakaganda pala ng Clairvoyance. Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha at binaling ang tingin sa kaniyang tagiliran.

"Ngayon ako naman ang gaganti sa 'yo!" nanggagalaiting saad ni Lux. Kaylakas siyang pumaikot at nagpakawala ng malakas na suntok sa ulo ni Ozares. Nakita niyang mabilis itong bumagsak sa lupa. Ngumisi siya rito.

Agad siyang lumapit dito at sumulong sa malaking hamog na nilikha ng pagbagsak nito. Para siyang bulalak na napapalibutan ng apoy at kaylakas na bumagsak sikmura ni Ozares. Rinig niya ang malakas na pagdaing nito. Agad niyang sinipa ng malakas at agad ding sinundan. Sinusundan at pinagsisipa niya ito habang tumitilapon sa ere.

Limang minuto niya ring ginagawa ito at makikitang bugbog sarado na ang katawan at mukha ng matandang kawal. Mukha itong binata tingnan pero alam ni Lux na nasa 50s na ang edad nito. Walang nakakalinlang sa kaniyang system kahit pa mag-anyong ibang nilalang sila.

Nagkuwento noon si Vina na lahat ng mga may mataas na ranggo sa palasyo ay may malaki ang benepisyo at isa na roon ang pagmumukha ng pagiging bata. Kahit na napalaki na ng kanilang edad ay kayang pabataain ng mga pills na nililikha niya at ng ibang magagaling na alchemist na nagtatrabaho sa palasyo. Ang pinakamabigat nilang gawain ay ang pagggawa ng nakakabatang gamot kasunod na roon ang mga pampalakas na gamot.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now