18-My Mage System

1.2K 175 6
                                    

Nandito si Lux at Timere sa gubat para simulan ang kanilang pag-eensayo.

"Ang inilalabas mong awra ay singaw lamang ng totoo mong antas. Akala mo ba hindi ko alam na dahil iyan sa kuwintas mo?" ngising saad ni Timere.

Naistatwa siya. 'Paano niya nalaman ang tungkol sa kuwintas?' sa isip ni Lux.

Napakataas na ng antas ng tigreng iyan. Kahit ang system ay hindi kayang alamin ang kaniyang antas. Pero huwag kang mag-alala dahil wala siyang alam sa kung anong kayang gawin nitong kuwintas. Ikaw at ako pa lamang ang nakakahawak nito. At walang sino man ang makakahawak nito maliban sa'yo.

Nagsalita ang tigre. "Saan mo iyan nakita? Kahit ang perfect sense ko ay hindi kayang amuyin ang tunay mong antas dahil pinipigilan ito ng kuwintas na suot mo." Akmang hahawakan nito ang kuwintas niya nang agad niyang pinigilan ang kamay nito. "Huwag! M-Magsimula nalang tayo sa aking pag-eensayo," saad niya sa tigre.

"Paano tayo makakapagsimula kung hindi mo inilalabas ang iyong tunay na antas?" saad ng tigre.

Napakunot noo siya. "Kailangan pa ba iyon? Hindi ba puwedeng magsimula nalang tayo?"

"Syempre, dapat kong malaman ang antas mo para alam ko kung saan ang limitasyon at angkop na pagsasanay para sa'yo. Kung bibigyan kita ng gawaing pang Bronze Rank pero nasa Silver Rank ka na pala, masasayang lang ang ating oras. Hindi mababago ang lakas mo roon, gayundin, kung itaas ko ang pagsasanay sa antas mo. Naiintindihan mo ba ako?" saad ng tigre.

Tumango-tango siya. 'May punto siya.'
Napabuntong hininga siya 'tsaka nagpalabas ng kaniyang totoong awra. Pinalibutan ng napakapulang enerhiya ang kaniyang katawan.

Napatitig ng seryoso si Timere sa kaniya. "Iyan na ba talaga ang tunay mong antas? Baka may tinatago ka pa riyan."

Umiling siya. "Ito na ang tunay kong awra."

Napahawak ang tigre sa kaniyang buhok sa mukha. "Isa ka palang Gold Rank. Nakamamangha ang pagtaas ng iyong antas sa ilang araw lamang."

Napakunot noo siya.

"Ang sabi ng Inay mo, kamakailan ka lamang daw nag-eensayo ng aktwal na pakikipaglaban," bigla itong tumawa at nang huminto ay nagsalita ulit, "O, baka naman, palihim kang nag-eensayo kaya ganiyan na agad ang iyong antas," napalunok siya sa sinabi ng tigre.

Tumawa ang tigre. "Huwag kang mag-alala hindi ko ito sasabihin sa iyong Inay. Mas maganda nga iyon dahil hindi ka nakadepende sa iyong Inay. Mas mabuti ang ginawa mo kaysa magbasa lamang ng mga uri ng mahika," agad naman siya nakahinga ng maluwag sa sinabi nito.

"Kahit na isa ka ng Gold Rank, dadaan pa rin tayo sa masusing proseso ng pagpapalakas. Una, patitibayin natin ang iyong resistensya sa katawan. Pangalawa, sasanayin kita sa pakikipag-espada. Pangatlo, tuturuan kita sa maayos na pagcu-cultivate. Pang-apat, tuturuan kita ng iba't ibang mahika na angkop sa iyong antas. Panghuli, maglalaban tayo. Titingnan ko kung may pagbabago ba sa iyong pagsasanay," saad ni Timere.
Umatungal ito at biglang lumitaw ang apat na nagkikislapang pulseras sa kanilang harapan.

Agad itong tumungo sa gawi niya at biglang sumuot sa magkabila niyang kamay at paa. "A-Ano ito?!" sigaw niya habang nahihirapang tumayo. Nakaramdam siya ng bigat nang masuot niya ang mga pulseras.

"Isa iyan sa pagsasanay mo sa unang yugto. Bawat isa niyan ay may bigat na 200 kilograms at meron din iyang anti-magic sakaling kontrahin mo ang bigat nito. Huwag kang mag-alala dahil aalisin ko agad iyan pagkatapos natin sa unang yugto ng pagsasanay," saad ni Timere.

"Hindi mo ba puwedeng bawasan ang bigat?" saad niya habang nahihirapang ibalanse ang kaniyang katawan. Halos mapayuko siya dahil sa bigat na nararamdaman.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now