10-My Mage System

1.2K 156 0
                                    

"Ang hirap naman magpa-silver rank. Ilang araw na akong nag-eensayo pero hindi pa rin tumataas ang aking antas."

Mas malaking exp points na ang kailangan mo ngayon kaya patuloy ka lang maghunt.

"Kailangan ko ng lumabas ilang araw na rin ako rito. 'Tsaka, ang hirap kapag nandito sa loob hindi ko malalaman kung gabi na ba o umaga sa labas baka klase na namin. Kung hindi lang sa panel hindi ko malalaman kung ilang araw na ako rito."

Agad niyang binuksan ang lagusan at pumasok na roon. Nilamon siya nito at iniluwa sa kaniyang kama. "Kapagod!" at bumitaw ng mabigat na buntong hininga.

Papikit na ang kaniyang mga mata nang makarinig ng sigaw sa labas ng kaniyang silid.

"Lux, gising na may klase ka pa," saad ng kaniyang Ina.

"Pagod pa ako gusto kong matulog," sambit niya na siya lamang ang nakakarinig at pinikit ang mga mata.

Napabuka siya ng mga mata nang makarinig na naman ng ingay sa kaniyang pintuan parang gigibain nito ang pinto sa pagkatok. "Lux! Bumangon ka na riyan!" sigaw ng kaniyang Ina.

Wala na siyang nagawa at nagdadabog na umalis sa kaniyang kama. Tinungo niya ang sarili niyang paliguan. Kagaya sa earth, meron din siyang bath tub. Pinuno niya ito ng maligamgam na tubig.

"Mabuti nalang may mahika ako na kayang kontrolin ang temperatura ng tubig hindi kagaya sa earth nakakatamad maligo dahil sa lamig ng tubig," sambit niya at pumasok na sa bath tub. Humiga siya rito at pinikit ang mga mata hanggang sa nakatulog.

"Lux! Gigibain ko talaga tong pinto kapag hindi ka pa bumangon diyan!" sigaw ng Ina niya.

"Katatapos lang maligo!" Agad siyang umalis sa paliguan at tinungo ang tukador. "Mabuti nalang naka-idlip ako kahit papaano," habang nagbibihis.

Lalabas na sana siya ng silid nang marinig ang boses ni Layla. Talagang lalabas ka ng kuwarto mo na puro galos at sugat ang katawan mo?

Tiningnan niya ang mga braso at nakita ang mga sugat at galos. "Nalimutan kong uminom ng Rejuvinating Pill sa sobrang pagod. Kainis at gagastos na naman ako! Nag-iipon pa naman ako para makabili ng susunod na open na skill sa shop. Sana maganda ito at hindi mataas ang presyo."

Binili niya ang gamot sa shop at ininom ito. Agad din naghilom ang kaniyang galos at sugat sa mukha.

"Napakagastos naman kung laging ganito ang mangyayari sa akin. Isipin mo, sa isang magic core ay 10 diamonds lamang kapag binenta. Kung mangyayari ito ulit ay mauubos ang meat at magic core ko. Paano ko magagamot ang sarili ko kung ubos na ito?" reklamo niya.

Kailangan mong matutunan ang healing magic.

Naalala niya ang tinuro ng kaniyang guro tungkol dito. "Mahirap iyan e. Paano ko iyan magagawa kung napakaliit pa lang ng life energy ko?"

Sapat na ang life energy mo para matutunan ang level 1 basic healing magic. Tsaka, kung gusto mong tumaas ang life energy mo, e mag-cultivate ka.

"Hindi ako marunong magcultivate. Hindi pa namin iyan natatalakay."

Akong bahala sa iyo. Basta't gawin mo muna ang level 1 basic healing magic.

"Patawad po, Guro Alemania nahuli ako sa klase," saad niya at yumuko.

Nakataas ang kilay ng kaniyang guro habang tinitigan siya. "Ngayon ka lang nahuli sa klase! Sige na't umupo ka na!"

Nagsimula na ngang magtalakay ang guro. "Ang pag-aaralan natin ngayon ay history. Ito ay tungkol sa holy war."

"Holy war?" kunot noong sambit niya.

My Mage SystemTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang