32-My Mage System

1K 182 100
                                    

Lumipas ang ilang buwan at nakasanayan na ni Lux ang pagtira sa Flora Village. Dahil siya ang Anak ng Kapitan ay marami siyang naging kaibigan.

Sa loob ng tahanan ng Vorres...

"Inay, Itay, maaari po ba akong pumunta sa Illicitus?" tanong ni Lux.

"Alam mo kasi, Anak, magmula noong mangyari ang insidente sa Illicitus ay wala ng mga adventurer ang pinahihintulutang makapasok doon. Ito ang kautusan ng hari," saad ni Kapitan Elizar.

"Gusto ko lang sanang makita ang lugar kung saan ako lumaki. Sabi mo kasi na nasira ito at isa na lamang itong malaking kawalan. Kahit papaano ay magbabakasakali lamang ako kung may isa sa kauri ko na nabuhay," malungkot na saad ni Lux.

Nalungkot naman ang mag-asawa sa sinapit ni Lux. "Huwag kang mag-alala, Anak kapag maaari ng pumunta roon ay sasamahan ka namin ng Ina mo," saad ni Kapitan Elizar.

"Salamat po," ngiting saad ni Lux. Sa loob-loob niya ay gusto niya talagang pumunta roon kahit ano man ang mangyari.

Kaya noong pumunta sa trabaho ang Ama ni Lux ay sila lamang dalawa ng Ina niya ang natira sa bahay. Nagpaalam din siya sa kaniyang Inay na maglalaro lamang sa labas pero iba talaga ang pakay niya.

Nang makalabas si Lux sa Flora Village ay nagconjure siya ng isang puting kapa na hanggang paa na bumalot sa kaniyang buong katawan. Isa itong kakaibang kapa dahil hangga't sinusuot ng adventurer ang hood nito ay hindi malalaman ang kaniyang mukha. Tanging liwanag lamang ang makikita sa kaniyang mukha.

Hindi na siya makikilala ng kahit sino kaya magagawa na niya lahat ng gagawin niya. Plano niyang pumunta sa sentro ng Illicitus at tingnan ang nangyari sa kaniyang dating tirahan. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng kaniyang Ama sa sinabi nito kaya kailangan niya itong kompermahin. Kung tama man ang kinuwento nito ay magbabakasakali siya kung makita niya ang isa sa mga kalahi niya roon.

Ang Flora Village ay katapat lamang ng Illicitus kaya hindi na problema ang paglalakbay. Kaya niyang makapunta agad doon ng hindi naaabutan ng isang araw. Nagtatalon ngayon si Lux sa kagubatan bandang kanluran ng Flora Village. Pinapagitnaan ng Illicitus at Hush Village ang Flora Village. Ang Illicitus ay bandang kanluran ng Flora Village habang bandang silingan naman Hush Village.

Nang makapasok sa gubat malapit sa Illicitus ay agad binilisan ni Lux ang galaw niya. Nagtatalon siya sa itaas ng mga puno hanggang sa makarating sa Illicitus.

Nagtago siya dahil may nakaabang na mga kawal. Nalaman niya ring may kakaibang barrier sa paligid. "Ano ang dahilan ng hari kung bakit niya ito pinagbawalan sa ibang mga adventurer? Kung ano man iyon ay malalaman ko rin."

Isa-isang sinuri ni Lux ang mga kawal at nalaman niyang malalakas ang mga adventurer na ito. Bawat isa sa kanila ay may antas na 9th Star King Rank. Naisip ni Lux na mahihirapan siyang lusutan ang bawat isa sa kanila. Napakalayo ng agwat ng antas niya mula sa kanila.

"Ilang buwan rin akong walang pag-eensayo kaya huminto na rin ang paglakas ko," saad ni Lux. Agad niyang ginamit ang [Appraisal].

Name: Lux Vorres
Rank: 9th Star Rookie Rank
Race: Human, Elf
Age: 10
Magic: Level 20 Basic Magic,
Level 10 Intermediate Magic,
Level 1 Supreme Magic
Skill: [Conjuring Skill]
Profession: None

"Paanong nasa 9th Star Rookie Rank ako, e, ang alam ko nasa 5th Star Rookie Rank lamang ako," hindi makapaniwalang bulalas ni Lux at napansin din niya ang pag-iba ng bansag niya, "Kusa na rin palang nag-iba ang surname ko," dagdag na sambit niya.

Napaisip siya. "Ano kaya ang laban ko sa mga lapastangan na ito?" seryosong saad niya habang nakatanaw sa mga kawal. Nasa mataas siya na puno kaya nakikita niya ang iilang kawal sa paligid. Matapos ang ilang segundong pag-iisip ay napunta siya sa shop.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now