21-My Mage System

1.3K 163 13
                                    

Dedicated to: francinealthea, Assasination_Killer, and Maera_San

Makikita ngayon si Lux at Timere na lumulutang sa himpapawid ng kagubatan.

"Ngayon ang panghuling pagsasanay ko sa iyo. Bibigyan kita ng pagsusulit. Nakikita mo ba iyan?" Sabay turo ni Timere sa kaliwang gawi.

Nakita ni Lux ang libo-libong mga tao sa itaas ng mga puno. Bawat puno ay may isang taong nakatayo. Napansin niyang magkakamukha lang silang lahat. Nakasuot sila ng diretsong kapa na kulay blue. Napakunot noo siya. "Ikaw ang may gawa niyan?" tanong niya kay Timere.

Tumango naman ito. "Ang mga nakikita mo ay pawang gawa lamang ng aking mahika. Lahat sila ay impostor. Ang pagsusulit na ibibigay ko sa iyo ay kailangan mo lang ihiwalay sa puno ang bawat impostor."

"Iyon lang? Parang ang dali lang naman ng pinapagawa mo," saad ni Lux.

"Hindi ito madali dahil bawat impostor ay may angkop na lakas katulad sa iyo. May isa akong alituntunin na dapat mong sundin. Hindi ka maaaring umatake sa paligid nito kagaya nalang ng pag-atake sa bawat puno at patumbahin ito. Dapat direkta mong atakehin ang impostor para mapaalis ito sa puno. May apat na oras ka para tapusin ang pagsusulit na ito. Ngayon simulan mo na."

Agad siyang lumipad palapit sa kanila. Tinitigan niya ang bawat impostor. Wala silang mga emosyon sa mukha. Para silang malaking manika na nakatayo lamang sa bawat puno.

Lumapit siya sa isang puno malapit sa kaniya. Nang inapak niya ang kaniyang paa sa puno ay mabilis na sumugod sa kaniya ang nakatayong impostor sa punong iyon. Matatalim ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya na para bang papatay. Mabilis nitong iwinasiwas ang hawak na sandata na isang scythe(iyong sandata na katulad kay kamatayan). Nababalutan ito ng maitim na enerhiya.

Merong kumawala na itim na enerhiya sa scythe at ramdam niyang delikado iyon kaya agad siyang lumipad palayo ng ilang metro sa puno. Nakita niyang bumalik sa puwesto kanina ang impostor at bumalik sa blangkong ekspresyon ang mukha nito habang nakatitig in an eye level.

Napakunot noo siya. "Kanina lang ay napaka-agresibo nito. Anong nangyari?" nalilitong saad ni Lux.

Maingat siyang lumapit sa puno. Hinanda niya ang kaniyang sarili sakaling aatakehin siya nito. Dahan-dahan siyang lumipad palapit sa dulo ng puno pero hindi pa rin gumagalaw ang impostor. Mas lalo siyang nalito. "Bakit hindi pa rin siya gumagalaw?"

Tinitigan niya ang impostor at blangko lamang ang mukha nito. At kung paano ito humawak ay hindi katulad kanina. Na para bang hinahawakan lamang ito, pang suporta para hindi ito mahulog sa ibaba.

Lumunok muna siya ng laway at agad na inapak ang paa sa isang dahon sa puno habang hindi hinihiwalay ang titig sa inpostor. Tila nagulat siya ng bahagya dahil bigla nalang itong gumalaw at sumigaw papunta sa kaniya kaya agad niyang inilayo ang paa sa dahon.

Kasabay nito ang kaybilis na pagbago ng ekspresyon ng impostor at bumalik sa blangkong mukha. Casual itong bumalik sa kaniyang puwesto na parang walang nangyari.

Doon, napagtanto ni Lux ang isang bagay. Teritoryo ng impostor ang puno at kung sino man ang humawak o umapak nito ay agad nitong susugurin. As long as hindi nahahawakan ang puno ay hindi sila magiging agresibo.

Napaisip siya. Paano niya ihihiwalay ang impostor sa puno kung ganito ito ka-agresibo?

Sinubukan niyang magpalabas ng malakas na lilang apoy patungo sa impostor. Malayo pa man ang kaniyang atake ay agad nag-stance ang impostor at hinanda ang kaniyang hawak na scythe sa pabulusok na apoy.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon