23-My Mage System

1K 151 16
                                    

Natupad nga ang sinabi ni Timere. Isinama niya si Lux sa bawat misyon niya sa bawat sulok ng Illicitus. Merong nakakasagupa sila ng mga malalakas na vicious beast at kahit na kaya itong pugsain ni Timere ay hindi niya tinutuluyan ang mga vicious beast. Binibigyan niya rin ng pagkakataon si Lux na sumali sa laban kahit na napakadelikado at hindi angkop sa lakas nito.

Pero dahil kasama niya si Timere ay walang naging problema. Kapag nagkakaroon na ng aberya ay roon lamang siya papagitna at siya na mismo ang lalaban sa vicious beast. Hiniling din ni Lux na siya na mismo ang huling papaslang sa mga vicious beast at kukuha sa meat at magic core.

Ang dahilan niya ay para magkaroon siya ng malaking exp kapag siya ang huling papaslang. Lahat ng mga hiling niya ay pinagbigyan ni Timere. Hindi rin malaman ni Timere kung bakit ganoon. Ang nasa isip niya lang ay baka para mas umangat ang kompyansa ng bata kapag ito ang papaslang sa mga malalakas na vicious beast. Kahit may pagdududa siya sa mga pinaggagawa ni Lux ay isinawalang bahala niya nalang.

Kahit isa siyang nilalang na may napakalakas na pangramdam sa paligid, mapanilalang man o hindi ay wala pa rin siyang alam sa system na nasa loob ni Lux. Wala siyang alam na may nakatagong misteryosong diyos sa loob nito na mas matanda pa sa ibang matandang diyos.

Kitang-kita ang kalunos-lunos na sinapit ng phython snake sa kamay ni Timere. Nagkalasog-lasog ang katawan nito pero humihinga pa rin at gumagalaw. "Maaari bang ako na lang ang tumapos sa kaniya, Master Timere?" sabat ni Lux. Magmula noong sumama siya kay Timere ay Master na ang tinatawag niya rito.

Umatungal ito. "Basta't mag-ingat ka lang," lumukso ang puso ni Lux dahil sa tuwa. Makakakuha na naman siya ulit ng malaking exp at isang de kalidad na meat at magic core galing sa napakalakas na vicious beast.

Palaging ganito ang nangyayari. Unang aatake si Timere sa mga malalakas na vicious beast at maghihintay lamang siya ng tawag ni Timere kapag siya na ang lalaban. Kapag nahirapan naman siya ay biglang papasok si Timere para pahinain ang puwersa ng vicious beast at sa huli siya na mismo ang papatay rito.

Sa isang kisap mata ay lumitaw si Lux malapit sa gawi ng phython snake. Nasa 3rd grade vicious beast ito na katumbas ng Kings Rank kung sa adventurer. Masasabing isa itong higanteng ahas dahil sa laki at haba nito. May habang 100 meters at may kapal na 10 meters. Talaga namang hindi pang-ordinaryo ang laki nito.

At kung sino man ang makakasalamuha nito ay talagang kukuripas ng takbo palayo. Nakakatakot ang lilang awra na inilalabas nito at kung hindi maalam ang mga adventurer na makakasagupa rito ay iisipin nilang isa itong divine beast.

Alam ni Lux na hindi ito ang tunay na awra ng higanteng ahas. Dahil sa pagkakaalam niya ang 3rd grade vicious beast ay may awra na kulay dilaw.

Isa lamang itong taktika ng ahas para siya ay katakutan ng iba. Kahit na may lilang awra ito ay hindi naman angkop ang bigat ng awra nito para sa lilang awra. Kung pagbabatayan ang bigat ng awra nito ay nasa Kings Rank lamang.

Napakamalabo ring mapunta ang mga divine beast sa sentro ng Illicitus dahil sa pagkakakuwento ng guro ni Lux na si Miya Alemania ay tanging si Timere lamang ang divine beast na nakulong dito sa sentro ng Illicitus. At vicious beast na ang iba.

Binuka ni Lux ang kaniyang palad at lumitaw rito ang lilang apoy. Unti-unti itong lumaki hanggang sa naging higanteng apoy. Unti-unti ring inaangat ni Lux ang kamay hanggang sa lumagpas na ito sa kaniyang uluhan.

Kung titingnan ang higanteng apoy ay tila ba napakabigat nito. At kung makikita lamang ito ng ibang adventurer ay magugulat, mamamangha, malilito, at matatakot sila kay Lux. Isang batang kayang makagawa ng isang higanteng apoy ay talaga namanng napakahenyo at talentado.

My Mage Systemحيث تعيش القصص. اكتشف الآن