51

633 112 9
                                    

Dumating na nga ang tulong na sinabi ng matanda. Makikita ngayon ang libo-libong mga kawal na nakasakay ng kani-kanilang mga kabayo. Mahigit nasa 10,000 ang kawal na pinadala ng matanda. At sa isip nito ay sobra na nga ang pinadala niya dahil alam niyang madali lang nila makukuha si Vina.

Ngumiti si Kapitan Zoro habang pinagmamasdan ang kayraming mga kawal na nasa labas ng kanilang tarangkahan. May isang kawal ang naglakad palapit sa kaniya. Yumuko ito at tinapat sa kaliwang dibdib ang kamao. "Ako si Ozares, ang Chief Commander ng batalyon. Ikinagagalak ko kayong makatrabaho."

Ngumiti si Kapitan Zoro, "Ako si Kapitan Zoro ng Hush Village. Ikinagagalak din kitang makatrabaho."

Hindi kalaunan ay agad din nilang isinagawa ang kanilang plano sa pagsalakay. Matapos ang ilang oras ay nagsimula na silang maghanda para maglakbay.

"Kahit isang karatig na lugar ang Flora Village ay aabot pa rin tayo sa ilang araw bago makarating doon," saad ni Kapitan Zoro.

Nagsimula na silang maglakbay.
Mabilis ang pagtakbo ng mga kabayo. Hindi man ito makalipad pero 1000x ang bilis nito kaysa sa mga kuneho sa earth. Kahit ang pinakamabilis na sasakyan sa earth ay walang panama sa bilis ng kabayo sa Thronus. Sing bilis ng kidlat ang kanilang kilos.

Pinapangunahan ni Chief Commander Ozares ang paglalakbay at sa hindi kalayuan sa likuran niya ay nakusunod si Kapitan Zoro kasama ang lima nitong alipores. Nakasuot silang lahat ng matibay na baluti at handang-handa na sila sa pakikipaglaban.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa tapat ng Flora Village. "Ito na ba iyon?" saad ni Chief Commander Ozares.

"Oo, nandito na tayo sa Flora Village. Kung mamapansin mo parang nawala ang lugar. Iyang hamog na nakikita mo ay proteksyon na nagbabalakid sa atin para makapasok. Sinasabi ko sa'yo, napakamatibay ng kanilang proteksyon. Kahit ako na Kings Rank ay walang magawa para mabasag ang pananggalang ginawa nila," seryosong saad ni Kapitan Zoro.

Tumango si Chief Commander Ozares. "Walang problema iyan. Marami tayo at sigurado akong masisira natin iyan."

"Magsihanda!" malakas na sigaw ni Ozares sa mga kawal.

"Pagkatapos kong magbilang ng sampo. Lahat ay susulob patungo sa hamog na iyan!" Malakas na sigaw ni Ozares kasabay ng pagturo sa gawi ng napakakapal at napakalawak na hamog.

"Isa!"

"Dalawa!"

"Tatlo!"

"Apat!"

"Lima!"

"Anim!"

"Pito!"

"Walo!"

"Siyam!"

"Sampo!"

"Sugod!"

Lahat ay sabay-sabay na lumusob sa hamog. Itinaas ang hawak na spear at sa talim nito ay namumuo ang mahika. Unti-unting lumaki hanggang sa bumulusok ito sa gawi ng hamog.

Maririnig ang sabay-sabay ng malalakas na pagsabog. Napaka-ingay sa paligid dahil sa mga pagsabog at sigaw ng mga kawal. Habang nagpapakawala ng malalakas na atake si Kapitan Zoro ay hindi niya mapigilang mapangiti sa galak. 'Sa wakas, makakamtan ko na ang tagumpay ko.'

Halos umabot ng tatlong minuto ang kanilang ginagawa pero wala pa ring epekto ang kanilang pag-aatake. "Hinto!" malakas na sigaw ni Ozares. Biglang natigil ang ingay at pagbabatuhan ng atake.

"Gusto kong ilabas niyo ang lahat ng lakas at kapangyarihan niyo. Ibuhos niyo lahat! Itago niyo muna ang inyong mga kabayo!" Pagkatapos ay agad na naglaho ang napakaraming kabayo sa paligid.

My Mage SystemTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang