33-My Mage System

1.2K 165 60
                                    

Habang okupado si Kapitan Elizar at ang 12 elders sa kanilang trabaho ay bigla nalang sumulpot si Kapitan Zoro kasama ang mga alipores nito sa kanilang village. Makikita sila ngayon sa tarangkahan ng Flora.

Nang makita ng mga Floranian sina Kapitan Zoro ay nabalot ng pangamba, takot, at taranta ang kanilang nadarama. Nagtatakbo palayo ang mga nasa tarangkahan at pati rin iyong mga kalapit na kabahayan roon na naninirahan ay nagsilayuan.

"Nandito na si Kapitan Zoro katapusan na natin!"

"Huhu! Ito na ang araw na mamamaalam tayo sa ating lupain!"

"Kailangan malaman agad ni Kapitan Elizar ang pagparito nila!"

"Magiging alipin na tayo! Huhu!"

Nataranta at nagsigawan ang mga Floranian papunta sa Hall of Office. Meron namang nabahag ang buntot at  parang isang rebulto na hindi gumagalaw sa labas ng kanilang tahanan. Kahit papaano ay marami-rami pa rin ang mga Floranian na nakatayo sa daanan.

Makikita ang pagpasok nina Kapitan Zoro habang sakay-sakay sa naglalakad na kabayo. Naglilibot ang paningin ni Kapitan Zoro habang pinagmamasdan ang mga Floranian.

"Ang dudungis tingnan bagay lang talagang gawing alipin," bulong na sambit niya habang tinitingnan ang kaayusan ng mga Floranian.

Nakasuot lamang sila ng ordinaryong mga damit. Hindi naman gutay-gutay ang kanilang kasuotan pero mababakas pa rin ang pagiging kapus palad nito. Ordinaryo at lumang tingnan ang kanilang mga damit.

Biglang tinuro ni Kapitan Zoro. "Ikaw!"

Nagkatinginan ang mga tao kung sino ang tinawag. Nang sundan nila ang hintuturo nito ay nakaturo ito sa isang matandang lalaki. Agad naman nagsilayuan ang mga Floranian sa gawi ng matanda. Natatakot silang madamay sa kung anong gagawin ni Kapitan Zoro.

Putlang-putla ang matandang lalaki at malakas na tumatabol ang kaniyang puso sa kaba. Makikitang nangnginig ang kaniyang buong katawan. Pakiramdam ng matanda ay bibigay na ang kaniyang tuhod ng ilang segundo.

Kahit takot ito ay nagawa pa rin nitong ibuka ang bibig. "B-Bakit?"

Sa paningin ng mga Floranian ang mga mata ni Kapitan Zoro ay tila isang matulis na punyal na pupuwedeng tumusok sa kanilang kaluluwa kahit kailan.

"Ituro mo sa amin kung nasaan si Kapitan Elizar at ang 12 elders niyo!" 

Agad na tumango ang matanda at natatarantang nagsabing, "S-Sundan niyo po ako at ituturo ko kung nasaan sila ngayon," nauutal na saad nito dahil sa matinding kaba. Nagsimula itong maglakad habang tinatanaw ang mga panauhin sa likuran nito.

"D-Dito po ang kanilang trabahuan," utal na saad ng matanda kina Kapitan Zoro. Wala siyang nakuhang sagot mula rito.

Napatingala si Kapitan Zoro sa itaas ng gusali at binasa ang nakasulat na malaking letra roon. "Hall of Office."

Bumaba siya sa kaniyang kabayo at gano'n din ang limang alipores. Pumasok siya sa loob at tila mga asong ulol naman na nakasunod ang limang alipores.

Pumasok sila sa dalawahang palapag na gusali at bumungad sa kanilang mga mata ang napakalaking bulwagan. Doon ay nakita nila ang naghihintay na si Kapitan Elizar at sa likuran nito ang 12 elders.

"Ikinagagalak ko kayong makita, Kapitan Zoro," masayang pagbati ni Kapitan Elizar. Napakunot noo naman si Kapitan Zoro sa kanilang ibinibigay na paggalang pero kalaunan din ay napangiti.

"Tila alam ko na ang sagot sa ipinarito ko. Marahil ay pumapayag na kayong ibenta ang lupain," masayang saad nito.

Tila gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi ni Kapitan Elizar at ng elders. "Sino naman ang nagsabing ibebenta namin ang lupain?" nakangising sabat ni Kapitan Elizar.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now