39-My Mage System

679 95 2
                                    

Agad lumipas ang isang buwan at patuloy lang ang negosyo nila. Hindi na sila pumupunta sa kapitolyo dahil kusa ng pumupunta sa kanilang lugar ang mga noble clan. Dahil dito ay nagkaroon na rin ng malaking ipon si kapitan.

Nakuha na rin ng matandang alchemy ang kaniyang sweldo. Halos magsisigaw ito sa tuwa dahil sa laki ng halaga ng kaniyang sweldo. Mas malaki pa ito kaysa noong tanyag pa siya bilang noble clan. Milyong-milyon na gold coins ang kaniyang nakuhang sweldo at dahil dito ay mas pinag-igihan niya pa ang pagtrabaho.

Sa isang malaking hapag, pumaikot dito ang labin tatlong may kaedaran na Floranians na nagpupulong.

"Panahon na para ipakita sa iba na umangat na tayo. Alam kong ikabibigla ito ng ibang tao lalo na ang aristocrat at noble clan. Pero hindi habang buhay ay magtatago tayo," saad ni Kapitan Elizar.

"Hindi ba kayo naghihinala? Pansin ko lang bakit napakatahimik ng lugar natin," sabi ni 1st elder.

"Oo, nga dapat ay sinugod na tayo ng iilang noble clan dahil sa dami at bilis natin makapaglabas ng mga intermediate pill, at potions," sabi ni 2nd elder.

"Lalo na iyang, Anak mo kapitan, ang hilig magpataas ng presyo ng mga pills, at potions," sabi ni 3rd elder.

"At hindi man lang nagrereklamo ang mga kustomer at labas lang nang kabas ng pera na parang tumatae lang. Hindi ba't nakakahinala?" sabi ni 4th elder.

"Ilan na ba ang pangkalahatang kita natin?" sabi ni 5th elder.

Agad nilabas ni kapitan ang 30 na interspatial bag sa kaniyang insterspatial ring. "Nabilang ko na ito at umabot ito ng 100 milyong gold coins. Hindi pa kabilang doon ang porsyentong nakuha ni Vina sa kaniyang sweldo."

"Sumasang-ayon ako sa sinabi mo kanina, kapitan. Pero mas maganda kung subukan natin ito sa ating sarili. Palakasin muna natin ang ating sarili sa tulong ng mga pills, at potions na ginagawa ni Vina," sabi ni Elder Tobias.

"Magandang ideya! Pakiramdam ko ang haba ng panahon ng pagbagal ng pagtaas ng antas ko. Ngayon ay hindi na tayo mahihirapan," natutuwang sabi ni Elder Rufo.

"Tama, sigurado akong mabilis lang ang pagtaas ng antas natin sa tulong ng mga gawa ni Vina," ngiting saad ni Elder Miya.

"Magandang ideya pero huwag nating abusuhin si Vina. Bibilhin natin ang mga gawa niya sa mas murang halaga," saad ni Kapitan Zoro. Naging tuod ang lahat sa sinabi niya.

"Kapitan, saan naman kami kukuha ng pera? Alam mo naman na wala kaming ganoong kalaking halaga para bilhin ang mga intermediate pills, at potions," saad ni Elder Miya.

Ngumisi si kapitan. "Anong walang pera. E, ano ito?" sabay buhat ng mga interspatial bag.

"Kapitan, huwag mo sabihing..." saad ni Elder Miya.

Tumawa si kapitan. "Ano sa tingin niyo? Syempre, sa atin una dadaan ang asenso. Kailangan natin magpakalas dahil kung ipapakita agad natin ang pag-angat ng lugar natin habang mahina tayo ay dehado tayo."

"Gusto ko iyan, kapitan!" sabay tawa ni Elder Rufo.

Agad nilang pinaghatian ang pera. Madilim na rin nang makauwi si Kapitan Elizar sa kanilang tahanan. Nang makita ang Anak ay agad itong ngumiti. "Lux, may ibibigay ako sa iyo!" sabay abot kay Lux ng insterspatial bag na may laman na gold coins.

Kinuha ito ni Lux at tiningnan ang laman. Nang malaman na pera ay agad nadismaya. Akala niya iba ang ibibigay nito kagaya ng mas may halaga. Alam niya kasing kaya niyang lumikha ng pera sa tulong ng skill niya na [Conjuring].

"Ah, Itay, maraming salamat po pero mas maganda kung itago niyo na lang iyan. Wala rin naman akong mapaggamitan niyan," saad ni Lux sabay balik sa bag sa kaniyang Ama.

My Mage SystemHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin