27-My Mage System

975 148 113
                                    

Habang naglalaban sina Ravena at Elder Lustross ay hindi rin nagpapahuli ang laban nina Gamburza at Timere. Noong tumilapon si Gamburza sa mainit na lava ay agad itong gumapang paitaas patungo sa lupa. Mababakas ang lilang enerhiya sa buo niyang katawan dahil sa atake ni Timere.

Hindi mapigilan ni Gamburza na makaramdam na hapdi sa kaloob-looban ng kaniyang katawan. Para bang unti-unti nitong kinakain ang kaniyang mga kaugatan at kalamnan. Direktang tumama sa kaniyang kanang braso ang atake ni Timere, pero, hindi niya alam kung bakit naapektuhan din ang mga kalamnan niya na tila tinutusok ng matutulis na karayom.

Isang katanungan kay Gamburza ang pinakawalang atake ni Timere. Isa siyang diyos at ang kaniyang balat ay hindi basta-basta nasusunog o nasusugutan ng kahit anong mahika o malakas na armas. Pero, ngayon ay unti-unting kinakain ng lilang enerhiya ang balat at kalamnan niya. Ang pangyayaring ito ay kabastusan sa kaniya bilang isang diyos at hindi niya mapapatawad si Timere dahil doon.

Agad lumitaw si Timere sa kaniyang harapan habang nakadapa siya sa lupa.

Agad na tumingala si Gamburzang makaramdam ng presensya sa kaniyang harapan. Nagdilim ang kaniyang paningin nang makita ang presensya ni Timere, "Sino ka lapastangan?! Wala kang karapatan para kalabanin ako dahil isa ka lamang basura!" galit na saad ni Gamburza.

"Hindi ka nararapat tawaging diyos dahil isa kang mahina. Mas malakas pa iyong alaga ko sa iyo!" tugon ni Timere. Mas lalong nabastos ang diyos. Unti-unting siyang naglakad palapit kay Gamburza.

"Pagbabayarin mo ang ginawa mo sa akin at sisiguraduhin kong hindi magiging madali ang kamatayan mo!" Agad naglabas ng holy magic ang katawan ni Gamburza at agad na naghilom ang kaniyang sugat sa kalamnan at balat. Nawala na rin ang bakas ng lilang enerhiya sa kaniyang katawan. Napapalibutan siya ngayon ng puting enerhiya pero agad ding naglaho.

Agad na bumulusok si Timere sa kaniya. Biglang umilaw ang dragon tattoo ni Gamburza at agad itong humiwalay sa kaniyang pisngi. Mabilis itong lumutang sa kaniyang harapan at nabuo ang isang anyo ng totoong fire dragon.

Agad na nakalikha ng malakas na pananggala ang fire dragon nang makaramdam ng panganib. At doon sa ginawa niyang harang bumangga ang malakas na puwersa ng katawan ni Timere. Dahil sa lakas ng puwersa nito ay nagkaroon pa ng mumunting biyak ang harang. Pero, makikita namang nagkaroon ng malakas na shock wave na siyang nagpatilapon kay Timere ng ilang metro.

Umatungal si Timere sa fire dragon at muling lumusob. Agad naglaho ang harang na ginawa ng dragon at sa isang kisap mata'y nawala sa kaniyang puwesto. Nagbangga ang puwersa ng dalawa at nagkikiskisan ang mga matutulis na kuko ng dalawang divine beast.

Nagpakawala ng atake si Timere sa kaniyang bibig at sumunod din ang fire dragon. Nagbangga ang kanilang binitawang atake na siyang naglikha ng malakas na pagsabog at makapal na hamog.

Ngayon ay hindi na nakikita ni Gamburza ang paglalaban ng dalawang divine beast dahil sa makapal na hamog. Kakatayo niya lang galing sa pagkakadapa sa lupa at makikitang handa na siyang sumabak ulit sa laban.

Makapal man ang hamog ay agad siyang bumulusok doon at ginamit ang kaniyang Clairvoyance Skill. Isang god level ng ganoong uri na skill. Biglang tumalas ang lahat niyang pandama; sa mata, pandinig, galaw, at ang iba pang natitirang kabilang sa anim na pandama.

Kaya rin niyang hulahan ang susunod na atake ng kalaban sa skill na ito. Dahil isang god level ang Clairvoyance niya ay natural na napakatalas ng anim niyang pandama at prediction sa galaw ng kalaban.

Nakikita niya ang mabilis na galaw ng dalawang divine beast habang nagbabatuhan ng kanilang mga fireball sa kanilang mismong bibig. At klarong-klaro sa kaniyang paningin ang galaw nila sa loob ng malawak at makapal na hamog. Hindi siya nag-aksaya ng oras at sumali na rin sa kanilang giyera.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now