13-My Mage System

1.1K 184 6
                                    

"Binabati kita Lux dahil nagtapos ka ng pag-aaral na matataas ang marka. Sa una, nahirapan ako sa iyo dahil napakapasaway mo pero sa huli ay naging mabuti ka namang mag-aaral. Tanggapin mo ang handog ko sa iyo. Pasasalamat ko ito dahil naging mabait ka na estudyante sa akin," saad ni Guro Alemania. Inabot niya kay Lux ang isang bag.

Tinanggap naman ito ni Lux. "Salamat po rito guro," nakayuko siya habang sinasambit ang katagang ito.

Ngumiti ang kaniyang guro. "Isa iyang interspatial bag. Naglalaman iyan ng mga pills, at potions para sa iyong nalalapit na pagsasanay."

Nagningning ang mga mata ni Lux nang marinig ang sinabi ng guro. "M-Malaking tulong po ito sa akin. H-Hindi ko po alam kung sapat ba ang pasasalamat ko sa iyo," saad niya habang sumisilay sa kaniyang mukha ang napakalapad na ngiti.

"Aba't hindi rin ako papatalo ano," masiglang saad ng kaniyang Ina. Napaharap agad siya sa kanang banda niya at tiningnan ang napaka-hyper na Ina. Binuka nito ang magkabilang palad sa kaniyang harapan at lumabas ang nagkikislapang mahika.

Nanlaki ang mga mata ni Lux nang masilayan ang hawak-hawak ng kaniyang Ina. "A-Ano iyan?" halong pagkalito at pagkamangha ang makikita sa kaniyang mga mata.

"Isa itong itlog ng dragon," napakatamis ng ngiti ng kaniyang Ina habang nakatitig kay Lux.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Lux. "N-Nagbibiro pa kayo 'Inay? H-Hindi ba't isa na lamang maalamat ang mga vicious beast na dragon?"

"Oo nga, Pinunong Rufeanna, kahit ako na halos sampung libong taon ng naninirahan dito ay hindi pa nakakakita ng mga maalamat na vicious beast," pati si Guro Alemania ay hindi makapaniwala sa sinasabi ni Rufeanna.

"Hindi ka nakaabot sa holy war, Guro Alemania kaya parang maalamat ito sa iyo. Pero ibahin mo ako dahil mas matanda ako at ilang libong taon na rin akong naninirahan bago nangyari ang holy war. Sa totoo lang, may alaga akong isang Death Dragon noon pero dahil sa holy war ay nawalay siya sa akin.

Naalala ko pa ang masalimuot na nangyari nang panahon na iyon. Habang nagaganap ang Holy War ay kinulong ko sa ligtas na lugar ang aking alaga dahil sa oras na iyon ay isisilang na niya ang kaniyang anak.
Hindi ko kayang manatili sa kaniyang tabi dahil kailangan kong tulungan ang mga adventurers at ang iba pang nilalang sa Thronus laban sa mga kamay ng diyos.

Nang maisilang niya ang kaniyang supling ay halos lahat ng kapangyarihan niya ay naipasa sa kaniyang Anak. At dahil nga nasa labanan kami ay hindi niya kayang magpahinga at manood na lang habang nakikipaglaban ang buong Thronus sa kamay ng mga diyos.

Tumulong siya sa pakikipaglaban at dahil nga halos nawala ang kapangyarihan niya ay hindi niya kayang masabayan ang lakas ng kalaban na diyos at namatay ito. Gusto ko siyang tulungan pero wala ako sa tabi niya dahil okupado akong nakikipaglaban sa ibang diyos. Pero bago ito mamatay ay ibinilin na niya sa akin ang anak niya habang pinagbubuntis niya pa ito. Ang supling niya ay ang itlog na ito," nagbitaw ng malalim na hininga si Rufeanna matapos ang mahaba-habang salaysay. Sumilay ang pagkaganid sa mukha ni Guro Alemania.

Napatango-tango naman si Lux pero napakunot noo at nagsalita, "Hindi ba't sampung libong taon na itong lumipas, Inay? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin napipisa itong itlog?"

"Kahit ako Anak ay walang alam. Nang ginamitan ko siya ng aking mahika ay nasuri kong buhay pa rin siya sa loob ng itlog. Lagi akong naghahanap ng mga tanong at sagot sa misteryong ito pero wala akong mahanap. Kaya Anak, sa iyo ko na ibibilin ang itlog na ito. Sana ay alagaan mo siya kagaya ng pag-aalaga ko sa kaniya." Saad ni Rufeanna at pagkatapos ay binigay sa kaniyang Anak ang itlog.

Halos mahulog ang itlog nang pasanin ni Lux. "Ang bigat!" Hindi niya kayang hawakan ang itlog nito dahil sa laki lalo pa at may hinahawakan siyang interspatial bag kaya talagang nahihirapan siya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya pumapasan siya ng isang malaking bahay kahit kasinglaki lang nito ang 10x ng ulo niya.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now