28-My Mage System

936 197 24
                                    

Samantala, may isang batang lalaki ang makikita sa ilalim ng butas ng sentro ng Illicitus. Nakahiga ang batang lalaki sa napakaliit at saktong porsyon lang ng lupa ang katawan ng bata isang bata.

Masuwerte ang bata dahil hindi siya naging abo at naglaho na parang bula katulad ng mga kalahi niya. Pero kahit na gano'n ay naghihingalo na rin ito dahil wala na ang pares ng mga paa at braso sa kaniyang katawan.

Wasak din ang mukha at halos nagkalasuglasug ang ibang parte ng kaniyang katawan. Kahit siguro na kilala nito ay hindi siya makikilala sa kaniyang kalunos-lunos na nangyari ngayon. May mga bakas ng itim na enerhiya ang makikita sa buo nitong katawan at unti-unting kinakain ang kaniyang balat at kalamnan.

Sa loob ng kaniyang katawan banda sa tiyan ay tila may nagigising na isang halimaw. Ngunit, isa lamang itong enerhiya na parang yin-yang. Kumalat sa buong katawan ng bata ang itim na enerhiya mula sa yin-yang at unti-unting hinihigop ang death energy sa kaniyang katawan.

Makikitang unti-unting nawawala ang bakas ng itim na enerhiya mula sa nullification ball na binato ni Orion. Nawala na rin ang itim na enerhiya mula sa yin-yang at napalitan ng isang puting enerhiya mula sa yin-yang.

Makikitang unti-unting tumutubo ang mga nawalang parte ng kaniyang katawan at naghilom ang mga malalalim nitong sugat. Kahit ang mukha nito na hindi maipinta kanina ay maayos ng tingnan ngayon. Nawala na rin ang puting enerhiya sa kaniyang katawan pero hindi pa ein nagigising ang bata.

"Mahal, sino iyan?" saad ng ginang sa kaniyang asawa habang buhat-buhat ang isang batang adventurer na nakabalot ang ulo sa tela. Hindi matukoy ng ginang kung babae ba ito o lalaki.

"Nakita ko siya sa sentro ng Illicitus," saad ng asawa ng ginang.

"Anong ginagawa mo roon?! Hindi ba't delikadong pumunta roon?! 'Tsaka, bali-balita na may kababalaghan daw na nangyari roon na siyang dahilan ng malakas na pag-ugong ng lupa kanina-kanina lang!" tila nag-hihisterical na saad ng ginang sa kaniyang asawa. Pag-alala at pagkatakot ang mababakas sa kaniyang mukha.

"Oo, tama ka. Isang kahindik-hindik na pangyayari ang nakita ko roon," saad ng lalaki. Bakas pa sa mukha niya ang pagkamangha at pagkalito.

Pagkamangha dahil ang sabi-sabing nakakatakot ang Illicitus pero iba ito sa kaniyang nakita ngayon. Pagkalito dahil mukhang presko pa ang bangin na nakita niya sa sentro ng Illicitus. Tila, dinaanan ng isang napakalaking bato o bulalakaw na bumagsak dito dahil sa lawak ng butas sa Illicitus.

Hindi niya alam kung mayroon bang giyera o anong kababalaghan ang nangyari roon. Tila, isa itong misteryoso sa kaniyang nakita. Well, isa naman talagang misteryoso ang Illicitus kaya nga tinawag itong forbidden forest dahil sa may mga pangyayaring hindi maipaliwanag ng kahit sino ang lugar na iyon.

Saksi siya kung anong itsura ng labas ng Illicitus. May makapal na hamog itong harang noon pero ngayon ay wala na. Sinasabi ring nakakatakot ang loob nito at wala ng nakakalabas. Pero, bakit ganoon nalang kaganda ang nakita niya at nakalabas pa siya?

Ang Illicitus ay karatig na lugar nila. Nakatira sila ngayon sa Flora Village. Sa kanlurang bahagi nila ay ang Illicitus at sa silangang bahagi nila ay ang Hush Village. Pinapagitnaan sila ng dalawang ito. Ang tatlong lugar na ito ay kabilang sa Alfheim City.

Nandito sila sa Azure Kingdom at bawat city ay may malawak na lugar na para bang isang bansa katulad sa earth. May lima lamang na city ang Azure Kingdom.

"Bakit ka ba pumunta roon? Mabuti't ligtas ka at sino ba yang taong hawak mo?" naguguluhang saad ng ginang.

Makikita ang isang lalaking nasa edad kuwarenta na nangangaso malapit sa forbidden forest. Habang nangangaso ito ay nakaramdam ito ng pag-ugong ng lupa. Sa una ay naisip niya na baka guni-guni niya lang ito pero kalaunan ay paunti-unting lumalakas ang pag-ugong ng lupa.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now