41-My Mage System

678 102 9
                                    

Tanghaling tapat, makikita siya ngayon sa entablado na nagbibigay ng kaniyang salita sa mga nagtitipon na Floranians.

"Pinatipon ko kayo rito dahil may mahalaga akong sasabihin. Alam niyo naman na umalis si Kapitan Elizar at ang elders para mag-ensayo. At ako ang naatasan na mamahala rito. Gusto ko lang sana na tulungan niyo ako para maging matiwasay ang ating pamumuhay rito sa Flora Village," saad ni Lux.

May isang lalaking nasa mid 30s ang nagsalita. "Bakit ba kasi ikaw ang pinamahala rito gayung napakabata mo pa. Sampung taong gulang ka lang, paano mo matataguyod ng maayos ang mga tao rito? Mabuti pa'y ibigay mo na lang iyan sa mga nakatatanda."

Isa na namang lalaking nasa mid 30s ang sumabat. "Oo nga, tama siya. Baka iniisip mong laru-laro lang ito. Paano kung may mga kawal na pumunta rito at hanapin sila kapitan? Ikaw ang kakausap? Baka puro laro lang ang masagot mo," tapos tumawa pa ito kaya naghalakhakan na rin ang lahat.

Lumunok siya ng malalim bago nagsalita. "Sa ayaw at sa gusto niyo ay ako ang binilinan ni Ama para pamahalaan ang village. Gusto ko lang din ipaalam sa inyo na ipinagbabawal ko ang paglabas-masok sa ating lugar. Habang nakakulong tayo rito ng tatlong buwan ay gamitin niyo ang oras na iyon sa pag-eensayo gamit ang nakuha nating bag na puno ng kayamanan. May nabuo akong plano at sana suportahan niyo ako."

May isang ginang na biglang sumigaw. "Hindi kami papayag sa gusto mo!Saan kami kukuha ng pagkain?! Tsaka, nakakalimutan muna atang may mga noble na bumibili rito sa atin ng mga halaman! Dahil sa kanila ay nabigyan ng malaking pera ang mga trabahador dito sa atin!"

Napakuyom siya ng kamao dahil hindi talaga madali ang pagdala ng mga tao lalo na't ang tingin sa kaniya ay isang batang walang alam kung hindi ang maglaro. "Wala kayong dapat ipag-alala dahil mas may maganda akong plano para sa inyo. Hindi tayo magugutom dahil meron naman tayong malaking taniman. Nandoon ang sari-saring prutas, kulay, at may mumunting kagubatan naman tayo, maaari kayong maghunting doon ng hayop."

Isang matandang lalaking nasa mid 60s ang nagsalita. "Ano naman ang plano mo sa amin?"

Ang iba ay ayaw paawat at gusto siyang pababain sa entablado dahil sa tingin nila ay naglalaro lamang ito. "Maganda na ang benepisyong nakuha namin dahil sa mga bibiling noble rito at wala ng makakatumbas noon. Ngayon lamang ako nakatanggap ng kalaking sahod dahil doon."

"Oo, nga masuwerte tayo ngayon dahil binigyan din tayo bawat isa ng bag na naglalaman ng kayamanan. Sigurado akong galing iyon sa mga noble na bumili rito dahil nagustuhan nila ang mga halaman at iba pang produkto na gawa natin," saad ng ginang.

'Hindi ko alam kung masama ba ito o maaayos para isipin nilang ang mga noble ay mababait. Ayoko silang paasahin pero sa hinaharap plano ko rin namang baguhin ang perspektibo ng bawat tao, noble man o mahirap.'

"Ito na lang, lahat ng pumapanig sa akin ay itaas ang mga kamay!" biglang sigaw ni Lux sabay taas ng kamay.

Walang tumaas ng kamay kahit isa. 'Ganito na ba talaga sila kaayaw sa akin?' Nalungkot siyang isipin na mag-iisa siyang gagawa ng kaniyang plano gayong para naman ito sa lahat.

Magsasalita na sana siya nang may isang kamay na tumaas. Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Hanggang sa sunod-sunod ang mga nagsitaasan sa kanilang kamay. Nagkaroon din ng bulong-bulongan.

"Ano ba ang ginagawa nila? Nahihibang na ata sila para panigan ang pamamahala ng isang paslit na bata."

"Oo, nga hindi ako papayag na siya ang mamahala rito. Mas may abilidad pa akong mamahala kaysa sa kaniya."

"Ano ba ang naisip ni kapitan at ng elders kung bakit siya ang binilinan ng responsibilodad."

"Baka nilason niya ang isip o gumamit siya ng malakas na mahika na kayang magmanipula ng isip. Hindi ba't may kakaiba siyang mahika?"

My Mage SystemWhere stories live. Discover now