14-My Mage System

1.2K 183 12
                                    

"Anak, dahil tapos ka na sa pag-aaral mo. Bibigyan kita ng isang buwan para magliwaliw. Maaari ka ng makipaglaro sa labas," saad ni Pinunong Rufeanna habang nakangiti kay Lux.

Nanlaki naman ang mga mata ni Lux sa sobrang tuwa at napayakap sa kaniyang Ina. "Salamat 'Nay, akala ko talaga makukulong na ako habang buhay rito," masayang sambit niya habang nakasubsob ang mukha sa tiyan ng kaniyang Ina.

"Sige na, lumabas ka na ro'n at makipaglaro. Gawin mo ang gusto mo," natatawang sambit ng Ina niya habang kumalas sa yakap.

"Opo, Inay!" masiglang sambit ni Lux at nagmadaling lumabas ng kubo nila.

"Sarah!" malakas na sambit niya habang nakikita ang kalaro niya na nag-eensayo kasama ang Ama nito sa labas ng kanilang kubo. May hawak itong katana at nakikipagpalitan ng atake sa Ama.

Pagkakita nito sa kaniya ay napahinto ito sa kaniyang ginagawa. "Lux!" tuwang sambit ni Sarah. Binitawan nito ang katana na bumagsak sa lupa at agad siyang tumakbo patungo sa kaniyang matalik na kababata.

Hindi naman mapigilan ni Sarah ang pangungulila sa kaniyang kababata at nagmadaling lumapit kay Lux at mahigpit itong yinakap. Namula naman siya sa ginawa ng kaniyang kababata.

"A-Ahh... Patawad kung naistorbo kita," nahihiyang sambit ni Lux habang nasa likod nito ang mga kamay.

Kumalas si Sarah sa yakap. "Haha! Ano ka ba okay lang iyon noh," natatawang saad nito. Lumalabas ang dimple nito sa pisngi at nawawala ang mga mata kapag ngumingiti.

"Ang cute mo talaga," sa isip ni Lux.

Bumaling naman si Lux sa Ama nito. "Patawad po kung naistorbo ko ang pag-eensayo ni Sarah. Gusto ko lang siyang kamustahin. Sige po aalis na ako." Akmang tatalikod na ito nang marinig ang pagtawa ng Ama nito kaya napahinto siya at tumingin do'n.

Nagsalita ang ginoo, "Wala namang problema Iho. Alam mo ka namang matagal din kayong hindi nagkitang dalawa. Sige na maglaro na kayo."

"Narinig mo Lux?! Payag daw si Ama na maglaro tayo. Tara na!" masiglang sambit ni Sarah. Kinaladkad niya si Lux.

"Salamat po!" tuwang sambit niya sa ginoo habang kinaladkad siya ni Sarah palayo.

Lumabas na sila ng village. Habang naglalakad sila sa gubat ay nagtatanong si Sarah sa kaniya.

"Mabuti naman at nakalabas ka na. Akala ko talaga kinalimutan mo na ako," masayang sambit ni Sarah at lumungkot din pagkasabi sa huling pangungusap.

"Ano ka ba hindi mangyayari iyon. Ngayong tapos na akong mag-aral ay maaari na akong makalabas pero isang buwan lang. Pagkatapos non ay magsisimula na agad akong mag-ensayo ng totoong pagsasanay."

"Mabuti naman at magsisimula ka ng mag-ensayo. Akala ko talaga wala ng balak si Pinunong Rufeanna na pag-ensayuhan ka."

Tumawa siya. "Hindi mangyayari 'yon," huminto ito sa pagtawa at tinitigan nito ang batang babae. "Pansin ko mas lumakas ka na ata ah. Baka hindi na kita mahabol niyan," pagkatapos niyang purihin si Sarah ay napahalakhal siya ng bahagya.

"Kaya ikaw pagtuunan mo ng pansin ang pag-eensayo mo para mahabol mo ako," nakapamewang na saad ng babae.

"Layla, okay lang naman sigurong sabihin ko sa kaniya ang sekreto ko ano? Mapagkakatiwalaan naman siya."

Mukhang mapagkakatiwalaan naman iyang kababata mo. Sige sabihin mong patago kang nag-eensayo pero huwag mong sabihin ang tungkol sa Paradise World at sa'kin.

"Sige, salamat at pinagkakatiwalaan mo siya.q"

Haha! Pinagkakatiwalaan ko siya dahil alam ko namang kayo lang dalawa ang magkaibigan. 'Tsaka hindi ba't may gusto ka sa kaniya?

My Mage SystemOù les histoires vivent. Découvrez maintenant