15-My Mage System

1.2K 168 20
                                    

Biglang humilom ang sugat sa ulo ni Lux at nawala rin ang dugo sa katawan niya.

Kahit papaano ay nawala bigla ang pag-alala sa mukha ni Sarah. "Kung ganoon ay malakas ka rin pala. Parang wala lang sa iyo ang suntok ko at kaya mo ring gumamit ng healing magic. Magaling! Magaling!" saad ni Sarah. Pumikit pa siya at pumalakpak. At iyon ang timing para umatake si Lux.

Nawala bigla si Lux sa kinatatayuan niya at sa isang kisap mata ay lumitaw sa harapan nang nakapikit na kababata. Agad siyang nagpakawala ng malakas na roundhouse kick pero nahagip ng isang kamay ang kaniyang kanang binti. Maririnig pa ang malakas na hangin na siyang pagbangga ng binti sa kamay ni Sarah.

Agad kumilos si Lux at nagroundhouse kick ulit kaya nabitawan ni Sarah ang binti niya. Bago pa dumapo ang malakas na sipa ni Lux ay agad nang nakatalon palayo si Sarah kaya doon sa lupa tumama ang sipa ni Lux. Dahil sa lakas ng sipa niya ay nagkaroon ng munting pag-alog ng lupa sa kanilang lugar pero agad ding naglaho. Makikita pa ang bakas ng binti niya na bumaon sa lupa.

"Kahanga-hanga tila ibang tao ka na ngayon ah," nakangiting saad ni Sarah habang makikita ang pagkamangha sa mukha nito.

Ngumisi si Lux at bahagyang napatawa, "Ibig mong sabihin na lumakas na ako?"

Tumango-tango si Sarah at ngumisi. "Ang ibig kong sabihin ay hindi na ikaw ang dating elf na hindi kayang gumamit ng mahika. Ngayon napakalakas mo na."

Ngumiti si Lux. "Tiyaga at pasensya lang ang kailangan para lumakas."Pagkatapos banggitin ang mga salitang iyon ay agad siyang naglaho sa kaniyang kinatatayuan at biglang lumitaw sa likod ni Sarah.

Mabilis ding nakadama si Sarah sa kaniyang presensya at agad nagpakawala ng malakas na siko na sinamahan ng malakas na suntok ng kaniyang kaliwang kamao sa pag-ikot niya. Natamaan si Lux ng malakas na pagsiko pero agad siyang nakayuko pagkatapos kaya hindi siya natamaan ng malakas na suntok nito. Bagkus sa pagyuko niya ay nagpakawala siya ng isang malakas na upper cut at tumama iyon sa tiyan ni Sarah.

Dahil sa lakas ng pagsuntok niya ay tumilapon si Sarah at bumangga ang likod nito sa malaking katawan ng puno. Bumagsak siya sa damuhan at kita ang markang biyak dulot ng pagbangga ng kaniyang katawan sa puno. Hindi paman siya nakakabangon ay agad ng kumilos si Lux patungo sa kaniyang gawi. Kasingbilis ng ilaw ng kidlat ang kilos niya at agad nagpakawala ng malakas na sipa sa tagiliran ni Sarah.

Tumilapon siya at habang nasa ere pa siya ay bigla na namang kumilos si Lux at agad nagpakawala ng sipa. Tumilapon na naman si Sarah at kagaya kanina ay inulit na naman ni Lux ang kaniyang ginawa. Sinipa niya si Sarah kahit nasa ere pa ito at paulit-ulit niya lang itong ginawa.

Kasing bilis ng ilaw ng kidlat ang mga kilos ni Lux. Napakalinis at napakapulido ng kaniyang mga atake. Para siyang tubig na kaysuwabeng kumilos. Magpapakawala na sana siya ng malakas na tadyak nang bigla siyang bumagsak sa lupa.

"A-Anong nangyayari?" biglang usal ni Lux. "Bakit bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko na parang pasan ko ang buong mundo kahit ni isang daliri ay hindi ko maangat," sambit niya habang nakadapa at nakasubsob sa lupa.

Bumaba ang gravitational force sa paligid. Kahit ang mga vicious beast sa paligid ay nadamay. Maririnig ang kanilang pag-atungal. Merong humihiyaw dahil aksidenteng natusok sa mga patalim na bato habang tumatalon. May umuungol na nakadapa sa lupa at damuhan dahil sa takot. Merong ding umaatungal sa galit dahil akala nila ay may kalaban.

Nakaramdam siya ng malakas na atake na dumapo sa kaniyang ulo. Bumaon ang kaniyang ulo sa lupa at dahil dito ay hindi siya makapagsalita. Naramdaman niya ang hugis nito at isang maliit na sapatos ang nakaapak ngayon sa kaniyang ulo. At doon nalaman niyang galing ito sa kaniyang kababata. Mas lalo nitong diniinan ang kaniyang ulo kaya mas lalong bumaon ang kaniyang ulo sa ilalim.

My Mage Systemحيث تعيش القصص. اكتشف الآن