52

570 95 3
                                    

Habang tumitingala siya ay may biglang pumasok na magandang ideya sa kaniyang utak. Inimbay niya ang kamay at biglang lumitaw ang itim na lagusan. Agad siyang pumasok dito at niluwa naman siya nito sa lugar kung saan niya gusto, ang Paradise House, mismo sa opisina ni Shane at Andre.

"Master Lux, ginulat mo naman ako!" Sigaw na saad ni Shane habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Nakaupo ito sa kaniyang magarbong upuan katapat ng kaniyang office table.

Napadako ang tingin niya sa adjacent table kung saan ang nakaawang na bibig ni Andre. Mukhang nagulat din ito sa biglang pagsulpot niya.

"Magandang hapon, Master Lux!" ngiting pagbati ni Andre 'tsaka, sumunod si Shane.

Mukhang di pa nila alam ang nangyayari sa Flora Village. "Pasensya na sa biglang paglitaw ko rito. May problema ako," bakas sa boses ni Lux ang pag-alala at pangamba.

Agad siyang humingi ng report sa mga clone na nandito rin sa bagong lupain ng Flora Village. Wala naman daw kakaibang nangyayari rito. Napabuntong hininga nalang siya. Mabuti't maayos lang dito.

"Mukhang napakabigat ng problema niyo, Master. Ano ba ang maitutulong namin sa'yo?" nag-alalang saad ni Shane.

"Gagawin namin lahat ng ipag-uutos niyo, Master Lux!" puno ng simpatya ang boses at mukha ni Andre.

Agad nagsalita si Lux at ibinahagi ang nangyayari sa kabilang banda ng Flora Village. Dahil sa narinig ay hindi mapigilan nina Shane at Andre na mapatayo at magalit. "Aba't ang lakas ng loob nilang lumusob dito! Hindi nila alam ang kanilang ginagawa!Pagpapakamatay ang desisyon nilang umatake sa'tin!" nagpupuyos sa galit si Shane. Halos gusto ng sumabog ang leeg nito dahil sa napakaraming ugat sa leeg.

"Ano ang gusto mong gawin namin, Master Lux? Gusto mo bang kami ang magpapaalis sa kanila?" matatag na saad ni Andre na para bang walang kinakatakutan.

Namamangha nalang si Lux sa kung paano rumeact ang dalawa. "Simple lang ang ipagagawa ko sa inyo. Gusto kong gamitin niyo ang crystal ball at i-activate ang Magic Formation sa lugar na ito. Mas mapapanatag ako sa kaligtasan niyong lahat kapag ginawa niyo ito," puno ng kompyansang saad ni Lux.

Alam niyang maaasahan ang bagong naimbento ng Magic Formation Team. Kakailanganin niya ito para maging ligtas ang lahat. Ramdam niya ang bawat lakas ng mga adventurer na umaatake sa kaniyang harang. Kung hindi siya nagkakamali ay halos nasa Kings Rank ang mga antas nito. Pero merong isang atake na hindi niya matukoy ang antas nito.

Hindi klaro sa kaniya dahil nag-e-error ang system kapag sinusuri ang atakeng iyon. Alam niyang hindi basta-basta iyon kaya nangangamba siya kung baka tuluyan ngang mabasag ang harang at kailangan niyang harapin ang mga adventurer na ito.

"Master!" napukaw lamang siya sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Andre at Shane.

"Ah... Ano?..." nakaawang na sambit niya.

Napakamot sa ulo si Shane. "Sabi ko nga hindi namin kayang makapunta agad sa ibang team ng ganoon kabilis. Malayo-layo rin iyon, e, kaya siguro aabutin kami ng ilang oras para makapunta roon."

Umiling si Lux, " Hindi problema iyon. May inutusan na akong pupunta rito at sila ang tutulong sa inyo. Kaya rin nilang makagamit ng Space Magic para mapadali ang paglakbay niyo. Sinabi ko na sa kaniya ang kailangan niyong gawin at sila na ang bahala sa pagsabi sa mga iba pang impormasyon. Kailangan ko ng umalis. Mag-ingat kayo rito!"

"Ikaw rin, Master!" pahabol ni Shane bago nakapasok si Lux sa itim na lagusan. "Ingat kayo, Master!" Si Andre, kasabay ni Shane sa pagpaalam.

Agad na napunta si Lux sa labas ng harang. Kitang-kita niya ang libo-libong mga adventurer na nakasuot ng silver-golden armor.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now