49

621 96 3
                                    

Naging matagumpay ang plano ni Lux. Lahat ay nagkakaisa sa produksyon. Pinapamunuan nina Shane at Andre ang Magic Formation Team, si Arnold, naman sa Blacksmith Team, at si Nieves, naman sa Alchemist.

Si Arnold ay ang matandang lalaki na humingi ng pabor kay Lux tungkol sa paunang 20% na suweldo sa unang buwan ng kanilang pagta-trabaho. Isang ginoo na nasa mid 50s at may antas na Kings Rank.

Klarong-klaro ang pagiging matanda nito dahil sa mga puting buhok sa ulo at sa bigote. Nangngulobot na rin ang balat nito pero kahit na ganoon ay kasing lakas pa rin ng kapong baka. Nagdaan man ang taon pero mas lalo lang nadagdagan ang lakas at kapangyarihan nito.

Siya ay bihasa sa pakikipaglaban gamit ang pisikal at paggamit ng sandata. Pero hindi pa rin nagpapahuli ang kaniyang kakayahan sa larangan ng mahika.

Si Nieves naman ang ginang na na nasa mid 100s pero ang kaniyang balat ay para lang nasa 40s. Isa siyang eksperto sa paggawa ng mga beauty products. Kaya niyang pabatain ang looks ng mga may edad na at in-apply nga niya iyon sa kaniyang sarili.

Isa siyang Master Alchemist na nagta-trabaho noon sa royal family pero dahil sa higpit nito at kawalan ng pagbibigay sa nararapat niyang benepisyo ay napagdesisyunan niyang magretiro. Sa kabutihang palad, isang buwan sa kaniyang pagreretiro ay narinig niya ang paunlak ni Lux. At nang magandahan siya sa benepisyo ay kinuha na niya ang pagkakataon.

Siya ang may pinakamataas na antas ang na-recruit ni Lux, isang Sky Rank. Napakabihasa niya sa larangan ng mahika na kahit ang mga kawal sa palasyo ay walang panama sa kaniya. Talaga nga namang sinuwerte si Lux sa pag-recruit sa kaniya.

Isang buwan na ngayon magmula noong napunta sila rito sa Flora Village. Naging maayos ang daloy ng produksyon at libo-libong mga produkto na ang kanilang natapos.

"Kamusta, Shane, agad talaga akong pumunta rito nang mabalitaan ang supresa mo. Maaari ko bang malaman ngayon na? Hehe!" saad ni Lux na may pananabik.

"Sigurado akong masisiyahan ako nito. Dali na! Sabihin mo na!" sobrang pananabik na saad ni Lux. Pinaghihila nito ang kamay ng dalaga.

"Teka lang, Master Lux, awat mo na!" pagpigil ng dalagang si Shane dahil sa pangungulit ni Lux.

"Isa na naman ba itong epektibong teknolohiya?! Asan na?!"

"Napaka-hyper mo, Master Lux, teka lang kukunin ko muna sa opisina ko ang supresa ko." Saad ng dalaga at binitawan na ito ni Lux. Sinundan niya ang dalaga hanggang sa makapasok sila sa silid.

"Asan na!" tila puno ng sigla ang batang si Lux.

Lumapit si Shane sa lamesa niya at inabot ang debuhista. Nang makuha ang bagay sa loob ay inilahad niya ito kay Lux. "Tsaran!"

"Wow! Ano ito?!" puno ng ningning na saad ni Lux. Inabot nito ang crystal ball. Isang transparent na bolang kristal ang hawak-hawak ngayon ni Lux.

"Masasabi kong isa ito sa pinakamaayos at pinaka-epektibong nagawa namin," nakangiting saad ni Shane.

Tinitigan ni Lux ang bolang kristal at sinuri ng maayos. Napakunot noo ito, "Anong kayang gawin nito?" saad niya at tumingala kay Shane.

Kinuha ni Shane ang isang remote ng crystal ball sa kahon ng lamesa. "Ito ang nagkokontrol dito. May mga nakalagay rito kung saan mo ito gagamitin." Iniharap ni Shane kay Lux ang kabuuang hugis ng remote control. Isa itong maliit na parihabang sukat at may mga button na pipindutin.

"Itong pinakaitaas ay ang kontrol para humigop ng life energy sa kung sino mang hahawak sa bolang kristal. Ito namang nasa gitna ay para pahintuin ang paghigop ng life energy. At itong kasunod ay para i-activate ang magic formation at sa pinakaibaba ay para sa paghinto ng magic formation." Saa ni Shane habang ipinapakita kay Lux ang mga pipindutin sa controller.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now