35-My Mage System

783 126 11
                                    

"Isa laban sa tatlo?" nakataas ang kilay ni Kapitan Zoro at pagak na tumawa. "Ganiyan na ba ako kalakas para pagtulungan niyong tatlo?"

"Hindi ka malakas! Sadyang gusto lang namin makasama si kapitan," pabatong sigaw na saad ni Elder Tobias.

Naglabas ng hangin si Kapitan Zoro sa kaniyang ilong at nagwika, "Hmph! Gayon, simulan na ang laban!" At sa isang iglap ay naglaho na parang bula ang anyo nito at biglang lumitaw sa harapan ni Kapitan Elizar. Agad itong nagpakawala ng malakas na paghampas ng sandata.

Dahil sa bilis at biglang paglitaw nito ay hindi agad nakatugon si Kapitan Elizar. Pero dahil simula't sapol ay nakatuon na ang atensyon ni Elder Judo rito ay agad din itong nakabuo na makapal na snowflakes barrier at doon tumama ang malakas na atake.

Dahil sa lakas ng puwersa ay napaatras ng ilang metro si Kapitan Zoro. Ngumisi ito. "Interesante, mukhang magiging maganda ang laban na ito."

Agad siyang tumakbo palihis sa kaliwang direksyon at pinag-uulanan naman nito ng mga snow blades ni Elder Judo pero dahil sa bilis ng repleks nito ay agad din nitong naiiwasan ang mga matutulis na niyebe.

Patuloy pa rin si Elder Judo sa kaniyang pagbabato ng snow blades hanggang sa ilang metro nalang ang lapit ni Kapitan Zoro sa kanilang gawi. Agad itong tumalon ng pagkataas-taas na papatungo sa kanila.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Kapitan Elizar at tumalon din. Nagsalubong ang bawat espada nila at naglikha ng malakas na puwersa na siyang sumira sa Hall of Office. Pero hindi pa roon nagtatapos ang kanilang laban dahil patuloy lamang sa pagduduwelo ang dalawang kapitan.

Sa ibaba naman, nagkatinginan ang dalawang elder na parang alam na nila ang gagawin. Agad nagback-up si Elder Tobias habang nanatili sa baba si Elder Judo para sa suporta ng dalawa.

Biglang lumutang si Elder Judo habang napapalibutan ng malamig na awra. Wala ng makikitang itim sa mata nito bagkus ay puro puti nalang. Sinasayaw ang kasuotan nito dahil sa unti-unting pag-usbong ng malakas na hangin.

Biglang napalibutan ng hamog ang paligid at biglang bumaba ang temperatura sa kanilang lugar. Biglang lumitaw ang makapal na enerhiya sa labas ng Hall of Office na siyang nagsisilbeng nagbabalakid para makapasok at makalabas ang tao rito. Nagsimula na ring umusbong ang malakas na hangin na may kasamang niyebe ang loob ng harang.

Napaatras sina Kapitan Elizar at Elder Tobias at maging si Elder Zoro nang magbangga ng sabay-sabay ang kanilang sandata. Kaya kahit papaano ay nagkaroon ng tsansang mapansin ni Kapitan Zoro ang pagbabago ng paligid.

Hindi niya agad napansin ang pagbabago dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa dalawang kalaban. At nang magkaroon ng tsansa ay gulat siya sa pagbabago sa paligid. Natuon ang pansin niya sa ibaba at nakita ang lumulutang na si Elder Judo na napapalibutan ng malamig na awra.

Naisip niyang kagagawan ito ng huklubang ito kaya nagbabalak sana siyang puntiryahan ito nang makaramdam siya ng presensya na papalapit sa kaniya. Agad niyang naiwasan ang matulis na espada at nakita niya ang kaniyang repleksyon dito nang dumaan sa kaniyang mga mata ang espada.

Pero hindi pa man nalalayo ang espada ay agad din siyang napayuko nang mabilis din itong bumalik sa kaniyang direksyon. Napalingon siya sa kaniyang kaliwa at doon nakita niya ang nakataas na si Elder Tobias na kamumula lang sa pagkuha sa espadang umatake sa kaniya.

"Baka nakakalimutan mong may kalaban ka rito," ngising tugon ni Elder Tobias.

Napa-tsk nalang si Kapitan Zoro at mabilis na inatake ang dalawa. Agad nagbangga ang tatlong espada.

"Sa tingin niyo matatalo niyo ako kahit tatlo kayo? Roon kayo nagkakamali dahil kahit buong elders pa ang isama niyo ay hindi pa kayo umaabot sa katiting ng lakas ko!" At sa huling salita nito ay naglabas ng malakas na paghampas na siyang pagtilapon nina Kapitan Elizar at Elder Tobias.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now