4-My Mage System

1.7K 202 54
                                    

Anim na buwan na siya nang magsimulang hayaan ng kaniyang Ina na gumapang sa kanilang kubo. Lagi rin itong nakasunod sa kaniya para siguraduhin ang kaniyang kaligtasan. Madilim na ang kalangitan at napakahimbing na nang tulog ng buong village pero siya ay nakadilat pa rin ang mga mata.

"Kainis, hindi ako makatulog!" habang nagpapagulong pakaliwa't kanan sa malambot nilang kama. Kahit anong likot niya ay hindi nagigising ang kaniyang Ina na nasa kaliwang banda. Medyo nakakapagsalita na siya pero nandoon pa rin ang pagkabulol.

Pag-ikot niya sa kanan ay tuluyan na siyang nahulog sa kama. Naglikha ito ng tunog pero hindi pa rin na gising ang kaniyang Ina. Napadaing siya. "Mabuti nalang hindi masyadong mataas ang hinulugan ko."

Nang makitang bukas ang pinto ng silid ay napangiti siya. "Maglalaro na lang ako." Nagsimula na siyang gumapang patungo sa pinto hanggang sa makalabas ito.

"Mabuti na lang isang palapag lang ang aming bahay," masayang sambit niya habang gumagapang papunta sa sala.

Saktong pagkarating niya ay napaigtad siya sa gulat dahil sa malakas na boses galing sa kaniyang utak.

Obtained 0.00000000009 exp points!

Napakunot noo siya sa narinig.

Kamus, Lux?! Anong ginagawa mo rito dis-oras ng gabi?

"Sino ka?!" sigaw niya.

Narinig niyang tumawa lang ito. Mukhang nalimutan mo na ako ah. Ako ang system mo. Remember?

At biglang lumitaw sa kaniyang mga mata ang transparent na panel. Ito ang nakita niya noong bago pa lang niya makilala ang system.

"Hindi ba't isa ka lang panaginip?"

"Lux, sinong kinakausap mo?" narinig niya ang boses ng Ina. Kararating lang sa sala. Hinintay niyang sumagot ang system pero wala itong tugon. Lumapit ang kaniyang Ina at siya'y kinarga pabalik sa kanilang silid.

Napabuntong hininga siya. "Guni-guni lang talaga iyon," pero narinig niya ulit ang boses nito. Totoo ako Lux.

Namilog ang kaniyang mga mata. Hindi nakikita ng kaniyang Ina ang kaniyang reaksyon dahil nakaharap ito sa likod habang karga.

Matagal ako nawala kasi nag-hibernate ako sa iyong katawan.

Hindi siya makapaniwala at tulala lang hanggang sa maramdaman ang malambot na bagay sa likuran. "Tulog na tayo, Anak," agad siyang nakaramdam ng antok nang makita ang palad ng kaniyang Ina na napapalibutan ng mahika.

Nang imulat niya ang mga mata ay maliwanag na sa labas ng bintana. Agad niyang naalala ang nangyari kagabi.

"System?"

Bakit

Napangiti siya. "Totoo ka nga at hindi ako nananaginip!"

Tumawa ang computer voice sa kaniyang utak. Hindi na ako mawawala at lagi mo na akong kasama. Ako ang iyong gabay hanggang sa paglaki mo.

"Ano iyong narinig ko kagabi tungkol sa exp points?"

Iyon ba? Sa tuwing ginagamit mo ang katawan mo upang kumilos ay nakakakuha ka ng exp points. Mas mahirap na gawain, mas malaki ang iyong makukuhang exp. Kahit ang simpkeng paggapang ay nagbibigay exp points sa iyo.

"Katulad pala siya sa online games sa earth," bulong niya sa sarili.

Oo, katulad doon pero ngayon ay ikaw na mismo ang makakaranas nito.

"Ibig sabihin ay magiging OP na ako? Hindi na ako makapaghintay na gumamit ng mahika!"

Masyado ka pang bata. Enjoyin mo muna ang iyong oras hanggang sa puwede ka ng mag-aral sa mahika. Huwag kang mag-alala dahil ako mismo ang magtuturo sa iyo.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon