11-My Mage System

1.3K 167 7
                                    

"Ito ang mga sumusunod na antas ayon sa heirarchy niya: Bronze Rank, Silver Rank, Gold Rank, Rookie Rank, Knight Rank, Kings Rank, Sky Rank, Tempest Rank, Chaos Rank, Celestial Rank, Deity Rank, God Rank, Newbie God Rank, Ancient God Rank, at ang pinakahuli at pinakamataas sa lahat ay Heavenly God Rank.

May isang paraan para malaman mo ang tunay na antas ng mga adventurer. Pagbabatayan mo ang kulay ng awra na inilalabas nila.

Ito ang mga sumusunod na kulay ng enerhiya ayon sa hierarchy: light red, red, dark red, light orange, yellow, green, light blue, blue, dark blue, indigo, light violet, violet, dark violet, black.

Kadalasan iniiba nila ang kanilang awra para lang linlangin ang adventurer. Merong nagpapanggap na mahina pero ang totoo pala ay malakas sila.

Pumunta naman tayo tungkol sa mga hayop. Sila ay tinatawag na vicious beast at divine beast. Ang pinagkaibahan ng dalawa ay mas malakas ang divine beast kaysa vicious beast. Meron din silang antas katulad ng mga adventurer.

Ito ang kanilang pagkakasunod-sunod na antas at mga katumbas na lakas sa antas ng adventurer: 1st Grade Vicious Beast ay may lakas na Bronze Rank patungo sa Silver Rank, 2nd Grade Vicious Beast ay may lakas na Gold Rank patungong Rookie Rank, 3rd Grade Vicious Beast ay may lakas na Knight Rank patungong Kings Rank, 4th Grade Vicious Beast ay may lakas na Sky Rank patungong Tempest Rank, at ang pinakahuli at pinakamalakas sa vicious beast ay ang 5th Grade Vicious Beast na may lakas na Celestial Rank patungo sa Deity Rank.

Walang antas ang divine beast dahil kinokonsidera nila na sila ay pantay na malalakas. Pero kung ang lakas ng adventurer ang pagbabatayan, lahat sila ay may antas mula sa God Rank patungong Heavenly God Rank.

Kaya sila tinawag na divine beast ay maituturing silang diyos dahil sa kanilang lakas. Merong divine beast na namumuhay sa itaas na mundo at meron din dito sa Thronus. Halimbawa, si Timere, isa siyang malakas na divine beast."

"Bakit po sila tinawag na diyos gayong isa lang naman silang mga tao o hayop na galing din dito sa Thronus?"

"Ang mga sinaunang adventurer ang nagtawag sa kanila ng gano'n hanggang sa nadala na ng bagong henerasyon."

Matapos ang kanilang klase ay umuwi agad si Lux.

"Anak, kumain ka na," saad ng Ina niya. Kumain na nga siya habang nasa kabila ang kaniyang Ina at tumitingin nalang sa kaniya dahil tapos na itong kumain. Hindi na sila lagi sabay na kumakain dahil ito ang nais ni Lux.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?"

"Ayos lang 'Nay, nalaman ko na rin ang antas ng adventurer ayon sa heirarchy nito."

"Mabuti naman at marami ka ng natutunan. Huwag kang mag-alala dahil malapit ka ng mag-ensayo ng aktwal na pakikipaglaban. Hinahasa ko lang ang iyong isipan sa lahat ng mga impormasyon para kapag darating ang panahon ng iyong pagsasanay ay hindi ka malilito," saad ng Ina niya.

Matapos kumain ay pumasok na siya sa loob ng silid. Pumasok na siya sa Paradise World.

"Oo, nga pala, Layla, anong antas ang kakailanganin para mabuksan ko ang mga lock features sa system?"

Ang pinakamalapit na maaari mong mabuksan ay ang Blessing Tree. Kagaya sa mga puno't halaman ay dadaan ito sa maliit na anyo pero kapag lumaki na ito at mamunga ay maaari kang makakuha ng prutas nito. Iyon lang, kailangan mong bilhin ang prutas.

"Anong mapapala ko sa prutas? May mabibigay pa itong lakas 'pag kinain ko?"

Hindi lang lakas ang ibibigay nito sa iyo, marami pang iba. Depende sa makuha mong prutas dahil para lang din itong laro sa mundo mo. Kakailanganin mong magbayad ng 1,000,000 diamonds sa isang yugyog ng puno at ang system na ang gagawa no'n. Maghihintay ka lamang na may mahulog na isang prutas sa puno at iyon ang premyo mo.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon