12-My Mage System

1.2K 177 7
                                    

Ngayon ay makikita si Lux sa loob ng Paraside World habang napapalibutan ng sampung centaur. Sila ay kalahating kabayo sa ibaba at kalahating tao sa itaas.

"Ang lalakas nila kahit isa lamang silang 1st Grade Vicious Beast. Parang pang 2nd Grade Vicious Beast na ang kanilang lakas," saad ni Lux habang naghahabol hininga. Punit-punit ang kasuotan niya at halos maligo ang katawan sa galos at sugat. Meron pang tumutulong dugo sa kaniyang noo.

Done Analyzing...

Isa silang 1st Grade Vicious Beast na papa-breakthrough patungo sa 2nd Grade Vicious Beast. Naghihibernate sila ngayon para sa kanilang pagbe-breakthrough pero ginambala mo sila.

"Kaya pala parang ang lakas nila kung ihahambing sa normal na 1st Grade Vicious Beast. Ang layo pala ng agwat namin. Nasa 9th Star Bronze Rank palang ako pero ang lakas nila ay papatungo na sa Gold Rank. Talaga namang lugi talaga ako. Bakit kasi napakabagal ng pagtaas ng antas ko?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumugod ang tatlong centaur.

Kahit paano ay nagawa niyang sugatan ang mga vicious beast. Malaking tulong na rin iyon para mabawasan ang lakas nila lalo't nakikita niyang wala silang kakayahan na gamutin ang sarili mga galos at sugat.

Mabilis ang takbo ng tatlong centaur. Habang nagtatakbo ay makikita ang namumuong mahika sa pagitan ng kanilang sungay. Doon lumabas ang pabulusok na mga water spikes(isang tubig na tumigas at naging matulis), earth spikes, at wind blades sa kaniyang gawi. Tatlong centaur na may Level 15 Water Magic, Level 10 Earth Magic, at Level 15 Wind Blades.

Sumunod na rin ang natitirang centaur na sumugod habang nagpapakawala ng magic attack sa pagitan ng kanilang sungay. Ngayon ay napapalibutan siya ng kayraming mga water spikes, earth spikes, wind blades, at fire arrows(20 palasong napapalibutan ng pulang apoy).

Ginamit naman niya ang kaniyang wind magic at pinabilis ang kaniyang galaw. Para siyang hangin sa bilis habang iniiwasan ang mga atake nila pero dahil sa dami ng mga pabulusok sa kaniyang gawi ay nahagip pa rin ang kaniyang kaliwang braso. Napadaing siya at nagpagulong-gulong. Huminto na sila sa pag-atake.

Paglinga niya ay nakita niya ang tatlong centaur na ilang distansya nalang sa kaniyang gawi habang nakatalon sa ere. Agad niyang itinaas ang kanang kamay at bumuo ng pananggala. Mabilis na lumabas sa kaniyang kamay ang tubig at pinalibutan siya hanggang sa ito'y tumigas. Napakalinaw tingnan na parang lulusot ang kamay ng nilalang dito.

Doon tumama ang katawan ng tatlong centaur at hindi man lang sila tumagos bagkus nagkaroon pa ng shock wave na nagtulak sa kanila pabalik. Sumugod sila ulit at sumunod din ang ibang centaur. Agad siyang tumayo at itinaas ang kabilang kamay para suportahan ang barrier.

Pinagsisipa nila ang barrier gamit ang kanilang binti, ang iba ay ginamit ang kanilang matigas na sungay para basagin ang barrier. "Ang lakas ng kanilang mga sipa't sungay. Hindi ako tatagal 'pag magpapatuloy ito. Kanina pa ako nakikipaglaban at kaunti na lang ang life energy ko kaya dapat mag-isip ako ng paraan para matalo sila." Makikitang nanginginig ang kaniyang mga kamay dahil sa tindi ng tensyon mula sa pananggala.

Nagkakaroon ng law of attraction at ramdam niya ang matinding force galing sa kanilang mga atake. Nagpatuloy ang ginagawa ng mga centaur hanggang sa nagkaroon ng biyak ang barrier. Unti-unting kumalat ang biyak hanggang sa dumami na ito. Sa huling malakas na atake ng mga centaur ay doon na nabasag ng tuluyan ang barrier. Dahil sa lakas ng force ay napasubsob siya sa damuhan.

Tila para silang gutom na hayop na nakakita ng kanilang biktima at agad sinugod ang nakaluhod na bata habang nakasubsob ang mukha sa damuhan. Hindi nila alintana ang panganib dahil sa kanilang nararamdaman na pagkaganid. Noong hindi pa nababasag ang barrier ay nag-isip na si Lux kung paano sila patumbahin.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now