17-My Mage System

1.1K 179 14
                                    

Dumaan ang isang buwan mula nang maparusahan si Miya Alemania. Makikita ngayon si Lux at ang kaniyang Ina na nag-eensayo sa isa sa silid ng kanilang kubo. Isang malawak at bakanteng silid na para sa pang-ensayo. Walang hanggan ang lawak sa loob ng silid dahil ginamitan ito ng Ina ni Lux ng Space Magic. Purong puti lang ang makikita sa loob.

"Napakabagal mo!" malakas na sambit ni Rufeanna habang nagpapakawala ng malalakas at mabibilis na atake kay Lux. Dahil sa bilis niya ay nagkakaroon pa ng mga after images.

"Masyado kang mabilis 'Nay nahihirapan kitang sabayan!" tugon naman ni Lux.

Nagkakaroon na ng pitong after images si Lux dahil sa bilis. Mapapansin ang kahirapan sa mga mata niya habang kampante lang ang mga mata ng Ina niya na nagpapahirap sa kaniya.

Para silang hangin na nagbabanggaan. Hindi na klaro ang kanilang anyo at kung simpleng mga adventurer lang ang makakakita sa kanila ay siguradong mahihimatay, matatakot, at mamamangha sa taglay nilang kakayahan.

Maririnig ang ingay ng mga pagsabog dahil sa mga magic attack na kanilang pinagbabato. At sa tuwing nagkakalapit ang kanilang mga pisikal na katawan dahil sa pagsuntok at pagsipa ay nagdudulot ito ng malalakas na shock wave sa paligid.

Mahigit tatlong oras na rin silang nag-eensayo ni kahit isang minutong pahinga ay hindi nila nagagawa. Napaka-intense na ng kanilang laban at makikitang pareho talaga silang beterano sa pakikipaglaban.

"Inay, pagod na ako!" reklamo ni Lux habang sinasangga ang mga suntok at sipa ni Pinunong Rufeanna.

"Hangga't hindi ko nakikitang nagkaka 10 after images ka ay hindi tayo magpapahinga!" striktong saad ng Ina niya. Mapapansin na rin ang panghihina ni Lux, samantalang, blangko lang ang mukha ng kaniyang Ina pero nandoon ang pagkakunot noo. Tila seryoso itong nakikipaglaban kay Lux,

'Kainis! Halimaw pala to si Inay kapag nag-iisparing taliwas sa mga nakikita ko sa kaniya,' sa isip ni Lux.

Paulit-ulit na nagrereklamo si Lux sa kaniyang Ina dahil hindi man lang sila nagpapahinga pero hindi ito pinakikinggan ng Ina niya at patuloy lamang sa pag-aatake sa kaniya. At dahil ayaw niyang mapurohan ay wala siyang nagawa.

"M-Masyadong mabilis," hindi mapigilang saad ni Lux. Napansin ni Lux na mas bumilis at bumigat ang mga atake ng Ina niya kumpara kanina.

Kung sa isang oras nilang pag-eensayo ay siya ang umaatake taliwas na ngayon dahil ang Ina na niya ang umaatake sa kaniya. Medyo hindi na nakakasabay si Lux sa bilis ng Ina niya. Kaya ng umatake ito ulit ay hindi na niya nasangga at tumilapon siya ng ilang metro. Nagpagulong-gulong si Lux.

Nang huminto siya sa paggulong ay sinubukan niyang bumangon kaso napurohan ang kaniyang kanang tuhod dahil sa bigat ng sipa ng Ina niya kaya napatumba ito ulit. "Kahit sampung minuto lang Inay. Pagod nako," mahinang saad nito.

Naghahabol hininga na rin siya. Kanina pa sila naglalaban at talagamg pagod na si Lux. Kahit isang minutong pagpapahinga ay pinagbabawal ng kaniyang Ina.

Hindi pa man nakakatayo si Lux ay bigla na naman umatake ang Ina niya. Naalerto naman si Lux at kahit masakit ang kanang tuhod niya ay pinilit niyang umalis sa kinaroroonan niya. Mabilis papatungo ang Ina niya sa kaniya pero mabilis din ang paglisan ni Lux sa pwesto niya kaya hindi siya naabutan ng Ina niya.

'Ito nalang ang aking pag-asa,' sa isip ni Lux.

Nagtatakbo palayo si Lux sa Ina niya. Malawak ang silid para itong dimensional room sa laki kaya plano niyang takasan nalang ang Ina. Nagbabakasakaling pagmalayo na siya ay hindi na siya susundan ng Ina niya at makakapagpahinga na siya.

My Mage SystemDonde viven las historias. Descúbrelo ahora