43-My Mage System

676 97 6
                                    

Umiiyak ang isang lalaki habang pinapatahan ng mga Floranian. "Rodolfo, ano ba kasing nangyari at para kang namatayan kung makaiyak," saad ng isang ginang. Humikhikbi pa ito. "K-Kasi si L-Lux, nakita ko siya sa bakanteng lote nakahiga at wala ng buhay. Nagkalasog-lasog ang mga katawan nito. Ayaw ko naman itong hawakan baka ako pa ang masuspektahan," umiiyak na saad nito. Napasinghap ang mga nakaranig sa kaniya.

"Totoo ba iyang sinasabi mo?! Aba't kailangan ito malaman ng Ina niya!" saad ng ginang.

"Kaya nga nagmamadali akong pumunta rito dahil gusto ko sanang ipaalam sa inyo ang nangyari," saad ni Rodolfo.

"Tayo na at ipaalam ito kay Jonah!" saad ng ginang kanina. Agad silang tumayo at naglakad patungo sa bahay nila Jonah.

Nang makarating, kumatok sila sa pintuan na parang wala ng bukas. "Sino ba iyang kumakatok?! Magigiba pintuan namin niyan!" galit na sigaw ni Jonah sa loob ng bahay. Agad ding bumukas ang pinto. Nang makita ang kayraming Floranian ay napakunot noo ito. "Anong kailangan niyo? Bakit ganiyan ang itsura niyo?" kunot noo nitong sambit habang pinagmamasdan ang mga malumbay nilang mukha at meron ding mga umiiyak.

"J-Jonah, ang Anak mo," umiiyak na saad ni Rodolfo.

"Inay, ano bang nangyayari diyan? Bakit ang ingay?" At agad itong lumapit sa pintuan. Napasinghap pa ang Floranian sa nakita.

"A-Ano..." halos mawalan ng dugo si Rodolfo nang makita ang presensya ni Lux.

"Rodolfo, hindi ba't sinabi mo na nagkalasog-lasog ang katawan ni Lux doon sa bakanteng lote? Bakit nandiyan siya at maaayos ang kalagayan?"

"Nangti-trip ka ata e. Tayo na nga mga kasama, nasayang lang ang oras ko sa pagpunta rito."

"Kainis ka naman, mahal, nasira tuloy ang beauty rest ko."

Halos isumpa na nila si Rodolfo dahil sa pagsasayang ng oras nito sa kanila. Samantalang, tuod naman siya habang nakatingin sa nakatayong si Lux. Wala kahit anong galos sa makinis nitong mukha. Nag-sialisan na rin ang mga tao sa tapat ng kanilang bahay habang nakatulala lang ang matanda habang tinititigan ang anyo ng bata.

"Rodolfo, malalim na ang gabi. Umuwi ka na at matutulog na rin kami. Marami pang gagawin bukas!" Agad binalibag ni Jonah ang pintuan.

"Anak, matulog na tayo."

"Sige, Inay."

Flashback

Napakahimbing ng tulog ni Lux nang biglang may pabulusok sa kaniyang malaking bola na mahika. Papalapit na ito sa kaniya pero hindi pa rin siya gumagalaw.

Alert!

Host is endanger!

Agad siyang napamulat sa mga mata pero huli na ang lahat dahil tumama na sa kaniyang katawan ang malakas na atake. Nagdulot ito ng malakas na pagsabog at naglikha ng makapal na hamog.

Nang unti-unting mawala ang hamog ay kita ang nagkalasog-laso na katawan ni Lux pero makikitang unti-unting bumabalik sa normal na anyo ang kaniyang katawan hanggang sa tuluyan na itong nabuo. Walang kahit na mababakas na galos o sugat sa kaniyang katawan.

Bumangon siya sa pagkakahiga at kita sa kaniyang mukha ang poot sa gumawa nito sa kaniya. "Kung sino ka man humanda ka sa akin," nanggagalaiting saad niya habang nakakuyom ang mga kamao.

"Layla, kaya mong i-inspect ang lugar baka hindi pa nakakalayo ang gumawa no'n sa akin."

Analyzed...

Inspecting nearby places...

Agad kumalat ang transparent na enerhiya sa kapaligiran.

Someone is found...

My Mage SystemWhere stories live. Discover now