50

1K 123 16
                                    

Sa patag na daan, na pinapagitnaan ng malawak na patag na palayan, makikita ngayon ang isang magarbong kalesa na may dalawang puting kabayo at dalawang nagmamaniubra nito. Sa loob ng kalesa ay may dalawang matandang lalaki na masinsinang nag-uusap.

"Sa tingin niyo kapitan, makakapasok kaya agad tayo sa palasyo?" saad ni 1st Elder Jose. Siya ay isa sa alipores ni Kapitan Zoro.

Nakasuot siya ng magarbong kasuotan. Isang maitim na tuxedo na may puting sapaw sa ilalim. Suot niya ang black slacks at black shoes. May nag-iisang eye glass pa siya sa kaniyang kanang mata. Nasa bandang likuran siya ng mga nagmamaneho habang nasa kaniyang harapan ay nakaupo si Kapitan Zoro. Nakasuot ito ng diretsong kasuotan na kulay puti na may kung ano-anu pang mga disenyo at nakaburdang mga dyamante.

Seryoso lamang na tumitig si Kapitan Zoro sa kaniya at biglang nagsalita, "Makakapasok tayo magtiwala ka lang. Maganda ang motibo natin at sigurado akong agad tayong papahintulutan papasok dahil sa maganda nating ibabalita."

Agad tumugon si Elder Jose, "Pero, kapitan, alam niyong hindi agad nagpapapasok ang mga kawal hangga't walang pahintulot sa mga opisyales ng kaharian."

Biglang napakunot noo si Kapitan Zoro, "Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagkumbinsi sa'kin nito. Huwag kang mag-alala may alas tayo. Ikaw na rin ang nagsabi na kapag gagamitin natin si Vina ay agad tayong makakalapit sa hari. Alam naman ng lahat na isa siyang kriminal at may mabigat na kasalanan sa hari. Kung sasabihin nating alam natin ang kaniyang lokasyon ay hindi magdadalawang isip ang mga kawal na tayo ay papasukin." At saka ngumisi.

Si Vina ay ang matandang tinulungan ni Lux na isang alchemist.

Napabuntong hininga nalang si Elder Jose, "Kinakabahan kasi ako kapitan. Pakiramdam ko hindi tama ang pagpunta natin ngayon sa palasyo. Kung ipagmaliban nalang kaya natin ito? Sa susunod nalang na araw tayo pupunta ro'n."

Sininghalan siya ni Kapitan Zoro. "Ano bang pinagsasabi mo?! Malapit na tayo sa palasyo! Wala ng atrasan 'to!" matalim ang titig nito kay Elder Jose hanggang sa napatingin ito sa labas ng kalesa.

Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa'min.

Huminto ang kalesa sa tapat ng napakagarbong, napakataas, at napakalawak na tarangkahan ng palasyo. Ito ay gawa sa ginto at matitibay na mga minerales kagaya ng diyamante, rubies, at amethyst. Pang-tunnel style ang disenyo nito at sa bawat gilid ay may walong mala-robot na mga kawal na nakatayo. Para silang mga monika, ni paghinga at kaunting galaw ay hindi mo makikita at mapapansin. Medyo malayo-layo ang distansya ng bawat kawal.

Bawat isa sa kanila ay nakasuot ng matibay at kumikinang na silver armor, boots at headdress na pinalamutian ng gintong pakurba sa bawat gilid nito. Hawak nila sa kanilang kanang kamay ang napakatanyag na spear na gawa ng isang Grandmaster Blacksmith.

Bumaba si Kapitan Zoro at 1st Elder Jose sa kalesa. Naglakad sila papunta sa tarangkahan at nang isang dangkal nalang ang kanilang lapit ay tila may dumaan na isang malakas na hangin na siyang naglikha ng hamog at nagbabalakid sa tanawin ng tunnel.

Inimbay ni Kapitan Zoro ng kaniyang kamay at nanlaki ang mga mata sa nakita. Hindi ito makapaniwala dahil napakalayo ng puwesto ng bawat kawal. At ngayon ay makikita silang nakatayo sa gitna ng daanan habang naka-ekis ang spear sa isa't isa.

Nanginig naman sa takot si Elder Jose. Kumapit siya sa braso ni Kapitan Zoro. "Kapitan..." mababakas sa boses nito ang kaba.

Galit na nagsalita si Kapitan Zoro at marahas na iwinakli ang kamay ni Elder Jose. "Bitawan mo ako!" Parang tuta naman si Elder Jose na bumitaw sa yakap kay Kapitan Zoro. "Kapitan!" mangiyak-ngiyak na saad nito habang nakatitig sa mga nakatayong kawal sa harapan nila.

My Mage SystemTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang