44-My Mage System

745 97 2
                                    

Nakahiga si Lux ngayon sa kaniyang kama habang nag-iisip.

Bakit mo ba pino-problema ang tungkol sa paghire ng guro? E, puwede namang ikaw ang magturo. Marami kang alam dahil napag-aralan mo iyon noong nandoon ka sa Illicitus.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang marinig ang sinabi ni Layla. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata at biglang ngumiti na parang baliw. "Oo, nga noh? Bakit hindi ko agad naisip iyon?" saglit siyang napahinto sa pagsasalita at nag-isip.

Nakahawak siya sa kaniyang baba at hinihimas ito. "Hindi ako magtuturo sa kaniya kung hindi iyong mga noble na impostor," sabay ngisi.

Talaga bang ipagpapatuloy mo ang pagbe-brain wash sa Floranian? Masyado kang unfair sa side nila, samantalang, iba ang iniisip ng nasa taas sa kanila.

"Isa iyon sa plano ko, ang magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng nasa itaas at mababang uri ng tao. Lahat tayo ay may karapatan at pantay tayong lahat. Kaya magsisimula ako sa angkan ko."

Wala ka na sa filipinas Lux, hindi ito kagaya ng iniisip mong demokrasya. Ang mundong ito ay iba sa mundo mo.

"Alam ko naman iyon pero gagawin ko pa rin ang nais kong gawin. Wala namang masama kung puputulin ko ang nakasanayan ng mga tao rito. At saka para rin naman ito sa kabutihan ng lahat."

Sana lang magtagumpay ka sa nais mo. Kung hindi ay ikapapahamak mo iyan.

Nagpatuloy ang lahat sa pagtulong para mabuo ang paaralan at natapos nga nila ito ng isang buwan. "Sa wakas, natapos din!" sigaw ni Lux. Bakas din sa mukha ng Floranian ang galak.

Biglang lumutang si Lux sa harapan ng Floranian. "Ngayong tapos na ang paaralan natin ay guro nalang ang kulang." Pagkatapos sabihin no'n ay inimbay niya ang kaniyang kamay at lumitaw ang lagusan sa kaniyang giliran. Doon nagsilabasan ang 50 ka tao. Nagsitalon paibaba ang mga nilalang na kalalabas lang sa lagusan.

"H-Hindi ba at sila ang mga noble clan na laging bumibili sa ating palengkehan?" hindi makapaniwalang saad ng matandang lalaki na nasa mid 50s. Bakas sa mukha ng Floranian ang galak sa nakita.

Biglang nagsalita si Lux. "Sila ang mga hinire kong magtuturo sa atin!"

Napasinghap ang buong Floranian sa narinig. May iba na nalilito, masaya at halo-halong emosyon.

"Salamat Lux! At saka mabuti na lang napayag mo sila na magturo sa ating lugar ang alam kasi namin ay basura ang tingin nila sa kagaya natin," saad ng matandang lalaki na nasa 50s.

Biglang sumabat ang kaniyang Ina. "Anak, paano mo sila napapayag? At saka, hindi ba at may malakas na pananggala kang ginawa para hindi makapasok ang nga nilalang dito? Ano ang nangyari?" nagsimula na ring magtaka ang lahat.

"Gamit ko ang lagusan na ito. Nakakalabas-masok ako kahit may barrier dito.

Nagsigawan sila sa saya. Napangiti nalang din siya nang makita ang ngiti sa mga labi ng Floranian. "Sa susunod na linggo pa ang pasukan ng paaralan. Lahat ng batang gustong mag-aral ay pag-aaralin ko. Si Inay ang aatasan ko para sa pag-eenroll sa mga bata. May pagsusulit na magaganap pero huwag kayong mag-alala dahil susuriin lang nito ang kakayahan ng isang bata." May isang matandang lalaki na nagtaas ng kamay.

"Paano kapag hindi nakapasa ang kakayahan ng Anak ko? Hindi na ba siya makakapasok?"

Ngumiti si Lux. "Huwag kayong mag-alala dahil mahina man o malakas ay tatanggapin ko. Ipinatupad ko lang iyon para mas madali kong maayos kung saan nabibilang ang kanilang kakayahan."

Nagsalita ang kaniyang Ina. "Ano ba ang mga pagsusulit na ipapatupad mo, Anak?"

Nakatitig sa kaniya ang lahat habang hinihintay siyang magsalita. "May dalawa akong ibibigay na pagsusulit. Una, susuriin ko ang kanilang kakayahan sa larangan ng mahika. Pangalawa, susukatin ko ang kanilang lakas. Iyon lang." Nagkibit balikat siya habang nakataas ang kamay.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon