37-My Mage System

674 111 3
                                    

Nakasuot ng puting kapa hanggang paa si Lux. Nakatabon ang hood ng kapa sa kaniyang ulo. May napapatingin sa kaniya at confident naman siyang hindi siya kahina-hinala.

Isang oras na rin siyang naglalakad at nagmamasid sa paligid. Maayos naman ang mga tinda ng bawat stall sa palengkehan ng kapitolyo. Naaaliw na rin siya dahil para lamang siyang nagwi-window shopping.

Marami siyang nakita may nagtitinda ng sandata, pills, potions, damit, baluti, aklat, interspatial ring, mga pagkain, at iba pa. Habang naglalakad ay nahagip ng mga mata niya ang isang matandang babae na puti ang buhok at isang batang babae na nasa edad singko.

"Lola, gutom na po ako," maiyak na saad ng batang babae. Ngumiti ang matanda.

"Huwag kang mag-alala apo. Pagmabenta na natin itong mga pills, at potions ay bibili na tayo ng pagkain. Ha?" pagkukumbinsi ng matanda sa apo. Napasimangot ang batang babae at biglang tumunog ang tiyan nito.

Tumawa ang batang babae. "Kaya ko pa po, Lola. Sige na po ibenta na natin itong mga gawa mo, Lola." Kita sa mukha ng matanda na pilit lang nitong ngumiti pero sa loob nito ay naiiyak na para sa apo.

Patuloy lang si Lux sa pagmasid ng dalawa. Sinundan niya ito kung saam sila magpunta.

"Iho, sige na bilhin mo na itong mga gawa ko," pakiusap ng lola sa isang lalaking mid 40s.

"Pasensya na pero meron na ako niyan. Humanap ka na lang ng ibang bumili niyan," saad ng lalaki. Nakiusap pa ito pero tinaboy kang ito ng lalaki.

Patuloy si Lux na sumunod sa dalawa hanggang sa hindi niya namalayan ay dapit hapon na pala. Tumunog na rin ang kaniyang tiyan.

"Hindi ko namalayan ang oras at maggagabi na pala. Gutom na rin ako." Napatingi si Lux dalawang matanda.

"Lola, pagod na po ako."

"Sige, apo. Upo muna tayo." Nagtungo sila sa isang upuan at doon umupo. Nakita niyang napapangiwi ang bata habang nakahawak sa tiyan nito. Maya-maya ay narinig na naman niya ang pagtunog ng tiyan nito.

Naawa si Lux kaya lumapit siya. "Ah, Lola, kayo po ba ang may gawa nito?" saad ni Lux tukoy sa dala-dalang basket ng matanda.

"Ah, oo, iho. Kanina pa nga kami ng apo ko naghahanap ng bibili nito kaso wala. Pagod na rin ako pero tiniis ko kang para sa apo ko para may pagkain kami."

"Nasaan ho ang pamilya niyo?"

"Ay, kami lang dalawa ng apo ko, iho. Matagal na rin simula nang mawala ang aking asawa at ang mga anak ko na magulang ng apo kong ito," saad ng matanda sabay himas sa ulo ng bata.

Pasimpleng kumuha ng kung ano si Lux sa bulsa niya at paglabas ng kamay niya ay makikita ang isang tinapay. "Ano ang pangalan mo?" tanong ni Lux sa bata sabay lapit ng mukha niya rito.

Natakot naman ang bata at kumapit sa lola niya. "Apo, hindi ka niya sasaktan. Nagtatanong lang siya sa pangalan mo. Laira, ang ngalan niya iho."

Inilahad ni Lux ang tinapay sa harapan ni Laira. "Sa iyo na ito. Alam kong kanina ka pa nagugutom."

"Laira, hindi ba't nagugutom ka na? Huwag mo ng tanggihan ang biyaya. Salamat nga pala iho." Dahan-dahan inabot ni Laira ang tinapay. Nang makuha ang tinaoay ay sumoksok na naman ito sa lola niya.

[Conjuring]
Kumuha rin si Lux sa bulsa niya at ibinigay ang tinapay kay Lola. "Salamat, iho." Ngumiti lang si Lux.

"Lola, gusto niyo po roon nalang kayo sa village namin. Mas mapapabuti ang lagay niyo roon kasama ang apo niyo."

"Ah, huwag na iho. Salamat sa alok mo. Napamahal na rin ako sa bahay namin kahit kami lang dalawa. Kaya ko pa naman buhayin ang apo ko. Matumal lang talaga ngayon."

My Mage SystemWhere stories live. Discover now