34-My Mage System

1.4K 270 39
                                    

Maraming Floranian ang nasa labas ng Hall of Office. Nakikinig at nag-uusisa sa nagaganap sa loob.

"Ano na kaya ang nangyari kina kapitan? Sana maayos lang sila," nag-aalalang sambit ng ginang.

"Sa tingin mo magiging maayos pa sila? E, ang lalakas ng panig nila Kapitan Zoro. Hindi kakayanin nina Kapitan Elizar ang puwersa ng kalaban."

Biglang naputol ang talakayan nila nang biglang nagsilitawan ang limang alipores sa labas ng Hall of Office. Napaatras ang mga Floranian. Kaba, takot, at taranta ang naramdaman nila nang makita ang limang alipores.

Gustuhin man nilang kumilos pero parang napako ang kanilang mga paa. Para silang binuhusan ng malamig na yelo, ni paghinga ay nahihirapan silang gawin.

Nakalutang sa ere si Elder Ali. Kahit na matanda na ay makikitaan pa rin ng kakisigan at kagwapuhan ang kaniyang postura. Sinasayaw ang magarbong kasuotan nito dahil sa matinding hangin na nakapalibot sa kaniyang katawan.

Sa ibaba nito ay ang apat niyang kasama na sina Elder Jose na napalilibutan ng maraming bultahe ng kuryente sa katawan at mga matang kumikislap dahil sa tindi ng kuryente.

Si Elder Gregor na napalilibutan ng mga nakalutang na naglalakihang mga bato. Siya lamang ang natatanging kayumanggi sa kasamahan niya dahil halos ang iba ay may kaputian.

Halos mapunit na rin ang damit nito dahil sa napakalaki ng kaniyang tiyan.  Isa siyang tabatchoy dahil sa lakas nitong kumain.

Si Elder Morre na napalilibutan ng mga nakalutang na apoy. Kung si Elder Gregor ay may kulay ng balat na kayumanggi, siya naman ay matatawag na negro. Iyong balat na halos pumantay na sa kulay ng uling.

Kung nagpaulan ng kagwapuhan si Lord. Siya naman ay tulog na tulog no'n kaya hindi man lang siya nakasalo kahit isang magandang pisikal na kaanyuan. Pangit na nga payat pa.

Pero, 'wag kayo dahil biniyayaan naman siya ng maladiyosang asawa. At sa kabutihan naman ng Panginoon ay sa asawa rin niya nagmana ang kaniyang mga Anak.

Si Elder August na napalilibutan ng mga naglalakiha't nagliliitan na mga snowflakes. May elecrtic blue hair and eyes. Isa rin siya sa biniyayaan ng kagwapuhan at kahit na matanda na ay makikitaan pa rin ang kakisigan sa pangangatawan nito.

"Mukhang na-miss kong maglaro... Maglaro muna tayo ng tagu-taguan... Magbibilang ako ng sampu at pagkatapos no'n ay hahanapin ko kayo. At kung sino iyong mahahanap ko ay siyang papaslangin ko. Hindi ba't ang ganda?" malademonyong ngisi ni Elder Jose.

Hindi pa man nagsisimulang magbilang ay agad nang nagsitakbuhan na may kasamang sigaw ang Floranian. Nagagalak naman ang limang alipores sa nasaksihan nila.

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo..."

"Sampu."

"Doon kayo." Turo ni Elder Jose sa kaliwang banda. "Roon kayo." Turo nito sa kanan.

Nagsimula na silang kumilos. Sa kaliwa ay sina Elder Ali at Morre, samantalang, sa kabila ay sina Elder Gregor at August habang diretso lang ang lakad ni Elder Jose.

"Nasaan na kaya sila?" seryosong saad ni Elder Morre.

"Ang tahimik ng lugar ha. Ang bilis nilang makatago," nakangising sambit ni Elder Ali at humalakhak nang matapos magwika.

Patuloy lamang silang naglalakbay ngunit ni isang presensya o kahit ingay man lang ng Floranian ay walang mababakas.

"Ang galing niyo namang magtago!" mapanuyang sigaw ni Elder Ali.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now