46

712 101 3
                                    

"Lilinisin ko muna ang lugar na ito bago ito mapakinabangan ng aming angkan," saad ni Lux habang nakatingin sa mga kabahayan ng Hush Village.

Itinaas nito ang kamay at bumuka ng pabilog ang itaas na barrier. Nakaharap ang kaniyang palad sa kalangitan. Maya-maya ay bigla nalang dumilim ang ulap at nagsimula na ring kumulog. Unti-unting bumuhos ang pinong ulan sa ibaba hanggang sa lumaki ang butil ng tubig at marahas na itong bumulusok sa timogang bahagi ng Hush Village.

Sa hilagang bahagi ng Hush Village ay hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa nakikitang maitim na kalangitan sa timogang bahagi ng kanilang village. Ang ibang naglalakad ay nakakunot noo habang nakatitig sa kalangitan. Ang iba ay sinadya talagang huminto sa kanilang ginagawa para lang tingnan ang nakakapangilabot na kalangitan. May nalilito, nangangamba, at hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Nakikita niyo ba iyan? Isa ba iyang signos na may paparating na kapangi-pangilabot na mangyayari sa hinaharap?" Saad ng matandang lalaki sa loob ng kaniyang tindahan habang nakaturo sa maitim na kalangitan.

"Marahil ay signos ito na galit ang diyos sa atin at gusto niya tayong parusahan," saad ng ginang habang nanginginig sa takot.

"Ano ba iyang sinasabi niyo? Sigurado ako sa timogang bahagi iyan ng ating lugar. Hindi ba't may nangyari roon ngayon lang? May nakapagsasabi na isang bata raw ang nanggulo roon," sambit ng isang mamimili na katabi ng ginang.

"Hindi kaya siya ang sugo ng diyos para tayo ay parusahan?" napakaputla ng mukha na ginang na para bang mahihimatay na ito.

"Masyado kayo mag-isip. Marahil isa lamang iyong sugo sa kabilang village para manghimasok sa ating lugar," saad ng matanda na katabi ng ginang.

"Dapat malaman agad ito ni kapitan at ng elders para agad nilang bigyan ng sagot ang mga tao rito sa Hush Village. Hindi lang ito simpleng pangyayari dahil sigurado akong kagagawan ito ng diyos," nangagambang saad ng may-ari ng maliit na tindahan.

Maririnig ang malakas na kulog sa paligid. Unti-unting lumitaw ang marahas na hangin sa paligid ng timogang bahagi ng Hush Village. Maririnig ang mga bubong ng bawat kabahayan na habang nagtaas-baba ito. Nilipad ang mga telang nakasampay sa bubong, pati na rin ang mga maliliit na lamesa sa labas ng kabahayan.

Lumakas nang lumakas ang ihip ng hangin sa paligid hanggang sa nilipad ang bawat bubong ng kabahayan. Kahit ang mga bagay sa loob ng nilipad na bubong ay natangay ng hangin. Maririnig ang malakas na bugso ng hangin sa paligid pero nanatili lamang nakatayo si Lux habang nakataas ang kamay.

Hindi man lang nakikitaan ng kahit anong takot na emosyon sa kaniyang mukha. Seryoso lamang siya habang nakatingin ng diretso. Dahil sa tindi ng bugso ng hangin ay marahas na sinasayaw ang kaniyang asul na buhok at ang suot niyang kapa.

Unti-unting sumilay ang nakatitindig balahibo na imahe ng kidlat sa kalangitan. Parang ang bigat ng pasan ni Lux habang marahas na inimbay paibaba ang nakataas na kamay. Kasabay nito ay ang pagbulusok ng kayraming nakakapangilabot na kidlat sa buong lugar.

Lahat ng natamaan nito ay talagang nawasak ng walang kahirap-hirap. Kahit ang matitibay na sementadong kabahayan at pulidong daanan ay walang panama nang tamaan ito ng kidlat.

Lahat ay parang sinasadyang wasakin para sa pagbabago ng lugar. Tumingala siya sa kalangitan kasabay nang pagtaas ng kamay. Para namang may sariling utak ang mga wasak na bagay at kusang lumutang papunta sa himpapawid.

Unti-unting nagdikit ang mga wasak na bato at kahoy sa ere hanggang sa nabuo ang isang napakalaking bilog. Pinitik niya ang kamay at biglang lumitaw ang maliliit na lilang apoy na nakapalibot sa bilog.

Lumapit ang maliliit na apoy sa bilog hanggang sa dumampi ito. Unti-unting kumalat ang apoy hanggang sa nilamon ang bilog. Makikitang nalulusaw ang mga bato at kahoy at wala man lang bakas na nahuhulog ito paibaba.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon