40-My Mage System

780 114 10
                                    

Makikita ngayon si Lux sa sulok na natatabunan ng mga Floranians. Sa gilid niya ay sila Vina, at ang apo nitong si Lira. Agad nilingon ng matanda si Lux. Nakita niya ang malungkot nitong ekspresyon habang nakikinig sa mga usapin galing sa angkan niya.

Biglang lumitaw sa gilid ni Lux ang itim na lagusan. Hinawakan niya ang kamay ng maglola at isinabay sa pagpasok sa lagusan. Agad din itong nagsirado.

Iniluwa sila mismo sa lupain kung saan makikita ang kaygandang tanawin. Napakadaming naggagandahang halaman sa paligid. Kahit paano ay gumaan ang kalooban ni Lux.

"Kalimutan mo na ang sinabi nila. Hindi talaga natin mapipigilan ang mga ibibigkas nila lalo't nakaramdam sila ng takot at kawalang pag-asa. Mare-realized din nilang mali sila sa sinabi sa iyo at ang dapat mo lang gawin ay magpatuloy sa gawain na sa tingin mo ay tama," habang sinasabi ito ng matanda ay hinihimas din nito ang ulo ni Lux para pagaanin ang loob.

"Nakita mo na ba sila?" tukoy ni Kapitan Elizar sa landindalawang elders. Umiling lang sila.

"Kanina pa namin hinalughog ang buong Flora Village pero walang bakas nila," saad ni Elder Miya.

"Nawawala rin ang Anak ko. May kutob akong kasama niya ito," saad ni Kapitan Elizar.

"Isa nalang ang hindi pa natin napuntahan, ang House of Gardens. Baka nandoon sila," saad ni Elder Tobias.

"Tara!" sambit ni Elder Rufo.

Nang mapuntahan nila ay nakita nilang masinsinang nag-uusap si Lux at si Vina. "Nandito lang pala kayo. Tinakot niyo kami," saad ni Elder Miya. Napabuntong hininga pa ito dahil napanatag ang loob.

"May sasabihin ako sa inyo," nakatitig si Kapitan Elizar kay Vina. "Huwag tayo rito mahirap na baka may nagmamanman lang sa paligid," pagkatapos sabihin iyon ni kapitan ay agad ding naglakad palayo. Sumunod din ang elders, at sila Lux.

Sa silid pagpupulong...

"Narinig ko na ang kuwento mo Vina kaya nararapat lamang na hindi ka isumbong baka mapahamak pa kayo ng apo mo. Nakapagdesisyon akong dumito na lang kayo. Alam kong mapanganib pero may mabigat akong rason," saad ni Kapitan Elizar.

"Kung iyan ang pasya mo kapitan ay wala akong tutol. Ang dapat lang nating gawin ay patatagin ang ating puwersa sakaling may magtangkang salakayin tayo," saad ni Elder Miya.

"Kaya dapat maaga pa ay simulan na natin ang pagpapalakas," saad ni Elder Rufo.

Tumayo si Lux sa kaniyang upuan. "Lulubos-lubosin ko na ang pagtulong. Mapagkakatiwalaan naman kayo kaya bibigyan ko kayo ng lugar kung saan hindi kayo madidistorbo. Tsaka, ako na rin ang bahala sa magtatangkang pumasok sa Flora Village ng walang pahintulot."

"Hindi maaaring sabay-sabay tayong mag-ensayo. Mahirap kung walang matira ditong elders na siyang magtatanggol sa mga Floranians," saad ni Elder Tobias.

Biglang tumayo si Vina. "Pasensya na kayo kung sumali ako sa inyo. Sana ay pakinggan niyo ako maaari ba?"

"Walang problema. Mas maraming tao, mas maraming ideya ang makukuha natin," saad ni Kapitan Elizar.

"Ang payo ko ay sundin nalang natin ang gusto ni Lux. Nalimutan niyo na ata na siya ang sumagip sa inyo sa mga kamay ni Zoro. Ako na ang bahala sa paggawa ng pills na gagamitin niyo sa pagpapalakas," saad ni Vina.

"Tama nga naman siya," saad ni Elder Tobias.

"Kung susundin natin ang gusto ni Lux. Masisiguro ba ang kaligtasan ng buong Flora Village?" saad ni Elder Miya.

"Teka lang! Huwag niyo ngang pagkaisahan si Lux. Kahit bata siya ay alam kong matalino siya at may mga kakaibang kakayahan. Ang problemahin niyo ay ang lugar kung saan tayo mag-eensayo na hindi tayo na-iistorbo," saad ni Elder Tobias.

My Mage SystemHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin