30-My Mage System

1K 189 14
                                    

Himbing na natutulog si Lux sa kama nang may biglang malalakas na katok ang maririnig sa bahay nila Kapitan Elizar. Agad lumabas ang mag-asawa sa pinakapinto ng kanilang bahay. Nang mabuksan ang pinto ay bumungad ang naghihingal na binata.

"Kapitan, nandito ang Arizona Family!" saad ng binata habang habol ang hininga. Sumeryoso ang mukha ni Kapitan Elizar samantalang gulat ang reaksyon ng kaniyang asawa.

Agad lumabas ng bahay ang mag-asawa. Mabilis ang lakad nito patungo sa mga panauhin habang ang binata ay naghahabol sa likuran nila.
Nang makita ang mga panauhin ay umasim ang mukha ni Kapitan Elizar.

"Kaibigan, nandiyan ka na pala," mapagkunwaring bati ng lalaking nag-eedad sa mid 40s. May kasama itong limang alipores na mas nakatatanda sa kaniya ng ilang taon.

"Ano na naman ang kailangan mo rito, Kapitan Zoro ng Hush Village?" nakakunot noong saad ni Kapitan Elizar.

Bahagayang napatawa si Kapitan Zoro sa inasal ni Kapitan Elizar. "Alam mo na ang ipinarito ko kaibigan. Ano may sagot ka na ba?" pagkatapos sambitin ni Kapitan Zoro ang mga katagang iyon ay ang pagdating ng mga Elders ng Flora Village. Labing dalawa ang bilang nila. Lahat sila ay nasa mid 60s.

"Pareho lang ang sagot ko sa tanong mo. Hindi. Hindi ako makapapayag na ibenta ang lupain dahil pagmamay-ari itong ng mga mamamayan ng Flora Village," pagmamatigas na saad ni Kapitan Elizar.

Isa sa elders ang nagsalita. "Kapitan Zoro, bakit ka ba paulit-ulit ng pagpunta rito gayong paulit-ulit ka rin naming pinagsasabihan na wala kang mapapala sa amin. Hindi ka ba makaintindi o sadyang wala ka lang talagang utak," malditang saad ni 1st Elder Gwen.

Nakasuot ito ng isang lilang tela na parang pang-assassin at nagsusumigaw ang mala-cleavage nito na may pa-see-through pa at kitang-kita ang malaporselanang balat.

Naka-ponytail ang pulang buhok nito habang sa giliran ng bewang nito ay naka-angkla ang Katana Sword. Nasa edad na 70 na siya pero napaka-sexy at malusog pang tingnan.

Napakunot noo naman si Kapitan Zoro sa kung paano ito sumagot.  "Kahit baon na kayo sa utang? Saan naman kayo kukuha ng ipagbabayad nito? Kung ako sa inyo ay ibebenta ko na lang ang walang kuwentang lupa na ito. Mas mabuti ng mapakinabangan ang lupang 'to kaysa ginagamit niyo pero wala naman kayong kinikita," aroganteng saad ni Kapitan Zoro.

"Aba't!" Galit na turan ni Elder Gwen at hahablutin na sana ang katana sa kaniyang giliran nang pigilan siya ni Kapitan Elizar. "Ako ng bahala rito."

"Ikaw na nagsabi wala itong kuwenta kaya makakaalis ka na," bruskong saad ni Kapitan Elizar.

"Hindi ako aalis rito hangga't hindi ko nakukuha ang lupain na ito!" pagmamatigas na saad ni Kapitan Zoro at halos tumaas na ang boses nito.

"Huwag mo kaming pilitin na gamitan kayo ng dahas. Nandito kayo sa aming teritoryo kaya't pwede naming gawin ang nais namin," pananakot ni Kapitan Elizar.

Tumawa ng walang bukas si Kapitan Zoro kaya napatawa na rin ang limang alipores nito. "Ako ba'y tinatakot mo Kapitan Elizar? Baka nakakalimutan mong isa ka lamang 7th Star Knight Rank, samantalang, ako ay nasa 5th Star King Rank. Kahit na pagsasamahin niyo ang lakas ng labin dalawang elders niyo na may antas na 5th Star Knight Rank lamang ay kukulangin ang lakas niyo," saad ni Kapitan Zoro.

"Kaya't matakot kayo kung gusto niyong hamunin si Kapitan Zoro dahil siguradong sa abo ang punta niyo," nakangising saad ng isang alipores ni Kapitan Zoro at tumawa matapos magsalita.

Napakuyom ng mga kamao si Kapitan Elizar at ang mga Elder. Kahit ang mga mamamayan ng Flora Village ay hindi rin matago ang pagkamuhi at takot sa kapitan ng Hush Village.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now