20-My Mage System

1.1K 155 12
                                    

"Ngayon ay tatanggalin na natin ang mga pulseras," saad ni Timere at pagkatapos ay agad nalusaw ang mga pulsera sa mga kamay at paa ni Lux.

Napangiti siya ng malapad. "Napakagaan sa pakiramdam. Hindi naman ako nabibigatan sa mga pulseras pero iba pa rin ang gaan ng pakiramdam noong tanggalin ang mga pulseras. Salamat, Timere!"

Umatungal ang tigre. "Ngayon ay pagcu-cultivate na naman ang ating pag-aaralan. May ideya ka na ba tungkol dito?"

Tumango-tango siya. "Sa totoo lang nasubukan ko ng mag-cultivate. Pero hindi ko ito masyadong ginagawa kasi..."

Tumawa si Layla. Kasi busy ka sa paghuhunting ng mga 2nd grade vicious beast!

Pilit naman niyang huwag matawa sa sinabi ni Layla.

"Kung ganoon ay hindi na ako mahihirapan sa iyo. Hindi ko na ituturo kung paano mag-cultivate pero ang gagawin mo ay mag-cucultivate ka gamit ang mga pills na ito," saad ng tigre. Agad lumitaw sa harapan ni Lux ang isang bag. Inabot niya ito at binuksan.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa rami ng pills at potion sa loob. "A-Ang rami!" natutuwang sambit niya.

"Nandiyan ang Nourishing Pill, Enhancing Pill, at Breakthrough Pill. Alam mo naman kung para saan sila hindi ba?"

Tumango-tango siya. "Ang Nourishing Pill ay nililinis ang katawan ng isang tao at nilalabas ang mga dumi sa loob. Dahil dito ay mas madaling nakakapasok ang life energy sa katawan ng adventurer. Tama po ba?"

"Tama."

Agad din siyang nagsalita muli. "Ang Enhancing Pill ay pinapalakas ang katawan ng adventurer para mas lumawak ang kaniyang life space o sisidlan ng life energy. Tsaka, ang Breakthrough Pill ay para magbreakthrough sa antas at sa life space ng isang adventurer. Tama po ba?"

Pumalakpak ang tigre. "Magaling! Talagang nakikinig ka sa guro mo!"
Huminga ito ng malalim tsaka nagsalita ulit. "Bibigyan kita ng tatlong buwan para mag-cultivate. Aasahan ko sa pamamagitan ng mga binigay kong pill ay agad uusbong ang iyong lakas. Binibigyan kita ng karapatan kung saang lugar mo gusto mag-cultivate. Bibigyan kita ng proteksyon para ikaw ay hindi magambala," dagdag na saad nito.

Napangiti si Lux. "Salamat sa binigay mong mga pill. Gusto ko sanang sa mismong silid nalang ako mag-cucultivate at sana ay hindi ako madistorbo. Maaari po ba iyon?"

Nanlaki pa ang mga mata ni Timere. "Hindi ko inaasahan ang iyong sagot. Akala ko pa naman ay magtatanong ka sakin kung saan mas mainam mag-cultivate. O, siya kung iyan ang hiling mo ay hindi ko ito hahadlangan. Sasabihin ko rin sa iyong Ina ang iyong pasya. Tayo na't umuwi sa kubo." Agad silang naglakbay pabalik sa village.

Pagkauwi sa kanilang kubo ay agad siyang pumasok sa kaniyang silid at sinarado ito. Binuksan niya ang lagusan at pumasok sa Paradise World.

"Layla, huwag mong hayaang madistorbo ang aking paglilinang ha?"

Akong bahala sa iyo. Walang makakalapit na vicipus beast habang ika'y nagcu-cultivate.

Kumuha siya ng sampung Enhancing Pill at agad itong ininom. Pinikit niya ang mga mata at ipinokus ang sarili sa paligid. Naging isa siya sa paligid. Agad niyang nakita ang mga malalaking bilog na liwanag sa paligid.

Agad niyang hinigop ang mga nagkikislapang mala-bituin sa langit. Tagaktak ang kaniyang pawis habang hinihigop ang nga life energy sa paligid. Naramdaman niyang nagvivibrate ang kaniyang life space na ibig sabihin ay mapupuno na. Agad siyang nagdilat ng mga mata.

Tagal ng pagtulog mo ah.

Napakunot noo siya. "Anong matagal, e parang minuto lang ang pagpikit ng mga mata ko."

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon