45

848 110 9
                                    

"Inay, pumapayag na ba kayo sa alok ko?" tanong ni Lux sa kaniyang Ina.

Nilunok muna nito ang pagkain 'tsaka tinugon ang Anak. "Napag-isip-isip kong ginagawa mo ang lahat para sa pagbabago sa ating lugar. Kaya gusto ko ring tumulong at papayag na akong mamahala sa paaralan."

Ngumiti si Lux. "Salamat, Inay!"

"Una na kayo, Inay," sabay senyas sa kaniyang Ina na pumasok sa lagusan. Agad naman itong pumasok at sumunod na rin siya.

Iniluwa sila sa malaking damuhan ng paaralan. "Wala pang estudyante. Handa ka na ba sasabihin mo?" tumitig ang kaniyang Ina sa kaniya.

Napalunok siya ng laway. Hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Hindi siya nakapag-practice sa kaniyang sasabihin dahil mas gusto niyang impromptu. "Hindi ako naghanda kagabi dahil may nakapagsabi sa'kin na mas bukal daw ang sasabihin ng isang tao kapag ura mismo itong magsasalita sa harap ng mga madla."

"Pero mas maganda pa rin kung pinaghandaan mo ito dahil marami kang oras para ayusin ang mga salita mo at kung paano mo ito ilahad sa mga tao na iyong mas kaaya-ayang pakinggan," saad ng kaniyang Ina.

"Bahala na kung anong masabi ko iyon na iyon."

"Wala pa ang mga estudyante. Maaari bang ipasyal mo ako sa buong paaralan? Ang huling kita ko rito ay wala pa itong mga palamuti."

Ngumiti si Lux. "Sige, 'Nay, sigurado akong maaaliw ka."

Nilibot nila ang buong paaralan. Pinakita niya ang bawat silid pati ang opisina niya at ng mga guro. Bakas sa mukha nito ang galak sa nakikita sa paligid. "Grabe ang ganda ng pagpalamuti mo sa paaralan, Anak, ngayon lamang ako nakakita ng ganitong paaralan."

Parang palasyo ang disensyo nito pero moderno ito tingnan dahil sa mga glass door at window sa bawat silid. Seryoso ang mukha ng Ina ni Lux habang binabasa ang nakadikit sa semento. Tumango ito. "Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko pero gusto kung gabayan mo ako Anak."

Tumango siya. "Sige, 'Nay." At pumasok na nga sila sa loob ng elevator.

Pinindot ng Ina niya ang 13 na numero. "Pipindutin mo lang ang numero kung ano saang palapag ka aakyat. Tama ba ako?" tumango naman siya.

Pagkalabas nila ay narinig nila ang mga ingay sa baba. At dumungaw sila at nakita ang mga masayang estudyante. "Andito na pala sila. Kailangan na nating bumaba."

Agad siyang tumalon sa 13 na palapag. "Hindi ba't si Lux iyan?! Ang astig talaga niya! Biruin niyo siya ang pakana ng paggawa ng paaralan na ito?" saad ng batang naka-uniporme habang bakas sa mukha ang ngiti at paghanga kay Lux.

Dumami nang dumami ang kabataan sa malawak na field. May malaking entablado sa dulo at nandoon si Lux. Nakahawak siya ng mikropono habang nagsasalita. Gusto niyang maranas ng bagong mundo niya ang mga bagay sa earth.

"Masaya ako dahil nakikita ko kayong naka-uniporme. Sana pagbutihan niyo ang inyong pag-aaral hanggang sa kayo ay magtapos. Ipakita niyo sa itaas na kaya niyong maging tanyag kagaya nila. Ipakita niyong malakas at may ibubuga kayo.

Huwag niyong kalimutan na lahat tayo ay pantay-pantay at may karapatan na mamuhay ng marangya sa mundong ito. Balang araw ay titingalahin ang Flora Village na lugar ng mga malalakas at matatalinong tao. Balang araw ay makikita kong gumagawa kayo ng pills, at potions. Maging isang tanyag na formation master o mahusay sa larangan ng blacksmith.

At sana, kung dumating ang araw na iyon ay manatili kayong mapagkumbaba. Ialis niyo sa isipan ng mga tao na kahit na tanyag na kayo ay kaya niyong maging mabait sa mas mababa sa inyo. Lagi kayong magpasalamat sa diyos o kung sino iyong tinitingalahan niyo kung bakit kayo nakarating diyan.

My Mage SystemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon