25-My Mage System

1K 169 19
                                    

"Muli na naman silang nabuhay," saad ni Sarah. Ang abo ng mga undead ay nagsimulang matipon hanggang sa nabuo ito muli. Nabuhay ulit ang mga undead.

"Kanina ko pa sila pinapatay pero nabubuhay lang ulit. Walang halaga kung papatayin lang sila. Dapat may maisip tayo kung papaano sila mapapatay ng tuluyan," saad ni Sarah.

Nakatingin ngayon si Lux kay Sarah at tumalikod sa kaniya para harapin ang mga undead. Seryoso ang mukha niya habang tintingnan ang mga naglalakad na undead sa kanilang gawi.

'Ano bang maaaring makapatay sa mga kagaya nila?' tanong niya kay Layla.

Sila ay mga kampon ng mga dark creatures na gumagamit ng dark magic kaya kinakailangan mong magkaroon ng holy magic panguntra rito.

Napakunot noo naman siya at nagbabakasaling may makita sa shop na gano'n. Hindi pa niya nabibili ang mga lahat ng skills. Habang nag-ii-scroll down sa skill/magic section ay nahagip ng kaniyang mata ang salitang Holy Magic.

"Ayon may Holy Magic!" napalakas ang kaniyang boses at narinig ito ni Sarah.

Narinig niyang nagsalita ito sa kaniyang likuran. "Oo, tama ka!... Holy magic ang kinakailangan natin para mapuksa ang mga dark creatures na iyan. Pero ang tanong... saan tayo makakahanap ng may ganoong mahika? Sa pagkakaalam ko, walang may gano'n sa atin. Kahit na si Pinunong Rufeanna ay wala noon."

Ipinokus niya ang atensyon sa panel.

Holy Magic
Price: 100,000,000
Description: Can fight against dark creatures or those who uses dark magic. The higher the level, the higher the capability of casting higher holy magic.

Agad siyang napamura nang makita ang presyo nito. "Ang mahal!" reklamong bulong niya. Malapit na ang mga undead sa kanilang gawi. At doon naalala niya ang Conjuring Skill niya. Hindi pa niya ito nagagamit. Mukhang ngayon na niya ito masusubukan.

"Sarah, kaya mo ba akong proteksyonan? May gagawin lang akong importante rito." Saad niya habang naka-side view para tingnan si Sarah sa likuran. Nakita niyang tumango ito. "Walang problema. Pero ipapaalala ko lang sa iyo na hindi ko sila tuluyang mapipigilan."

Ngumiti siya. "Okay lang." Agad siyang nag-conjure ng mga diamonds. Kumislap ang kaniyang mga palad at makikita ang maningning na asul na enerhiya na kumakawala sa kaniyang mga palad. Biglang nagsilitawan ang kayraming diamonds sa lupa na kinatatayuan niya.

Sa paglitaw nito ay siya namang pag-equip niya agad para hindi ito mahulog sa mga nabibiyak na mga lupa. Makikitang okupado si Sarah sa pakikipaglaban sa mga undead gamit ang malaking kahugis ng katana. Pinaghihiwa niya ang lumalapit na mga undead.

Pero makikitang bumabalik lamang ang mga nahihiwang katawan nito. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin tumitigil si Sarah sa pagpapaslang sa mga undead na nakapalibot sa kanila. Kaybilis ng galaw nito na para bang isang hangin na sumasayaw habang pumapaikot kay Lux para hindi makalapit ang mga undead sa kababata niya. Halos limang minuto rin siyang pinoprotektahan ni Sarah.

"Sa wakas!" sigaw ni Lux nang umabot na sa 100,000,000 diamonds ang nalikha niya. Agad niyang binili ang Holy Magic.

[Successfully, purchased the Holy Magic!]

[Congratulations! You obtain a new skill, Holy Magic!]

Agad napangiti si Lux sa narinig mula sa system.

'Anong sunod kong gagawin?'

Paulit-uli tayo rito, Lux, e. Alam mong imahinasyon ang susi para tuluyang maka-cast ng magic. Mag-imagine ka!

'Tss, ang arte mo, nagtatanong lang naman.'

Nag-conjure siya ng isang simpleng pana. Pinikit ang mga mata at maya-maya lang, ang kaninang simpleng pana ay napapalibutan na ngayon ng puting enerhiya. Ibinuka niya ang mga mata at agad itinutok sa kalangitan ang hawak na pana.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now