5-My Mage System

1.8K 185 64
                                    

Lumipas ang taon at limang taong gulang na si Lux. Maraming siyang natutunan sa kaniyang unique skill na Appraisal. Hindi lahat ng elf ay kaya niyang suriin ang status. Kadalasan sa mga hindi niya masuri ay mga matanda.

Alam niya ring matagal na silang namumuhay rito sa Illicitus mula nang makulong sila sa kagagawan ng diyos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alam niya ring matagal na silang namumuhay rito sa Illicitus mula nang makulong sila sa kagagawan ng diyos. Pero hindi niya pa rin malaman ang dahilan kung bakit laging nag-e-error ang Appraisal niya sa tuwing ginagamit niya ito sa matatanda.

Sa katunayan ay ang mukha at kutis matanda nila ay parang nasa mid 20s lang sa earth. Alam niya ring kadalasan sa elf ay ilang libong taon ng naninirahan.

Makikita siya sa isang batis kung saan naglalaro kasama ang isang kaeadad niyang babaeng elf.

"Sarah, dito may nakita akong isda!" sigaw niya sa kalaro. Humahagikhik pa siya habang hinihintay ang paglapit ng babaeng kalaro.

Isang magandang bata ang kalaro niya. May kulay orange na buhok at nakatirintas ito sa magkabilang ulo na hanggang bewang. Singkit din ang mga mata nito at kulay orange. "Teka lang! Diyan na ako!" sigaw naman ni Sarah at nagtatakbo palapit sa kaniya.

 "Teka lang! Diyan na ako!" sigaw naman ni Sarah at nagtatakbo palapit sa kaniya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oy, huwag kang magtatakbo. Mabubulabog mo sila," reklamo niya sa kalaro. Huli na nang huminto ito at mabilis na nagsilanguyan palayo ang mga isda.

"Ayan tuloy," malungkot niyang saad.

"Ay, sorry," paghingi ng tawad ni Sarah sa kaniya.

"Okay lang. Hanap na lang tayo ng iba," sabay ngisi at tumawa na rin ang batang babae.

"Sige!" masiglang sambit ni Sarah.

Nagpatuloy sila sa paghuli ng isda nang makaranig nang boses galing sa kaniyang Ina.

"Nandito ka lang pala alam mo bang kanina pa kita hinahanap! Tumakas ka na naman sa klase mo! Hala umahon na kayo!" sermon nito.

"Patay," bulong niya na narinig naman ni Sarah.

"Halaka ka. Akala ko ba tapos ka ng mag-aral ngayon?" mapanuyang saad ni Sarah habang nakapamewang.

"Hehe," saad ni Lux sabay kamot sa ulo.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now