16-My Mage System

1.1K 179 17
                                    

Dedicated to: imadarkone and lethianephebe

Makikitang nagpupuyos sa galit si Lux. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Sarah!" mas lalong lumalakas ang aura na nakapalibot kay Lux.

Mas mabuting gawin mo na ang Transparent Magic at umalis na tayo rito kasama si Sarah. Delikado ang taong iyon at hindi natin ito kaya.

Mas lalong tumaas ang aurang nakapalibot kay Sarah hanggang sa naging 10,000 na ang Life Energy nito. Samantalang, 3,000 nalang ang Life Energy ni Lux dahil patuloy pa rin siya sa paglaban at iwas sa mga Ice Spikes galing kay Sarah.

"Sana gumana ka kahit isang minuto lang," panalangin ni Lux at sinubukang gawin ang Transparent Magic.

Nagtagumpay naman siya. Nawala bigla si Lux at kahit na ang taong may mataas na Life Energy ay hindi kayang makita si Lux.

Mabilis na lumapit si Lux kay Sarah. Sa bilis nito ay nagkaroon pa ng tatlong after images. Iyon lang ang hangganan ni Lux dahil nagrereserba pa siya ng Life Energy sa gagawin niyang atake kay Sarah.

Tumatagos lamang ang mga Ice Spikes sa katawan ni Lux at hindi naman siya nakadama ng sakit. Nang matagumpay siyang makalapit kay Sarah ay ginamit niya ang pinakamalakas niyang atake rito.

Hindi naman madama at makita ni Sarah ang atake ni Lux kaya matagumpay si Lux sa plano niya. Nang dumapo sa katawan ni Sarah ang pinakamalakas nitong atake ay bigla itong nahimatay at agad naman itong sinaulo ni Lux. Nawala rin bigla ang kakaibang enerhiya na nakapalibot kay Sarah nang mahimatay ito.

Nagulat ang taong may kagagawan kay Sarah. Hindi niya malaman kung bakit bigla nalang nahimatay si Sarah. Wala naman siyang nakitang tao pero nakakita siya ng malakas na atake sa kinaroronan nito.

[God's Eye Skill]

Inactivate ng masamang tao ang skill niya. At doon nakita niya na si Lux ang may kagagawan nito at tumatakas sila. Nagulat pa siya sa bilis nito at nagkakaroon pa ng tatlong after images. Pero ang hindi niya alam ay kaya ni Lux mag 5 after images.

"Hahayaan kita ngayon Lux. Pero darating ang araw na makukuha ko rin ang itlog ng dragon na nasa iyo," nakangising saad ng misteryosong nilalang na nakasuot ng maitim na cloak at biglang itong naglaho na parang bula.

Dumaan ang malakas na hangin sa pintuan ng Lifaya House. Biglang silang napalingon dito. Agad inun-activate ni Lux ang Transparent Magic at napaluhod dahil sa pagod habang dala-dala niya si Sarah.

Nakita naman sila ng pamilya ni Sarah at agad nilapitan.

"Anong nangyari?" nag-alalang saad ng Ama ni Sarah.

Hindi naman makasagot si Lux dahil hingal ito nang hingal.

Nagkatinginan ang magulang ni Sarah. Lumapit ang Ina ni Sarah at sinubukang iheal ang dalawa. Makikita ang kamay ng Ina ni Sarah na napapalibutan ng berdeng enerhiya.

May binigkas itong enkantasyon at ang naintindihan lang ni Lux ay ang huling salita, "Heal," saad ng Ina ni Sarah.

Biglang nakaramdam ng ginhawa si Lux. Nawala ang mga sugat niya pero hindi nawala ang malalang sugat na natamo ni Sarah mula sa kaniya.

"Paunmanhin po. Ako po ang may kagagawan sa nangyari kay Sarah," nakayukong sambit ni Lux. Galit naman ang makikita sa mukha ng Ama ni Sarah.

Akmang dadapuan sana ito ng suntok ng lalaki nang pigilan ito ng asawa niya. "Alalahinin mong Anak iyan ni Pinunong Rufeanna. Kapag may mangyaring masama riyan ay tayo ang malalagot," mahinahong sambit ng asawa nito.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now