7-My Mage System

1.6K 190 15
                                    

Dahan-dahan gumapang si Lux sa damuhan patungo sa kuneho habang okupado itong kumakain sa pulang prutas. Nang ilang metro nalang ang pagitan nila ay napatigil siya dahil napahinto ang kuneho sa pagkain ng prutas.

Palinga-linga ito sa paligid at tinitingnan kung may panganib ba. Kalaunan ay bumalik din ito sa pagkain nang malamang wala namang kalaban. Nagsimula na rin siya sa paggapang at nang makakita ng bato ay pinulot niya ito.

Ng tatlong metro nalang ang lapit niya sa kuneho ay siyang pagtingala nito at tumingin sa kaniyang gawi pero hindi siya nakikita nito dahil sa mga damo. Huminto rin siya sa paggapang pero dumaan ang hangin at nahawi ang nakatabung damo sa kaniyang gawi. Nanlaki ang mga mata ng kuneho at agad na nagtatakbo ng mabilis palayo sa kaniya.

Agad naman siyang tumayo at tumakbo ng mabilis para sundan ang kuneho. Ngunit hindi niya ito mahabol dahil sa bilis nitong tumalon-talon sa mga may kalakihan na bato. Napakalayo ng agwat ng kanilang distansya pero hindi iyon hadlang para makita niya ang presensya nito.

"Kainis, ang bilis naman tumakbo nito!" Sumunod din siya sa mga pagtalon-talon nito sa mga bato na mas mataas pa sa kaniya. May pagkakataon na sumusuot ito sa mga maliliit na butas ng mga malalaking ugat ng malalaking kahoy. At kahit mahirap ay ginawa niya ring sumunod doon hanggang sa makaalis at doon bumungad ang patag na lugar.

"P-Pagod na ako!" saad niya habang humihingal. Parang mawawalan na siya ng balanse dahil sa panghihina ng mga binti.

Ano ka ba napakahina mo. Habulin mo siya habang hindi pa ito nakalalayo.

Tinitigan niya ang papalayong kuneho. Napakuyom siya ng kamao at doon niya naramdaman ang batong hawak niya. Tumitig siya sa bato at agad binaling ang tingin sa papalayong kuneho. Pumikit siya at nagdarasal na sana ay magkaroon na agad siya ng kapangyarihan. Hinagis niya ang bato sa gawi ng kuneho habang napapalibutan ito ng mahika.

Ibinuka niya ang mga mata at literal na lumaki ang kaniyang mga mata nang makita ang kumikislap na kulay pink na nakapalibot sa bato. Saktong pagtalon ng kuneho ay nahagip ito ng pabulusok na bato.

Dahil sa lakas ng epekto ay tumilapon ito sa katawan ng puno at dahan-dahan na bumagsak sa damuhan. Makikita ang nabiyak na marka ng puno na nahaluan ng dugo kung saan ito bumangga.

Sumilay ang malapad na ngiti sa kaniyang labi at siya'y nagtatalon sa tuwa dahil sa nakita. "Nakita mo iyon?! May magic na ako! Magiging OP na rin ako!" masayang saad niya at humagikhik.

Tsk! Tsamba lang iyon. Lagi ka ngang sumusubok palabasin ang mahika mo pero hindi mo magawa.

"Syempre, hindi pa ako devoted no'n pero ngayon, nakita mo naman hindi ba?" ngingiting saad niya. Bakas sa mukha niya ang matinding saya.

Sabihin mo dahil sa adrenaline rush mo iyon kaya biglang lumabas ang mahika mo.

Hindi niya pinansin si Layla nang matutop ang tingin sa duguang kuneho. Agad niya itong nilapitan. Nakita niya pang nangingisay ito habang sumisirit ang dugo sa tiyan hanggang sa hindi na ito gumalaw.

Biglang nakaramdam ng pagka-guilty si Lux dahil alam niyang siya ang may gawa nito sa kuneho. Kahit kailan ay hindi pa siya nakaranas na pumatay ng kahit anong nilalang. Maliban nalang sa mga maliliit na insekto sa earth. "Patawad sa nagawa ko," malungkot na saad niya. Gusto niyang maiyak dahil sa nagawa niya pero hindi niya alam kung bakit ayaw lumabas ng kaniyang luha.

Napaigtad siya sa gulat at nawala ang atensyon sa kuneho nang makarinig ng malakas na boses galing sa kaniyang utak.

1000 EXP POINTS OBTAINED

LEVEL UP!
Received 100 diamonds!

Parang walang pagsidlan ang kaniyang tuwa sa sinabi ng system. Sumilay ang napakalapad na ngiti sa kaniyang labi at kumikislap ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang tuwa. "Totoo ba itong naririnig ko? Isa na akong 1st Star Bronze Rank. Salamat Lord!" hindi niya mapigilang maglulukso sa tuwa.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now