38-My Mage System

687 100 6
                                    

Kinabukasan, maaga siyang gumayak at pumunta sa bahay ng babaeng matanda. Sinamahan niya ito sa ekslusibong bahay trabahuan. Isa lamang itong maliit na bahay na walang silid. Para lang talaga ito sa trabaho niya at hindi maaaring gawing tirahan.

Pagkapasok nila ay bumungad agad ang maraming kagamitan para sa kaniyang propesiyon. May kaldero, sisidlan ng potions, at iba pang lutuan para sa kaniyang pagpagawa ng gamot.

Habang sinusuri ang buong silid ay biglang pumasok ang lalaking nasa mid 30s dala-dala ang isang malaking sisidlan na puno ng halaman.

"La, nandito na pala ang mga halaman. Maaari ka ng magsimula sa paggawa ng pills, at potions," natutuwang saad ni Lux.

"Oo, nga. Salamat sa inyong lahat sa pagkupkop sa amin. Utang namin ito ng aking apo," sabi ng matanda at lumingon sa kaniyang apo sa gilid na nakahawak sa kaniyang kamay.

Lumabas na agad ang lalaking nagdala ng halaman. Nagsimula na rin silang maghanda sa mga gagamitin. Nakita ni Lux kung paano lutin ang pills, at potions.

Inilagay ng matanda ang kaldero sa malaking tripod. Pinasok niya ang kamay sa ilalim nito at binuka ang palad. Doon nakita ulit ni Lux ang lilang apoy na para lamang sa pagiging alchemist.

Binawi agad ng matanda ang kamay at nanlaki pa ang mga mata ni Lux dahil kahit wala na ang kamay ng matanda ay nanatili pa ring umaapoy ang ilalim ng kaldero. Nakita niyang ipinuwesto ng matanda ang dalawang kamay sa bunganga ng kaldero at lumabas doon ang tubig. Agad nitong tinikom ang mga palad ng puno na ang kladero.

"Hintay lang tayo na bumukal ang tubig tsaka natin ilalagay ang mga halaman," saad ng matanda.

Nang makitang kumukulo na ang tubig ay agad nilagay ng matanda ang mga halaman na may kulay yellow. Kahugis ito ng rose sa earth. Hinalo niya ito gamit ang luwag.

Nanlaki ang mga mata ni Lux dahil agad humalo ang halaman sa tubig. Sa earth kasi hindi basta-basta nalulusaw ang halaman. 'Ano bang klase ang lilang apoy na iyan? Ngayon, parang gusto ko atang matutunan ang pag-aalchemy.'

Naamoy niya ang mabangong aroma galing sa niluluto. Matapos ang limang minuto ay akala niya ay tapos na pero agad na namang nilagyan ng matanda ng ibang halaman ang kaldero. Kulay pink na may pagkakatulad ng sunflower sa earth. Agad ding itong humalo sa niluluto at mas bumango ang aroma kaysa kanina.

"Iho, gusto mo bang ikaw ang maghalo nito? Para kasing naaliw sa ginagawa ko," saad ng matanda sabay tawa. Agad ding masyang tumango si Lux.

Agad natapos ang pagluluto at tinanaw ni Lux kung paano manipulahin ng matanda ang tubig mula sa kaldero. Parang sumasayaw ang matanda habang winawagayway ang dalawang kamay habang nakasunod ang nalutong tubig. Isa-isa nitong pinasok ang tubig sa lalagyan na sa tingin niya ay para sa potion. Maliit ito at nasa 50 ang bilang.

Nang matapos ang matanda sa potion ay sinunod nito ang pill. Makikita ang mga maliliit na pabilog na sisidlan. Isa-isa nitong nilagyan ang bawat isa. Natutuwa si Lux habang pinagmamasdan ang matabda dahil para talaga itong sumasayaw habang pinaglalagyan ng tubig ang mgs sisidlan.

"Maghintay lang tayo para palamigin ito," saad ng matanda.

"Ano po bang klaseng potion at pill at ginawa mo, Lola?" saad ni Lux.

"Mga healing potion at recovery pill." Tumango si Lux at sinubukan tingnan ang kalidad ng gawa nito.

[Appraisal]

Agad nanlaki ang mga mata ni Lux sa nalaman. Puro ito intermediate low-tier.

"Puro po Intermediate Low-tier ang gawa mo. Paano po nangyari iyon?" hindi makapaniwalang saad ni Lux.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now