22-My Mage System

1.2K 149 9
                                    

"Kapag nahiwalay ang impostor sa hangganan ng puno ay nasusunog ito," saad ni Timere habang nakalutang malapit kay Lux.

Tumango-tango si Lux habang pinagtitigan ang impostor na nasusunog. Nang tuluyan ng nawala ay agad siyang sumubok sa ibang mga puno. Tinapon niya ang dalawang hawak na shuriken sa himpapawid at sa bilis nito ay tila hindi na kita ang anyo. Bigla nalang naghihiwa ang mga katawan ng impostor sa bawat puno.

Patuloy pa rin ang pagbulusok ng dalawang shuriken sa bawat puno at walang kasing hirap nitong pinaghihiwa ang mga impostor. Wala silang magawa dahil sa bilis nitong bumulusok sa kanila at kahit mabilis pa sila ay hindi agad nila napapansin ang presensya nito.

Itinaas ni Lux ang magkabilang kamay at biglang bumulusok pabalik ang mga shuriken. Napangiti siya sa nakita at resulta ng kaniyang ginawa. "Kaydali lang pala, pinagod pa'ko kanina."

Muli niyang tinapon ang dalawang shuriken at siya nama'y umatake rin sa malapitang impostor. Binalot niya sa matibay na mineral ang katawan at ginawang matulis ang mga braso para maging isang sandata. Biglang lumitaw ang mga bilog na elemento sa kaniyang likod. Ang tubig, apoy, hangin, kidlat, at dahon. Ang kaninang walong apoy na bilog ay isa nalang at mas nag-concentrated na ngayon ang enerhiya. Limang elemento na pumapaikot sa likod ni Lux.

Kung titingnan si Lux, para bang isa siyang batang diyos na may mga alagad sa likod na kayang proteksyonan siya hanggang sa kamatayan nila. Para siyang batang hari kung titingnan dahil sa mga pumapaikot na limang elemento sa kaniyang likod. Dagdagan pa sa pulang awra niya na nakakatakot tingnan. Napaka-regal tingnan ngayon ni Lux.

Pumapaikot-ikot ito sa kaniyang likod na para bang mga alagad niya. Sa pag-atake niya ay nagbangga ang malakas niyang puwersa at ang malakas na puwersa ng impostor. Ngumisi si Lux at bigla nalang may mga kakaibang kamay ang siyang umatake sa impostor. At dahil sa liksi nito ay agad ding nakalayo kay Lux pero hindi ito tinigilan ng mga kakaibang kamay at sinundan ang impostor sa kaniyang kilos.

Hindi rin nag-aksaya ng panahon si Lux at muling umatake sa impostor. Habang okupado ang impostor sa kakahiwa at paglaban sa mga kakaibang kamay ay siyang biglang paglitaw ni Lux sa kaniyang likuran. Agad niyang hiniwa ang likod nito at wala itong nagawa para sanggain ang atake ni Lux dahil okupado ito sa paglaban ng mga kakaibang kamay. Nahiwa ang katawan nito at kahit na gano'n ay hindi pa rin ito tinigilan ng kakaibang mga kamay.

Sabay-sabay itong bumulusok sa nahiwang impostor at dahil dito ay nagkaroon ng malakas na pagsabog. Naglikha ito ng malaking hamog at nang mawala ang hamog ay walang bakas ng impostor ang makikita ngayon sa puno.

Napangiti si Lux sa nangyari. Hindi niya lubusang maisip na ang mga elemento sa kaniyang likod ay napakahalaga at talagang maaasahan. Siya ang may kagagawan ng mga kakaibang kamay dahil sa kaniyang mga elemento sa likod. Tila ba may mga sarili itong pag-iisip at kusang umaatake sa mga kalaban ayon sa kakayahan nito.

Akala niya ay katulad lamang ito ng apoy kanina na magpapatapon lamang ng mga malalakas na fireball. Hindi niya inaasahan na magiging kakaibang estilo ito para makapaglaban. Makikita ngayon ang limang kamay na sumasayaw sa likod ni Lux. Kasinglaki ng bawat kamay ang ibabaw ng puno kaya talaga namang napakalaki nito at mahihirapan talaga ang kung sino man ang magtatangkang umatake rito.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Lux at agad na bumulusok sa ibang puno. Kasabay ng kaniyang pag-atake sa impostor ay siyang pag-atake ng mga elementong kamay. At dahil sa lakas nito ay napatilapon ang impostor palabas sa puno na siyang nagdulot sa kaniya ng pagsunog.

Agad din siyang umatake sa ibang puno at nanalo na naman siya. Napapangiti nalang siya habang isa-isang pinapatumba ang bawat impostor. Hindi niya lubusang maisip na may sariling utak ang mga elemento sa kaniyang likod na tila ba alam nito ang dapat na gagawin. Lalo na ang rules na sinabi ni Timere.

My Mage SystemWhere stories live. Discover now