Count 2: Campus Stars.

1K 40 8
                                    

ANING'S POV

"Is she already awake?"

"Are you blind? Just look at her, nakapikit pa ang mga mata nya."

"Shhh! Can you please the two of you shut up. Magigising sya sa kadaldalan nyong dalawa eh."

Ano ba ang mga boses na yun? Nasa langit na ba ako o nananaginip lang? Medyo maingay ha.

Nasa kama ba ako? May kalambutan ang aking hinihigaan.

"See! Nagising na nga! Ingay-ingay sinisira nyo naman tulog nya."

Iminulat ko ang dalawa kong mata at may tatlong nakatunghay sa akin at manghang pinagmamasdan ako habang nakatayo sila sa may paahan ng hinihigaan kong kama. Naka suot sila ng school uniform.

Ilang beses pa akong kumurap para malaman kung namamalikta mata ba ako.

Grabe! Napakagandang umaga naman nito. Ito ang tinatawag na blessing. Masyado naman akong pinahpala ngayong umaga.

Lord! Mga anghel ba sila? Kung katulad nila ang makikita ko sa tuwing gigising ako wala na akong hihilingin pa sa buhay ko.

Bumangon ako sa kama at sumiksik sa may head board. "Nasaan ako?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Speechless ako mga dai.

Sandali--ano nga ba ang huling nangyari sa akin? Ang huli kong natatandaan, nasa gitna ako ng kalsada.

Huh? Kaninong kwarto ba ito? Napakaganda naman!

"Hi miss! My name is Stell!" Nagsalita yung lalaking may suot na salamin, may bangs at itim ang buhok. "Okay na ba pakiramdam mo?"

Tumango lang ako sa tanong nya. Speechless ako! Parang may buhay na anime sa harapan ko!

"Sure ka bang okay ka lang?" tanong naman nung blonde ang buhok. "Ako naman si Justin. Ikaw? Ano ang pangalan mo?"

Siniko sya ng isa pang katabi nyang lalaki na brown naman ang buhok. "Pwede ba, wag nyo muna syang tanungin. Baka ma pressure yan." Iba ang kausap nya pero sa akin sya nakangiti. "Ako naman si Josh."

"Wag daw mag tanong pero nagpakilala din naman sya. Tawagin mo nalang si Pinuno. Sabihin mo gising na yung babae." Si Stell atah to. Yung nakasalamin.

Hindi na ako makapaghintay na makita ang tinatawag nilang pinuno. Ano ba sila? Sindikato dahil may leader?

Sinubukan ko na tumayo pero bigo ako. Medyo nahihilo pa pala ako ng kunti, buti nalang napa hawak ako sa kama bago pa ako matumba ng tuluyan. Pumunta naman sa likod ko yung tatlo at umalalay sakin pabalik sa kama.

"Wag ka munang tumayo, miss. Baka hindi mo pa kaya. Tingnan mo natutumba ka pa. Ayos ka lang ba?" Si Justin ito. Yung blonde ang buhok.

"Ayos na ako. Wag kayong mag-alala. Salamat sa pag-aalaga sakin habang tul---"

"---Anong salamat salamat ang pinagsasabi mo?" Isang pang naka school uniform na lalaki ang pumasok sa kwarto. Maangas ang dating nito at nakasimangot. Sa maangas nitong paglalakad hindi maitatanggi na mas malakas ang dating nga---pero teka! Bastos! Hindi nya ako pinatapos sa sinasabi ko kanina.

"Mabuti naman at gising ka na. Pwede ka nang umalis dito sa bahay namin. Baka magkalat ka pa ng kapwa mo basura dito."

Aba't! Ang yabang ah!

"Sinong tinatawag mong basura? Ako ba?" Bagong gising ako kaya wag nya akong hinahayblood!

"May iba pa bang gusgusing tao dito? Di ba wala na. Ay teka, tao ka ba? Tsk."

Sandali! Sya yung muntik nang makasagasa sakin kagabi ah! "Kanina tinawag mo akong basura tapos ngayon naman gusgusin? Ka lalaki mong tao napalaitero mo!" Nang gigigil ako mga pre!

COUNTLESSWhere stories live. Discover now