Count 85: Video.

418 22 7
                                    

PABLO'S POV

"Keicel, wag ka sabing malikot. Baka magising mo si Sir Pablo. Wag ka nga makulit."

"Pero kuya gusto ko makita leader ng SB19."

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko, may nag-uusap yata. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at dalawang tao ang nakita ko.

Kung hindi ako nagkakamali, si Klark yung isa. Nakaindian seat sya sa sahig, katabi ko. Pansin kong ganun padin ang suot nya at may nakakandong sa kanyang babaeng babae na may hawak na dalawang version ng lightstick ng SB19 at nakatunghay sya sa akin ngayon. "Kuya Klark! Gising na sya oh!" Excited na sabi ng bata sabay turo sa akin.

"Ang sabi ko kasi sa'yo wag kang maingay. Nagising tuloy sya.--" Humarap sa akin si Klark matapos nyang pagsabihan ang kapatid nya--yata? "--Sir. Okay na ba ang pakiramdam nyo? Pasensya na kayo kung sa sahig kayo nakahiga. Wala kasi kaming kama eh."

Sa bigla akong pagbangon, naramdaman ko na kaagad ang pananakit ng kanan kong balikat. Isinandal ko ang likod ko sa dingding. "It's okay. Salamat sa pagtulong sa akin."

Hindi naman sa sahig talaga ako nakahiga, may manipis na kutson naman akong nahihigaan. Pansin ko din na iba na ang suot ko. Naka sando na ang ako at may benda na ang sugat ko sa balikat. Nang hawakan ko ang mukha ko, may nakapa na din akong band aid. Maybe Klark cleaned my woods.

"Pasensya na kung pinakialaman ko ang katawan mo, basang-basa ka kasi kaya pinalitan kita ng damit. Yung sugat mo din pala nalinis ko na, pati yung bala. Inalis ko na rin---wag kang mag-alala! Marunong naman ako sa medisina."

Tumango-tango nalang ako sa sinabi nya. Napansin ko nga din ang isang plangganita sa gilid na may lamang pulang likido, dugo ko yata yun at mga bulak na may dugo pa.

"Kayong dalawa lang ba ang nakatira dito?" Tanong ko.

Tumango si Klark. "Opo, kami lang dalawa ni Keicel. Nagugutom ka ba? Ibibili kita ng pagkain."

Umiling ako. "Hindi na Klark. Salamat nalang. Sapat na sa akin ang tulong na ginawa mo, hindi mo na kailangan pang gumastos." May isa pa akong napansin, sa dingding na sinasandalan mismong ni Klark ay kapansin-pansin ang napakadaming picture ng SB19 pero mas madami ang picture at poster ni Ken na nakadikit sa dingding. Halos sakupin na nito ang bahaging yun ng bahay.

"Kung napansin nyo na ang pictures sa dingding namin, fan kasi ng grupo nyo ang kapatid ko kaya kapag sobra akong pera sa pangangalakal at sa pamamasada ng tricycle. Nagpapaprint ako ng mga pictures sa comshop." Medyo nahihiya yata si Klark sa paliwanag nya.

"Tingnan nyo po ito oh! Bigay po ito ni Kuya Ken sa akin noong pumunta sya dito sa bahay namin!" Itinaas at pinailawan pa ng kapatid nya ang dalawang light stick na hawak nito.

Ngumiti lang ako sa kanya. Mukhang masayahing bata ang kapatid ni Klark. "Si Ken pala pumunta na din dito, kelan?"

"Matagal tagal na rin po. Sya ang nagsabi sa akin na may scholarship sa university kaya nag exam ako."

Naaawa ako dito kina Klark at Keicel. Ganito ba talaga ang buhay nila? Nasaan ba ang parents ng mga ito?

"Klark, anong oras na ba?" Kailangan ko nang makauwi. Siguradong nag-aalala na sila sa akin.

"Mag-aalas dyes na po ng gabi? Bakit?"

"Pwede ba akong humingi ng pabor? Nabanggit mo na may tricycle kang ginagamit di ba? Pwede mo ba akong ihatid sa lugar na sasabihin ko sa'yo?"

"Kung kaya nyo na naman ang katawan nyo, sige po. Ihahatid ko kayo. Iiwan ko lang saglit ang kapatid ko sa kapitbahay."

"Sige."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now