Count 82: Letter.

482 25 0
                                    

KEN'S POV

Nagising ako na nasa isang kwarto na ako na ang dingding ay puti--Nasaan nga ba ako?

Ahh! Naalala ko na nasa hospital nga pala ako.

May nakasabit na wall clock sa may bandang itaas ng pintuan kaya nalaman ko kung anong oras na. 2 am palang ng madaling araw.

Bahagya akong bumangon at pinakiramdaman ang kaliwa kong binti, puno ito ng benda at nakapatong sa unan. Manhid at hindi ko maramdaman ang binti ko.

Napalingon ako sa may kanang gilid ng kama ng maramdaman kong may gumalaw doon.

Si Aning pala, nakapatong ang braso nya sa gilid ng kama at nauob-ob ang kanyang ulo dito. Mukhang nakatulog na ang langga ko sa pagbabantay sa akin.

Walang ibang tao dito bukod sa aming dalawa. Nasaan naman kaya sila? Bakit hinayaan nilang mag-isang magbantay sa akin ang langga ko, paano kung bumalik ang siraulong Black na yun.

Sinimulan kong hagurin ng mabagal ang buhok ni Aning, ang cute para lang akong humihimas ng pusang tulog.

Maya-maya pa bigla syang gumalaw at sa akin kaagad tumingin. "Gising ka na pala, langga." Sabi nya habang humihikab pa. Umayos sya ng upo at nag-unat ng dalawang braso. "Grabe, nakatulog na pala ako. Okay na ba pakiramdam mo langga? Masakit pa ba ang binti mo? Naalis na nila yung dalawang bala na bumaon dyan. Gusto mong tubig? Nagugutom ka? Ano langga! Sabihin mo! Magsalita ka!"

Gusto 'kong matawa eh, ang o.a naman ng girlfriend ko. "Okay lang ako, ano ka ba naman. Wag kang mag alala okay? I'm fine."

Gamit ang isa kong kamay, sinuklay ko ng aking daliri ang buhok nyang gulo-gulo na. Mas lalo yata akong nahuhulog sa bagong gising look ng langga ko ah."Inaantok ka pa ba? Gusto mong matulog pa?"

Kinusut-kusot nya ang mata nya sabay hikab ulit. "Hindi naman ako inaantok, napaidlip lang naman ako."

"Hindi daw inaantok pero humihikab ka---" Umipod ako para magkaroon ng space. "--higa ka dito sa tabi ko. Dito ka matulog." Tinapik-tapik ko pa yung kama. "Malaki naman yung kama, kasya tayo dito. Bilis na langga, don't keep me waiting."

Hindi sya sumagot sa halip ay humikab na naman sya. Hinubad nya ang sapatos nya at saka sya humiga sa kama. Kaagad syang yumakap sa akin at isiniksik ang sarili nya. Nakasub-sob ang kanyang mukha sa dibdib ko.

"Akala ko ba hindi ka inaantok, bilis mong sumunod ah." Natatawa kong sabi habang yung kumot ko ay isi-nishare ko kanya. Sa liit ng katawan nya langya, para lang isang bata ang may yakap sa akin.

"Hindi nga ako inaantok eh." Mahina nyang sabi. Nakita ko na naman syang humikab sabay pikit ng kanyang mga mata. "Okay na ba talaga ang pakiramdam mo, langga?"

I started to stroke her hair again, ang bango ng buhok nya amoy pink na Palmolive. Naadik ako sa scent. "I'm fine. Dapat ikaw ang tinatanong ko nyan eh, okay ka na ba? Sana hindi ka nagkatrauma sa nangyari. It was your birthday tapos umepal yung Black na yun. For sure pagpi-pyesyahan ang pamilya nyo at ang grupo ko ng Media. Nakakainis. Sa lahat pa kasi ng okasyon bakit sa birthday mo pa sya lumabas."

"Kinakausap na ni Daddy ang CEO ng talent company pati na rin ang manager nyo. Kasama na rin ang nga pulis, sa ngayon walang press na nakakapasok dito sa kwarto kasi maraming nagbabantay sa labas." Parang pahina na ng pahina ang pagsasalita nitong si Aning.

"Paano kaya nalaman ni Black ang tungkol sa pagpapakilala sa'yo. Akala ko sa akin lang sya may galit ngayon alam na---" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil narinig ako ng mahinang paghilik. Napatawa ako ng mahina ng makita kong tulog na pala ang kausap ko. "Langya naman langga, bakit mo ko tinulugan. Nag-uusap pa tayo eh."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now