Count 63: Pasabog.

462 30 0
                                    

KEN'S POV

May labing limang minuto lang ako para hanapin si Aning, pero sa laki ng lugar na ito sapat ba ang mga oras na ibinigay sa akin ni Black?! Ang dami pang pasikot-sikot at napakadilim!

Tumakbo ako pakanan. Tapos liko pakaliwa. Arghhh! Pinagpapawisan na ako nasaan na ba si Aning!

Hindi ako makapaniwalang sumasabay ako sa trip ng lalaking yun. Siguradong pinagtatawanan nya ako ngayon habang pinapanuod nya ako sa kung saan. Bwisit talaga sya. Sya ang bwisit sa lahat ng kilala kong bwisit.

Sa panibagong pagliko ko sa sunod na pasiyo, hindi kaagad ako nakatakbo. May dalawang ribbon ang nakaharang sa daraanan ko. Isang itim at isang pula. Nakatali ang bawat dulo nito sa tigkabilang poste, parang double finish line ganun.

May gunting na nakasabit dito at may kasama itong note na nakadikit dito.Kinuha ko ito at binasa. "Pumili ka sa dalawang kulay, sa maling pagpili ang magiging kapalit ay ang iyong buhay. Itim o pula? Sa anong kulay ka mamamatay?" King na! Ano 'to?! Kasama ba ito sa larong 'toh?! Bahala na nga wala akong paki alam sa mga ganitong pakulo!

Hinawakan ko yung gunting at hindi na ako namili sa dalawang kulay, puputulin ko nalang pareho. Wag nang mamili ubos oras lang yun.

Sabay kong pinutol ang dalawang ribbon at kasabay noon ang malakas na pagsabog ng posteng nasa kanan ko.

BOOOOOOMMMMMMM!!

Sa lakas ng impact, tumilapon ako ako ng ilang metro at subsob ang mukha ko sa mamasang-masang lupa!

Bwisit! Yun ba ang porpuse ng mga ribbon na yun?! Hindi sinabi ng ungas na yun na may bomba pala! Damn! Muntik na ako dun ah!

Muli akong tumayo at kahit masakit ang katawan ko sa pagkakatalsik ko pinilit kong makatakbo. Arggh! Nasaan na ba ako? Bakit parang paikot-ikot lang ako.

Isang pinto ang pinasukan ko pero may dalawang ribbon na naman ang nakaharang sa pintuan. So, kailangang mamili na naman ako?

Ganun ulit ang kulay, pula at itim. This time, pumili na ako. Ginupit ko yung kulay itim.

BOOOOOMMM

Napadapa nalang ako dala ng adrenaline rush. King na! Ang lakas naman ng sabog nun! Bakit mali ako ng napili?! Ang malas!

Sa pagtayo ko medyo nakaramdam ako ng kaunting hilo. Napakahawak ako sa tuhod ko pero kaya ko pa naman. Kung magkakamali ako ng pagputol sa kulay ng ribbon sa susunod baka malawan na ako ng malay.

Paika-ika akong pumasok sa napasukan kong pinto, mas dumilim dito at kung minamalas talaga ako nag power off pa ang cellphone ko! Napakamalas!

Pakapa-kapa nalang ako, at lihim akong nagpasalamat dahil wala na akong ribbon na nakita. Lakas ng trip nya bwisit sya.

Ilang minuto nalang ang meron ako? Damn! 7 minutes nalang!

May naaaninag akong liwanag sa mag bandang kanan. Baka andun si Aning, kailangan ko nang magmadali. Hinawi ko ang isang malaking kurtinang nakaharang sa aking daraanan ko at halos tumakbo na ako.

"Aning! Andyan ka ba?!" Nag-echo pa ang boses ko.

"Ken? Ikaw ba yan?" Nagkaroon ako ng pag-asa ng marinig ko ang boses nya. Lumakas ang loob ko bigla. Ibig sabihin malapit na ako sa kanya.

Dumare-daretsyo pa ako at sa wakas, nakita ko na si Aning! May nakasabit na ilaw sa pwesto nya at sa kanya lang nakatapat ang ilaw nun. Kaagad akong lumapit, nakaupo sya sa silya pero may tali ang mga kamay at paa nya.

Kaagad syang naiyak pagkakita sa akin. Niyakap ko sya."Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Nandito na ako. Iuuwi na kita." Hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

COUNTLESSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن