Count 81: Favor.

500 24 8
                                    

SHEENY'S POV

Matapos ang nangyari, dumating ang mga pulis. Sa kabila ng pagiging shock ng nga guest, kununan parin ng statement ang lahat.

Isinungod sa ospital si Ken dahil sa patuloy paring dumudugo ang kaliwa nyang binti.

Heto nga kaming lahat, ako, ang iba pang member ng SB19 at si Zerrin. Maging si Randy ay nandito din. lahat kami nakaabang sa labas ng emergency room. Kasalukuyang inooperahan si Ken ngayon para matanggal ang dalawang bala na nakabaon sa kanyang binti.

Kasama ko din ang parents ko dito sa ospital. Sumama kasi hanggang dito yung mga pulis at kinakausap ng mga ito sina mommy and daddy.

May ilang press at media din sa paligid pero hindi naman sila magawang makalapit dahil sa dami ng mga body guard na nakapalibot sa aming lahat.

Hanggang pictures nalang sila sa amin.

Nakapagpalit na ako ng damit pero hindi ko na nagawa pang ayusin ang sarili ko. Hinayaan ko nalang na magulo ang buhok at kasing lanta ako ng gulay akong nakaupo habang nakasandal ang aking ulo sa pader at tulala.

Sina Justin at Josh ay nakatayo sa mismong pintuan ng emergency room, nagbabakasaling masilip kung ano ang nasa loob.

Si Stell naman ay naupo din. Nakataas ang mga paa nya sa upuan at naka-ob-ob ang mukha nya sa kanyang siko nakapatong sa kanyang tuhod. Nalinis na ang sugat nya kaya visible ang band aid sa kanyang mukha.

Sina Pablo at Randy naman ay nakatayo sa mismong harap ko at nakatingin lang sa akin.

"Bes, okay ka lang? Kaya ni Ken yun wag kang mag-alala saka sa binti lang naman ang tama nya." Hinagod-hagod ni Zerrin ang likod ko. Sa kasi ang katabi ko eh.

Mapait akong ngumiti sa kanya. "Bakit kasi umeksena pa ang Black na yun. Alam nyo ba masaya kami ni Ken kanina kasi nagkita na kami ulit pero heto nangyari ang ganito. Pagkatapos ng pagiging masaya kanina, lungkot naman ang kapalit. Hindi ba pwedeng happy nalang?" Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang paghikbi.

Maiiyak na naman kasi ako eh. "Akala ko kanina, katapusan na namin ni Ken. Bakit ba may Kagaya ni Black? Bakit hindi nalang nya tayo hayaang maging masaya?"

Ipinatong ni Pablo ang kamay nya sa balikat ko. "Everything has a reason, Sheeny. Magpasalamat nalang tayo dahil ligtas ang lahat ngayong gabi."

"Grabe yung Black? Galit na galit sya kanina kulang nalang talaga patayin nya ang pinsan ko, bwisit sya! Ang lakas ng loob nyang sirain ang gabi nating lahat especially Celestina's birthday!" Si Randy, napapasuntok nalang sa hangin. Gigil na gigil. "Kung alam lang namin na mangyayari ang ganito eh di sana pinadouble ni Uncle Clever ang mga security. Bwisit talaga." Yung galit ni Randy, umaalingaw-ngaw sa buong hallway eh.

"Tama na, Randy. Wala na naman magagawa ang inis mo dyan. Nangyari na ang nangyari."Bumuntong hininga ako at bumaling kay Zerrin. "Bes, umuwi ka na. Masyadong nang late. Isa pa hindi ka naman damay dito. Tatawagan nalang kita, okay?"

Yumakap sa akin si Zerrin at hinagod na naman ang likod ko. "Tawagan mo ako ha. Wag mo kakalimutan. Sana naman sa sobrang yaman mo nakapagpaload ka na."

Bahagya naman akong natawa sa sinabi nya. "Oo na may load na ako. Umuwi ka na."

"Ako na maghahatid sa'yo, Zerrin." Volunteer ni Randy.

Hindi pa man nakaksagot si Zerrin kay Randy, tumayo bigla si Stell at hinila si Zerrin papalapit sa kanya. "Ako ang maghahatid sa kanya." Ma-otoridad na sambit nito.

Huminga nalang ng malalim si Randy, wala syang choice. Hindi rin naman maganda kung mag-aagawan sila ngayon. "Sige, ingat nalang kayo." Simpleng ngumiti si Randy at umupo sa tabi ko kung saan nakaupo si Zerrin kanina.

COUNTLESSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant