Count 99: Langga Ko.

491 22 3
                                    

KEN'S POV

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng pansamantalang magkahiwalay kami ni Aning. Sa bawat araw na lumilipas mas lalo akong nasasaktan, bakit kailangan pang umabot ng ganito katagal ang hindi namin pagkikita?

Alam kung galit parin sa akin ang parents ni Aning at yun ang pumipigil sa akin na puntahan sya sa London.

Kainis! Paano nagagawa ni Aning na hindi ako i-text or tawagan o kahit chat man lang? Akala ko ba handa nya akong ipaglaban? Hanggang kailan nya ako paghihintayin?

Idinaan ko nalang sa pagtugtug ng piano ang lungkot na bumabalot sa puso ko. Napikit ako at dinadama ang malamyos na musika.

Ibang klase maging stress reliever ang music, nakakarelax. Nakakatanggal ng bagot.

Tinutugtog ko ngayon ang Kiss The Rain by Yiruma. Kung papakinggan mo ang musika nya, nakakadurog ng puso.

Kapag namimiss ko si Aning ako sa music room tumatambay at tumutugtug tapos sasabay ko pa ang kunting emote, pwede na nga akong gumawa ng music video kapag andito ako.

Matapos kong tumugtug, natulala nalang ako sa tiles ng piano. Absent minded kung isa-isa itong pinindot ng hintuturo ko.

Ano kaya ang ginagawa ni Aning ngayon? Kumain na kaya sya? Baka nagpapatuyo sya ng pawis sa London. Okay lang kaya sya? Haist. Kahit gaano pa kadami ang ilabas kong tanong wala rin namang makakasagot.

Naalala ko noong unang tumugtog ng piano si Aning dito sa Music room at ito ring piano ang gamit. Hindi ko akalain na marunong pala syang mag piano, and that time, natulala ako sa mukha nya. I realized, she was really beautiful on her on way. Dun talaga ako nainlove sa kanya eh, nakuha nya ang puso ko sa pagtugtug lamang sa piano.

"Nagpapakasenti ka na naman?"

Hindi na ako nag-abalang lingunin ang nagsalita. I knew that it was Stell. Nakapasok sya dito ng hindi ko namamalayan, masyado akong invade ng music.

"Gusto ko na syang makita, Stell. Naiinip na ako pero ayokong mapagod kakahintay sa kanya."

Lumingon ako sa kanya at nagpakita ako ng isang mapait na ngiti.

Nakatayo si Stell sa gilid ng grand piano, medyo nagtaka ako kung bakit nakasuot sya ng light blue na barong. Gusto ko sanang magdrama kaso, biglang umurong ang luha ko dahil sa nakita ko. "Bakit ganyan na naman suot mo? May event ka bang pupuntahan? Pagabi na ah."

"Ah ito bang suot ko? Buti napansin mo." Umayos sya ng tayo at pumose pa sya na parang minomodel nya ang suot nyang pambansang kasuotan dito sa Pilipinas. Saan punta ng ungas na ito? "Ang ganda ng pagkakagawa di ba? Ang gwapo ko sa suot ko, nuh? Magbihis ka na, andun ang para sa'yo."

Napapailing ako."At bakit naman ako magsusuot ng ganyan kung nandito lang naman tayo sa mansion. Wag nyo nga ako madamay madamay sa kalokohan nyong apat. Wag mong sabibin na maging ang leader natin ang nakasuot ng barong Tagalog."

Hinila ako patayo ni Stell."Dami dami mo pa dyang sinasabi, magbihis ka na nga kasi baka malate tayo." Sapilitan na rin nya akong kinakaladkad palabas ng music room.

"Langya ka naman, Stell. Harrasment na ang ginagawa mo sa akin eh, saan ba kasi tayo pupunta ha? Need ba talaga na sumama ako?" Sisipain ko sa mukha itong si Stell, ayaw bitawan ang braso ko.

"Kasi ganito yun, brad. Invited kasi ang ang grupo natin sa isang event na gaganapin ngayong gabi. Opening atah ng isang mall at tayo ang napiling guest. Imbes na magmukmok ka dyan at magdrama, sumama ka nalang sa amin. Lalaklakin natin lahat ng alak na makikita natin dun. Hehehe."

Napatingin ako sa kanya at sabay kaming napangiting dalawa sa naiisip namin. Gusto ko ang sinabi ng taong strawberry na ito ah. "Arat Na! Sama ako dyan!"

COUNTLESSWhere stories live. Discover now