Count 97: Tanan.

416 24 2
                                    

SHEENY'S POV

"TADAAAHHHHHHH! Welcome to our new house, langga. Mula ngayon dito na tayo titir---Aray naman! Bakit ba ang hilig mong manipa ha?! Kabayo ka ba ha? Kabayo ka?"

Paano ba namang hindi ko sisipain ang manok na ito, akala ko naman kung saan kaming malayong lugar pupunta---eh dito lang pala sa Batangas ang naging destinasyon namin. Ako pa nagbayad ng pamasahe namin sa taxi! Langya namang lalaking 'to oh. Ako pa talaga pinagbayad.

Pareho kaming naglalakad papasok sa lumang gate ng lumang bahay sa tutok ng burol. Parehong espesyal sa amin ni Ken ang lumang bahay dahil dito kami muntik na mamaya.

Inirapan ko lang sya at inihagis sa kanya ang back pack ko na naglalaman ng ilang damit. "Bilisan mo na nga dyan, ang init kaya." Alas dose na kasi ng tanghali!

"Dahan-dahan naman sa pagbato ng gamit mo, tinamaan mukha ko eh. Alam mo namang puhunan ko ang aking kagwapuhan." Isinakbit nya yung bag sa likod nya at umakbay sa akin.

"Yumayabang ka na ngayon ah, langga. Ang hangin... Bagyong Ken is coming." Sabi ko with matching yakap sa sarili at kunwari'y nilalamig pa.

Sabay kaming pumasok sa main gate ng lumang bahay at kaagad na inilibot ang mga mata ko sa loob ng lumang bahay.

"Wala paring pinagbago dito. Mabuti pala hindi pa nila ito ginigiba, di ba?" Manghang sabi ni Ken.

Teka, may naalala ako. "Hoy, manok ka. Bakit ba naisipan mo akong itanan ha? Kung gusto mo na naman ako makasama pwede ka namang tumira sa mansyon eh."

Bumuntong hininga lang sya at hindi nya magawang tumingin sa mga mata ko. Hawak hawak nya ang dalawa kung kamay at doon nakapako ang mga mata nya. "Ang lolo ko, Aning. Nakausap ko sya kanina, inutusan nya akong hiwalayan ka dahil anak ka ng kaaway nya sa negosyo." Yung boses ni Ken, parang malapit ng umiyak. "Pinapili nya ako, ang pagiging Suson ko ba o ikaw."

Idinako ko ang kamay ko sa pisngi nya. "At ako ang pinili mo, obvious naman."

Dapat ba akong magdiwang na ako ang pinili ni Ken? Gusto kong magsaya kasi nagawa akong ipaglaban ni Ken, pero bakit ganito? bakit nalulungkot ako.

"Hindi na nya ako kinikilala bilang apo nya at lahat ng perang meron ako na sa kanya nanggaling ay binabawi na nya,Aning. Pero, hindi ko pinagsisisihan ang desisyon na ginawa ko."

"Teka? May sarili ka namang pera mula sa kinikita mo bilang artist, di ba?" tanong ko.

"Pero hindi sasapat kung ano man ang meron ako."

Bigla akong napayakap sa kanya.

Ngayon ako nakakaramdam ng awa mula sa kanya. Hindi ako sanay na ganito sya, feeling ko tuloy pati ako nanghihina.

Paulit-ulit na hinagod ni Ken ang buhok ko. "Sorry, langga. Pati ikaw, nadamay sa sitwasyon ko. Hindi ko lang kayang sundin ang gustong mangyari ng lolo ko. Hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa'yo. Ngayon pang sigurado na ako na ikaw ang babae para sa akin. Kahit kanino, handa kitang ipaglaban." Pinagdikit nya ang mga noo namin. "Sana katulad ko, handa mo rin akong ipaglaban."

Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. "Pangako, walang iwanan."

Pareho kaming pansamantalang natahimik at tumingin sa makikitang tanawin sa labas. Mula dito sa pwesto namin, napakagandang pagmasdan ng nananahimik na Taal Volcano.

"Ano na ang mangyayari sa atin? Siraulo ka Ken, itinanan mo ako tapos wala ka palang kapera-pera. So paano tayo mabubuhay? Paano tayo kakain sa araw-araw ha?" Kunwaring pagmamaktol ko na sinabayan ko pa ng mahinang pagsuntok sa matigas nyang dib-dib.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now