Count 20: Kaaway kita hindi kaibigan.

620 29 2
                                    

KEN'S POV

Pasimple akong pumasok sa loob ng bahay, wala ngang nakapansin sa paglalakad ko sa sala. Andun naman sina Justin at Josh pero masyado silang busy sa paglalaro ng baraha para mapansin ang paglalakad ko. Hindi ko nalang din sila inisturbo sa pagba-bonding nila.

Naka-akyat na ako sa hagdan at pagpasok ko palang sa kwarto ko, hinubad ko na ang lahat ng suot kong uniform. Wala akong itinirang kahit anong telasa katawan ko, hinayaan ko nalang na magkalat sa sahig ang mga hinubad kong damit at dumaretsyo ako sa banyo. Lagkit na lagkit na ako sa katawan ko, kailangan ko ng maligo.

Binuksan ko ang shower at sinalubong ng aking mukha ang malamig na tubig. Pinili ko ang pumikit at damhin ang pgdaloy ng tubig sa buo kong katawan.

Wala kahit anong maririnig sa loob ng banyo kundi ang maingay na lagasgas ng tubig.

Gusto kong marelax ang utak ko. Ayoko na munang mag-isip ng kung ano ano.

🎶There's a song that inside of my soul
It's the one that I've tried to write over and over again
I'm awake in the Infinite cold
But you sing to me over and over again🎶

Ayan na naman yung kanta! Kusang nagpi-play sa isip ko! Nakakainis! Bakit ba hindi ako makaget-over sa boses ni Aning?! Hindi ko maintindihan kung bakit sobra akong naapektuhan ng ganito.

Bwisit na probinsyana! Wala syang karapatan para guluhin ang isip ko.

Pagkatapos kong mag-shower, nagbihis na kaagad ako. Matamlay kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Matutulog nalang ako, nakakawalang gana bumaba. Kapag nagpakita ako sa kanila, tatanungin lang naman nila kung saan ako galing. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom, I tutulog ko nalang ito.

🎶Yeah go up! Go up! Go up
Tanging liwanag ang nakikita
Sa tuwing ipipikit aking mata
Bituin ko'y laging nagniningning
Sa dilim
Walang makakapigel🎶

Haist! Ano ba naman! Kung kelan nakapikit na ako saka naman mag re-ring ang cellphone ko! Isa pang nakakabadtrip itong tumatawag sa akin. Tsk. Kung kelan magpapahinga na ako saka naman tatawag.

Tumayo at lumapit sa mga hinubad kong damit sa sahig. Takte naman! Nasaan na ba yung phone ko, patuloy lang sa pag tunog ang cellphone ko pero hindi ko parin mahanap. Ahhh! Heto! Nasa bulsa ng overcoat ko lang pala!

Baliw Na Stell’ ang nasa screen. Nilagyan ko na nang pangalan ang number nya sa contacta ko, baka magreklamo na naman eh.

Tamad din itong si Stell, pwede naman nya akong katukin dito sa kwarto ko may patawag-tawag pang nalalaman. Nagsasayang lang load!

Isinwipe ko ang green button at itinapat ko ang cellphone sa tenga ko.

“Ken! Bakit late ka umuwi? Siguro natulog ka na naman sa kung saan-saan ano?! Sa susunod wag kang magpapagabi! Nag-aalala kami sa'yo! Alam kong andyan ka na sa kwarto mo pero hindi ka man lang nagpakita sa amin para ipaalam sa amin na okay ka!”

Sakit sa tenga ng boses ni Stell! Lalaki sya para maging madaldal. Napaka-oa naman nya, ano ba sya asawa ko or something? Alam kong nag-aalala at sya ang most caring sa grupo namin pero langya, hindi na ako baby!

"Oh?" Yan lang ang nasabi ko.

“Sa haba haba ng sinabi ko OH lang ang naisagot mo?! Bumaba ka na nga lang dito sa kusina! Pinagluto kita ng paborito mong fried chieken. Kumain ka muna bago matulog! Hindi kita madadalhan dyan ng pagkain!”

Toot!

Okay? Binaba na nya yung call. Ibinulsa ko yung cellphone ko at lumabas ng kwarto.Sige na, tingnan ko lang kung anong inihanda nyang pagkain para sa akin. Baka isumbong nya ako kay pinuno kapag hindi ko sya pinansin.

COUNTLESSOnde histórias criam vida. Descubra agora