Count 3: A New Name.

747 39 15
                                    

ANING'S POV

Buong araw akong naglibot sa bahay nung--- Ano nga name nila?! Ahhh! Si Stell yung nakasalamin. Si Justin yung blonde ang buhok. Si Josh yung brown ang buhok. Si Pablo yung leader nila at yung mayabang ay si---- Nevermind.

Ang laki pala talaga ng bahay nila--PALASYO pala ito!  PALASYO!

Inubos ko ang oras ko maghapon sa mag-isang paglilibot sa kanilang mansion. Astig nga! Ngayon lang ako naka pasok sa ganitong lalaking bahay! Ang mga  chandelier na nakasabit sa kisame,kumikinang sa ganda.

May isang kwarto pa ako na nadaanan kanina, music room atah ang tawag sa kwartong yun kasi ang daming gamit pang musika.

Huling naging destinayon ko  ngayon ang sala. May malaking puting grand piano sa gitna. Nakakamangha! Kanilang bahay kaya talaga ito? Nakahiya din umapak sa carpet. Nagyapak na nga lang ako. Baka madumihan ko pa yung sahig nila dahil sa lumang tsinelas ko. Puti pa naman ang tiles.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga pictures frame na nadikit sa malaking pader.

Sila ang mga nasa pictures.

May picture pa na lahat silang lima naka suot ng school uniform at nakatayo sa puno na may pink na dahon. Kung hindi ako nagkakamali, cherry blossom tree yata yun. Siguro mga 15 or 16 palang sila dito.

May isang napakalaking portrait ang makaagaw pansin sa lahat.

Silang lima parin pero nakasuot sila itim na toxedo. Mukhang dito sa malaking hagdan dito sa mansion kinunan ang litrato. Mga matured na ang mga mukha nila nila sa picture. Fierce na fierce.

Sino ba talaga sila?

Model?

Sa datingan nila para silang maimpluwensyang tao.

Nakakalula ang laki ng mansion nila.
Hindi naman talaga ako mag-isa,may tatlo silang kasambay dito. Mababait naman silang lahat at kinakausap din ako pag wala silang masyadong ginagawa.

Siguro, dapat na akong umalis dito.

Nakakahiya kasi sa kanilang lima lalo na kay Pablo. Makapal na masyado kung mananatili pa ako dito at hindi ko matatagalan ang ugali nung mayabang na yun.

Bigla akong nanlumo at napasandal sa kapwa ko pader. Saan naman ako pupunta kung aalis ako dito? Di ba nanakawan pa ako. Mag apply nalang kaya ako bilang kasambahay dito para magkapera ako.

Pero kung iisipin, nagkataon lang ba kaya na sila ang muntik nang makabangga sakin? Is this destiny? Sige. Mag assume ka pa, Aning.

Natigil ako sa pag-iisip nang may sunod sunod na bumubusina sa harap ng bahay. Sila na atah yun!

Kaagad akong nagtatakbo sa malaking bintana at sumilip kung sila na nga ba dumating.

Automatic na bumukas ang ginto nilang  yung gate at sunod sunod ngang pumasok ang limang kotse.

Iba-iba ang kulay. Pula, itim, dilaw, asul at puti.

Wow! Tigigisa talaga sila ng sasakyan? Ganun ba sila kayaman?

Pumunta ako ng kusina at tumulong sa paghahanda ng pagkain. Sabi nang isa sa mga maid na si ate Kyla. Nakasanayan na nang mga señorito nila ang magmeryenda pagkagaling sa university.

Mula dito sa kusina, nasilip ko nga na nasa dining table na yung lima at naghihintay nalang ng pagkain.

Teka, ayos ba itsura ko? takte. Hindi  pala ako nakapagpalit ng damit, mukhang dugyot parin ako. Malamang pag lumabas ako sa kusina at nakita akong ganito nung mayabang nilang kaibigan, lalaitin na naman ako nun.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now