Count 46: Front Page Star.

553 29 0
                                    

SHEENY'S POV

Bitbit ang ilang libro ko tahimik akong naglalakad sa hallway papunta sa ng classroom ko. Hindi na ako nagpahatid pa sa SB19 masyado na akong abala.

Habang naglalakad ako hindi ko mapigilang mapansin ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. May hawak silang newspaper na nakita kong ipinamimigay pagpasok palang ng main gate.

"Tingin mo dito siya nag-aaral?"

"Hindi ko alam pero grabe ang lakas ng charm nya sya pa ang naging mukha sa front page ng newspaper natin."

Narinig kong pinag-uusapan nung dalawang college student na nakasalubong ko. Sino naman kaya yung tinutukoy nilang nasa front page ngayon? Hindi naman kasi ako interesadong kumuha ng dyaryo kanina.

"SHEENYY!!"

Pagpasok ko palang ng classroom, sinalubong kaagad ako ng yakap mula kay Zerrin. "WAHHHH! Namiss kita!"

"Halata namang namiss mo talaga ako." Grabe naman makayakap itong si Zerrin, papatayin yata ako sa higpit ng yakap nya eh.

"Halika bilis may ipapakita ako sa'yo! Excited na hinila ni Zerrin ang kamay ko papunta sa upuan namin. Ipinatong ko ang mg libro ko sa ibabaw ng mesa saka ako umupo.

"Look at this." Inilapag ni Zerrin yung newspaper sa harap ko.

Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kung kaninong picture ang nasa front page ngayon. Isang babaeng nakasuot ng kumikinang na puting gown at naka silver na maskara! Ang kuha ng picture ay yung lumalakad palang ako sa red carpet.

Da ep! Ako 'to ah!

Tahimik kong binasa yung caption.

"The luckiest girl in the grand ball of Nase University,  Chosen as the QUEEN OF THE NIGHT. Who is this mystery girl? Luckly she got the attention of SB19. Who is this Cinderella in a silvermask?"

Kinikilig na tumabi sa akin ang kaibigan ko. "Pinag-uusapan ng buong campus kung sino ang Cinderella in silver mask. Hindi nila alam ikaw yun hehehe."

Siniko ko si Zerrin sa tagiliran. "Wag kang maingay dyan, baka may makarinig." Ibinalik ko sa kanya yung newspaper.

"So kamusta naman ang pagiging Cinderella in a silver mask? Grabe, kilig na kilig ako habang isinasayaw ka ng SB19! Napapasana-ol ako eh."

"Ang ingay mo talaga Zerrin. Kapag may nakarinig dyan, shatap ka lang." Bigla kong naalala yung ginawang kabutihan ni Zerrin. "Pero salamat ha, kung hindi ka dumating ng gabing yun kung saan ako nakulong sa banyo baka hindi ito mangyayari."

"Sheeny, wala yun. Friends tayo eh---Hala! May ibibigay nga pala ako sa'yo!" Ipinatong ni Zerrin ang white nyang shoulder bag sa kanyang desk at kinuha mula doon ang ibibigay daw nya. "Oh, yung cellphone mo. Naiwan mo yang nung gabi ng party."

"Na sa'yo pala yan akala ko nawala na talaga eh." Sabay kuha ko sa kanya ng gamit ko. "Salamat. Nga pala yung mga gamit mo sa susunod ko nalang isasauli."

"Sige." Bigla akong hinampas ni Zerrin sa balikat ko habang chineck ko yung phone ko. "Hoy, Sheeny. Wala ka bang balak Ipaguidance ang grupo nina Glaiza? Grabe yung ginawa nilang pagkukulong sa'yo dun sa banyo ha. Dapat maparusahan na ang mga babaeng yun."

"Zerrin, hindi na kailangan. Nung nakita ko ang expression nilang puno ng inggit nung isinayaw ako ng SB19 sapat na yung ganti." Inilabas ko ang mga notebook ko.

"Pero isa lang ang sigurado ko Zerrin, kapag may nakaalam na ako yung babae ng gabing yun tyak na lalo nila akong pag-iinitan." Ayokong pag-initan na naman nila ako. Hindi pa kaya ako nakakamove on sa mga nangyaring hindi maganda dito sa akin sa campus.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now